Dei's
We were currently resting after Lunch when Tatay called.
"Hello, Tay."
"Anak, anong kabaliwan ang ginawa mo? Kagabi matatanggap ko pa na lumuhod yan senador na yan sa harap mo,pero ngayon, anong kasal na kayo? Naloloka ka na ba anak?"
"Tay, sorry po. Madalian po ito kase kailangan. Pero Tay, mahal po ako ni RJ. Sorry po, pero hayaan na ninyo ako. Gusto ko naman ito."
"Anak, malaki ka na. Alam kong alam mo na ginagawa mo. Kung sigurado ka na diyan, sige, humayo ka. Wala na rin naman kaming magagawa. Kasal na kase kayo. Pero tatandaan mo, mahal ka namin ni Nanay mo pati ng mga kapatid mo. Kapag niloko ka niyang asawa mo, bumalik ka dito. Naku anak, eto Nanay mo, iyak ng iyak."
"Tay, huwag po kayong mag-alala. Sabihin ninyi kay Nanay, maayos din ito. At pakisabi rin sorry po. Alam kong mahal ninyo rin ako. Pero nandito na ito."
"Teka, buntis ka ba? Bakit madalian? Ni hindi mo nga ipinakilala sa amin na boyfriend mo pala yang senador na yan."
"Tay, di po. Mahabang kwento, pero sasabihin ko sa inyo pagpumunta na kami ni RJ diyan."
"Asan na yang asawa mo na yan? Kakausapin ko."
Ipinasa ko kay RJ ang telepono. Gusto siyang makausap ni Tatay. Alam kong dismayado sila Tatay sa akin pero alam ko ring maiintindihan nila ang lahat. Tulad ng pag-intindi nila sa hindi ko pagpapakasal kay Frankie.
Matapos kausapin ni RJ si Tatay ay ibinalik niya ang phone sa akin.
"Babe, don't worry, aalagaan kita. Pomise ko yan."
"Salamat. Ipangako mo yan ha."
"Oo naman."
"Anong sabi nga pala sayo ni Tatay?"
"Ayun, nagalit pero sa huli, tawagin ko na daw siyang Tatay. Babe, ayos na tayo sa Tatay mo."
"Mabuti naman. Sana sa pamilya mo rin."
"Huwag na muna nating pag-usapan yan. Sa ngayon, magcelebrate tayo. Finally, tayo rin nagkatuluyan."
"Okay."
Kami-kami lang ang nasa rest house. Masaya ang lahat, pati ang mga tauhan ni RJ. Kasama nila si Rj habang nag-iinuman. Sinabi ko kay RJ na huwag masyadong maglasing. Pumayag naman siya. Sabi niya ay di naman siya ganun ka hilig uminom. Social drinking lang talaga.
Si Patty naman at ako ay nasa kwarto. Gusto kase niyang mahiga muna at napagod masyado sa bilis ang pangyayari.
"Girl, nakakainggit ka, sa loob ng isang araw, may asawa ka na."
"Girl, ano ka ba! Huwag kang mainggit. Teka, sa tingin mo ba, mali ang ginawa ko? I mean ang bilis kase e."
"Andiyan na yan. Sa tingin ko naman, financially okay na kayong dalawa. Emotionally lang ang di ko sigurado."
"Mahal ko na ata."
"Gaga! Natural, pinakasalan mo nga ng agad-agad e. Di pa ba pagmamahal yun?"
"Siguro nga. Gusto ko rin kase yun gusto niya. Yun makasal kami."
"Yun naman pala. Huwag ka ng mag-isip. Ikaw na asawa. Malamang ang daming inggit na inggit sayo. Ang gwapo at sikat ng asawa mo."
"Alam ko pero, di naman na yun ang habol ko. Kahit nga siguro, metro aide siya gugustuhin ko pa rin siya."
"Charing! Metro Aide! Sipain kita kaya ng malakas."
"Pero seriously, I know I did the right thing."
"Yun naman pala. Kaya huwag ka ng mag-isip. Tulog muna tayo. Mamaya, magswimming tayo."
"Sige. Napagod din ako e."
Natulog kami ni Patty sa pagod. Di nga namin namalayan na hapon na.
Naghilamos muna ako bago lumabas. Paglabas ko ay kokonti na silang nagkakasaya.
"Kris, asan ang amo mo?"
"Mam, lumabas lang po. Kase dumating ang Daddy niya dito. Sa labas daw sila mag-uusap."
"Ganun ba? Bakit di ako ginising?"
"Ayaw daw po kayong maistorbo. Pero babalik daw po siya agad."
"Okay Salamat." Gustuhin ko man siyang tawagan, nalimutan kong hingin ang number niya sa phone. Hindi ko rin mahingi kay Kris at nahihiya ako. Usapan nilang mag-ama iyon at ayaw kong makialam.
Naghintay lang ako sa sala. Nagbukas ng social media. Gusto kong basahin ang mga balita tungkol sa pagpapakasal namin.
@avajones075
Wow! Kasal na si Senator at Mystery girlfriend niya. Congrats!
@sergioM
Swerte ng babae. Ang gwapo na ng asawa, mayaman pa!
@justin08
Hindi magtatagal yan. Maghihiwalay din yan...makita ninyo.
@piaToT
Hindi maganda yun babae. Maganda pa yun dating girlfriend niya. Kawawa naman, niloko ni Senator.
At marami pang iba. Ayos lang sa akin yun mga panlalait. Talagang ganun. Nung pinakasalan ko ang asawa ko, pinakasalan ko din ang mga intrigang nakadikit sa kanya. Lahat ng pagkukulang niya, matataggap ko. Tutal, pumayag ako.
Whatever happens, hindi ako susuko. Kahit pa laitin nila ako. Ang mahalaga, ang asawa ko. Kami lang.
A/N One last mamaya. Mag-dinner lang po.
![](https://img.wattpad.com/cover/118099636-288-k571721.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanficA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.