Rj's
Pinaalis ko na ang mga tao sa harap ko. Naiwan na lang si Kris.
"Magpahinga ka na muna, Senator. Wala tayong maayos ngayon kung ganyan ka."
"Hindi ako matutulog hangga't di ko nalalaman kung nasaan ang asawa ko."
"Pero hayaan mong gamutin muna natin yang sugat mo man lang. Baka kung anong isipin ng lahat kapag nakita yang mga kamao mo." Hinayaan ko siyang linisin at gamutin ang kamay ko. Pero ako'y balisa pa rin.
Dei, nasaan ka na? Bakit ka umalis dito? Bakit di mo muna ako pinagpaliwanag?
"Sir, sa tingin ko dapat lumapit ka kaya sa Tatay niya."
"Anong sasabihin ko doon? Di pati uuwi si Dei sa ama niya. Alam ko dahil nag-usap na kami."
"E saan natin siya hahanapin?"
"Hindi ko alam. Wala akong alam tungkol sa kanya. Ni hindi ko alam kung sino mga kaibigan niya."
"Tignan kaya natin yun mga social media accounts niya. Baka may lead tayong makuha."
"Kris, hindi ko alam. Basta gawin mo ang lahat,makita lang ang asawa ko."
Batid kong pagod na rin si Kris dahil madaling araw na rin. Kaya naisipan kong palipasin muna ito. Kinabukasan, makakaisip din ako ng paraan.
"Matulog ka muna. Magpahinga na tayo. Alam kong pagod ka na rin,pero bukas na bukas, hahanapin ko si Dei. Tutal, matagal pa akong mauupo sa senado."
"Mabuti pa nga Sir. Mas makakapag-isip tayo kapag nakapagpahinga."
Pumasok ako sa kwarto namin. Naroon pa rin ang amoy niya. Humiga ako sa kama. Ni hindi ko na inisip magpalit ng damit. Nilanghap ko ang amoy ng unan. Amoy ni Dei ito. Vanilla and strawberry.
Natulog ako dahil sa kaiiisip kung nasaan na siya. Takot na baka may masasamang loob na gumawa sa kanya ng masama, at ang masakit, ni wala ako doon para tulungan siya.
O Dei, babe, asan ka na?
☆☆☆
Dei's
Tinawagan ko si Patty na kaibigan kong intern chef sa New York. Nandito na rin siya sa Pilipinas.
Tinanong ko kung hinahanap ako nila Tatay.
"Girl, pumunta ka na lang dito kung ayaw mo pang umuwi sa mga Tatay mo. Huwag kang mag-alala. Hinanap ka na nila dito. Di na iyon babalik dito muna. Nakausap ko rin sila. Sinabi ko na ayaw mong magpakasal kay Frankie kaya ka umalis."
"Pat, pasensiya na. Pero ayoko talaga. Hindi naipipilit ang pag-ibig."
"Alam ko. Tutulungan kita. Kakalipat ko lang ng condo. Hindi ito alam ng Tatay mo. Promise, girl di kita ipahamak."
"Alam ko naman yun kaya lang, dapat siguro harapin ko na sila Tatay. Kung sakali man na ipilit nila yun kay Frankie, hindi ako papayag. Ayoko!"
"O basta pumunta ka dito. Habang nag-iisip ka kung anong gagawin mo."
"Salamat Pat ha. Maaasahan ka talaga."
"Wala iyon. Ikaw din naman malaki ang tulong mo sa akin nung nasa New York tayo."
"Hintayin mo ako, malapit na ako. Dito na ako sa exit ng SLEX sa may Bicutan. Didiretso ako diyan."
"Okay. Mag-iingat ka." Ibinaba na namin ang telepono.
Hahayaan ko na kung anong naghihintay sa akin. Basta isa lang ang ayokong mangyari, ang makasal kay Frankie. Hindi ko mapipilit ang sarili ko.
Si Senator. Ano na kayang nangyayari? Alam na kaya niya na umalis ako? Baka naman magkasama pa rin sila ng babaeng yun. Iniisip din kaya niya ako? Bahala na. Muntik na e. Andun na! Nakajackpot na ako, kahit naman nag-iinarte pa. Pero natanso ako. Willing naman akong bigyan siya ng chance. Ako pa ba ang mag-inarte? Pero di kase totoo. Peke nga diba!
Namiss ko ata si RJ. Yun pangungulit niya sa akin. Kahit isang araw pa lang, may konting kirot. Masakit pala talaga ang magmahal. Lalo na siguro kung natutuhan ko na siyang mahalin ng wagas, baka maloka ako kung mangyayari ito. Pero sa ngayon, it's time to move on. Iisipin ko na lang na isang panaginip ang nangyari. Di na naman siguro kami magkikita kahit kailan. Marahil makikita ko siya sa TV at sa media, pero ako, hindi na niya ako makikita. Buburahin ko ang lahat ng bakas na makapagtuturo kung nasaan ako. Pero assuming lang. Hahanapin ba naman ba ako? Ngayon na naroon na yun tunay na mahal, asa pa ako? Hindi na niya pag-aaksayahan ng oras hanapin ang fake wife niya. Kahit kailan...
A/N It's Saturday. Malamang, may mga updates. Fast forward, new start, different scenario, good timing and happy meeting again, malapit na.

BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.