Rj's
It's been 18 hours pero di ko pa rin natatagpuan ang asawa ko.
I lay awake sa bed hoping she'll return soon pero wala. She's not answering her phone. Much to my dismay. Ganun ba kalaki ang away namin?
Kahit naiinis ako sa pagka-isip bata ng asawa ko, I know I did say something foul kaya siya nagkakaganun. And I had to accept na hindi ganun katibay ang pundasyon namin bilang mag-asawa dahil sa madalian lang kami nagsimula. Pero hindi rin naman ako nagkulang na ipakita sa kanya na mahal ko siya. And I know iyon ang mahalaga. Pero bakit na naman siya lumayas? This is the first time na umalis siya ng hindi ko siya matunton. Mostly during misunderstandings and quarrels, nasa kala Patty lang siya na madali ko rin nasusundo. Pero ngayon, hirap na hirap na ako. Wala pa akong tulog at ni hindi pa ako kumakain. Buti na lang ay Linggo, kundi, paano na ako sa session namin sa Senado?
I tried to think of where she could be. Lahat ng possible people na pwede niyang puntahan, pinapuntahan ko sa mga tauhan ko. Her Nanay and Tatay also learned na nagkaroon kami ng tampuhan. Buti na lang alam nila na mahal ko ang anak nila kaya di naman sila nagalit. Ang sabi lang sa akin ay hintayin kong humupa ang galit ni Dei dahil babalik din iyon. Ganun daw talaga si Dei. Mas gustong sarilinin ang problema. Kaya nga ito ginagawa ko. I stayed at home to wait for her while my men continued the manhunt operation sa asawa ko. Pero it's slowly killing me na isipin kung saan siya nagsuot. Diba niya batid na nag-aalala ako sa kanya? What's running into her mind? Di ko maialis na kabahan at matakot, di dahil sa baka kung anong masamang nangyari sa kanya kundi dahil sa baka tuluyan na niya akong iwan. Paano na ako pagnagkataon?
I was busy with my thoughts when Kris knocked on our bedroom.
"Ano na Kris? May balita na ba sa asawa ko? May nakakita na ba sa kanya?"
"Sir, I got an information na nagchecked-in ang asawa ninyo sa isang Motel sa Pasig. But she checked out din agad. She gave a different name. Natrace po kase ang Uber Driver na sinakyan niya kagabi. Nakuha ng security ng village yun plate sa CCTV camera. Nakadisguise ang asawa ninyo."
"So ngayon asan na siya? Pinuntahan ba ninyo yun Motel na tinulugan niya?"
"Yes Sir! Pero she checked out mga bandang 7am kaninang umaga. Sumakay daw ng taxi. Hinintay pa namin ang description ng guard about sa taxi. Kung anong plate at anong company."
"Sige, bilisan ninyo. Baka kung saan na mapunta ang asawa ko. I can't afford to lose her!"
Nasaan ka na Dei? Bakit pinahihirapan mo ako sa paghahanap sayo? Mababaliw na ako sa kaiisip.
I got myself a glass of wine. Gusto kong kumalma. Hanggang ngayon kase, wala pa rin akong makuhang lead kung saan siya nagsuot. Marahil mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap. Pero gagawin ko ang lahat makita lang siya, and I'll make sure na hindi na mauulit ito. Ilang beses na kase niyang ginagawa ang paglalayas. Ewan ko ba sa asawa ko, lagi na lang umiiral sa kanya ang takot na masaktan kaya bago pa siya masaktan, umaalis na siya. Na ang epekto sa akin, ay walang kasing hirap sa pakiramdam.
Dei, I will find you! Kahit saan ka pa magtago, di ako titigil na maiuwi ka dito sa bahay. Sa piling ko. Miss na kita, babe.
A/N Mamaya malalaman natin kung saan nagtago ang pugante natin.
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.