11

2.8K 189 6
                                    

Kahapon, Sugod Bahay sa San Pedro, Laguna...Bago ang lahat.. nakakatawa talaga si Jose. Mali-mali ang lyrics. Ahahaha. #ItaliPaMore

Dei's

Nakapag-isip ako. Mabilisang pag-iisip. Oo nakapag-isip ako.

Bibigyan ko siya ng chance. Kaysa naman mapunta ako kay Frankie. Dyuskuday! Sandamakmak ang tigidig nun. Ano ng magiging itsura ng anak namin pagnagkataon? Kawawa naman, lalaitin lang. Mas magiging maganda ang lahi ng mga magiging anak ko kay Senator kaysa kay Tigidig.

Kahit nakakahiya, lumapit pa rin ako sa kanya. Alam kong nag-iisip din siya. Ambilis ng mga pangyayari.

Nagkaintindihan naman kami. Kahit na mabilis, malay mo naman matuloy sa forever diba.

After that brief talk with my Oh-My-Gosh new husband, I locked myself sa kwarto. Syempre, I'm all alone. Kailangan ko pang mag-isip. Tutal yun drastic move na ginawa namin ay hard to believe, siguro naman at this point, tutal nandiyan na yan, siguro dapat maayos na at magsimula ng mas mabagal ngunit sigurado.

☆☆☆

Natulog ako sa kaiisip ng mga panibagong plano ko.

Marami-rami rin yun. Kaya di ko namalayan na gabi na pala. Hindi na ako nakapag-dinner.

Naghilamos ako saglit at nagmumog pagkagising dahil baka bigla na lang bumungad yan si Senator.

Paglabas ko ay walang gaanong tao. Gutom na ako kaya dumiretso ako sa kusina. Teka asan ang kusina?

Nakasalubong ko ang isa sa katulong at sinabing kumain na ng hapunan ang asawa ko. Naroon raw ito sa study at may tinatawagan mga tao.

Hindi ko siya gagambalain. Hindi ako magfifeeling muna bilang asawa. Naisip ko kase na kahiya-hiya naman talaga ang bilis ng pagpapakasal namin. Baka sabihin ay ako pa namilit.

Itinuro ng katulong kung saan ang komedor. Nakahain na naman. Ipinaghain din ako ng makakain ng katulong na nalaman kong si Julia.

"Matagal ka na ba dito?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo po. Palagi po si Senator dito noon nung sila pa ni Mam Luisa at nung bagong break sila"

"Mam Luisa?"

"Opo yun bago sa inyo."

"Ah okay. Kelan yun?"

"Di po ba niya ikinuwento sa inyo?" May pagkatsismosa rin itong babaeng ito.

"Mga two years ago po. Nung Governor pa lang si Senator. Pero nung nagbreak sila, lalo na siyang palagi dito at nagkukulong sa kwarto o sa study niya."

"Ganun ba?"

"Opo. Balita ko nga kaya sila nagbreak kase may babae si Senator, yun isang artista, si Divina Smash."

"Divina Smash?"

"Yun pong magaling mag-dubsmash."

"Ah okay. O tapos bakit daw naghiwalay? Totoo naman ba yun tsismis?" Tinodo ko na ang tanong tutal willing itong si Julia mag-chika.

"Ang sabi-sabi po, nahuli daw ni Mam Luisa na nagde-date itong si Senator at yun si Divina sa isang five star hotel. Kaya naman nakipagbreak ito sa Senator kahit malapit na silang ikasal."

"Talaga?"

"Opo! Lagi nga dito yun si Mam Luisa gawa ng parang mag-asawa na sila."

"Eh yun Divina asan na?"

"Ah si Miss Divina, hindi ko na po alam kung nasaan. Ang alam ko, umalis na ito sa showbiz dahil nga nabalitaang nang-aahas ng pag-aari ng iba."

"Sino si Senator?"

"Hindi lang Mam. Yun si Alden Richards na asawa ni Maine Mendoza."

"Kapangalan ko pa ata yun artista na Maine. Masalimuot pala. O e yun Luisa, asan na?"

"Nasa ibang bansa na daw. Balita ko sinundan ni Senator kaya lang matigas si Mam Luisa. Ang alam ko mahal na mahal ni Senator iyon. Nung isang buwan nga lang bago ang botohan, pinuntahan pa niya sa Amerika para makipagbalikan."

"E bakit di nagkabalikan?"

"Wala na po akong balita pagkatapos nun."

"Ah okay."

"Huwag po ninyong sasabihin na ako nagkwento sa inyo. Baka mapalayas ako dito. Kawawa naman ang mga anak ko kung mawawalan ako ng trabaho."

"Oo naman. Your secret is safe with me."

"E kayo Mam, ngayon ko lang kayo nakita. Pinakasalan pa kayo agad ni Senator."

"Palabas lang yun." Pagsisinungaling ko. Bigla kaseng may mga impormasyong nagpalito sa akin.

"Ah okay po. Baka nga. Kase yun si Judge Manalo, atin-atin na lang ha, hindi naman talaga judge yun. Di kase nakapasa sa bar exams yun. Nagkukunwari nga lang judge yun."

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Kapit bahay ng asawa ko yun sa Laguna. Huwag po kayong maingay, Mam, yari ako."

Napakuyom ako ng kamay. So lokohan ngang talaga ang kasal? Pinaniwala akong totoo. Buti na lang ay hindi pa ako bumigay agad. At buti na lang ay nabalaan ako ng tsismosang Julia na ito. Ngayon, wala siyang karapatang lumapit sa akin o hawakan ako man lang. Tsk! tsk! Senador? Nakikipagkutsaba sa isang bogus na hurado. Nakakatawa. Naiinis ako, iritado pa! Naisahan ako doon ah.

Pero teka, bakit nga ba ako naiinis? May feelings, ganun? Imposible!

Change of plans!

A/N Kayo din ba, naloko ko? Ahahaha! Don't worry, yan yun twist para maitama ang mga mali.

Abangan!




Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon