2

3.9K 197 1
                                        

"A convoy consists of 5 black 4×4 trucks are set to grace our resort today. Senator Faulkerson is in one vehicle and I assume you will be extra careful and accomodating to his team. Ayaw natin mapagwikaan."

Announced by the General Manager of Punta Fuego Mr. Wally Bayola.

"I hope all of you will exert more effort because the no.1 winning Senator will check in any moment now. Nakikita ko na ang convoy nila. Please get ready. Thank you. I expect your utmost cooperation team!"

I was eating my breakfast when I heard a commotion going on sa resort. I've been here for the past two days. As usual nabubuwisit ako sa Tatay at Nanay ko sa pangungulit nila na magtrabaho sa kumpanya well in fact, I've decided to work sa restaurant.  You see, I don't like paper works. I'm a born chef by heart.  Mas gusto ko sa likod ng kitchen. I want to be kept on the side and not to be shown on public. I'm an introvert that's why!

"Hello there, Mr. Waiter, anong kaganapan? Bakit nagkakagulo kayo?" Tanong ko sa isa sa humahangos na waiter. Natataranta ito.

"Ah, Maam, kase si Senator dumating."

"Sinong senator?"

"Yun bagong panalo. Si Senator Faulkerson."

Napataas ang kilay ko. Busy ako masyado sa mga problema ko at di ko man lang na-exercise ang pagiging Filipino citizen ko. Hindi ako bumoto!

Teka sino naman itong Senator Pokerson ba na ito? Wow naman ngayon pa niya naisipang mag-outing! Mamaya ma-televise sa TV ang pagpunta ng matandang senador na ito dito at makita ako ni Tatay, malamang patay tayo diyan. Masusundan ako. Aaminin ko, di ko kilala ang mga tumatakbo sa pulitika at wala akong pakialam kung sino unang madadapa at sino ang magwawagi. Natawa ako sa sinabi ko. Ahahaha! Madapa talaga? Kase tumatakbo nga diba? Pero di ko nga kilala at wala akong balak kilalanin. Ang mahalaga makapag-disguise ako bago pa ako makita ng Tatay ko. Di ko nga ginamit ang credit card ko at ang Tatay ko ay magaling mag-SOCO. Malamang ipa-hunting na naman ako kala Dean at Kuya Nico, kasama pa si Kuya John at si Mike. Kailangang lumayo ako sa limelight.

Tinawag ko ang isang waiter on stand by at sinabing kukunin ko na yun bill. Baka kase dito sa cafe dumiretso ang Poncio Pilatong Senador na ito at mahagip ako ng camera. Di pa naman ako nakapag-ahit ng kilay ko. Malamang baka ma-sight pa ako ni Tatay. Kaya babush na. Tago muna ako sa kwarto ko pagkakuha ng sukli. Oo hindi ako nag-tip. Bakit ba? May service charge naman sila. And importante ang pera sa ngayon. Bawal gumamit ng credit card. Kailangan cash para di matunton ng parents kong makukulet.

A/N This would be a romantic comedy and few drama's ahead.

Please sorry for not updating sa other fanfic ko. Pero mamaya mag-update ako My Heart is Yours. Promise.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon