13

2.6K 174 18
                                    

Rj's

I've been thinking habang pabalik ako sa Punta Fuego. Oo babalik ako kase doon ang aming Victory party and Dad is there together with Kuya Daniel and his wife, Alexis. Naiisip ko kung bakit nag-iba na naman ang himig ng asawa ko. Di ko alam kung anong nangyari. Natulog lang siya sandali pagkatapos naming magkasundo pero pagkagising, balik sa dati. Pero siyempre baka di pa sanay. Biglaan naman kase.

Pagdating sa resort, sinalubong akong muli ng mga tauhan kong naiwan. Naroon na daw sila Daddy.

As soon as makarating ako sa Pavilion, nilapitan agad ako ni Dad.

"Mag-usap tayo."

"Later, Dad. Nakakahiya sa mga tao. May camera pa."

"Saan ka galing? Bakit bigla ka na lang umalis? Ang sabi ni Kris, umuwi ka daw sa rest house mo."

"Yes Dad. May inasikaso lang."

"Ano?"

"Basta."

"Don't talk to me like you're innocent RJ. May itinatago ka. I know it."

"Dad, later. Di din ako magtatagal kase babalik ako sa rest house."

"Bakit? Akala ko dito ka ng 3 days?"

"Something came up."

"It's not what Kris told me. He said may babae ka daw na iniuwi doon."

"What did he say pa?"

"Wala na. Pero who is this girl?"

"Wala lang Dad. Nangangailangan lang ng tulong."

"Are you sure?"

"Yes I'm sure. Huwag na nating pag-usapan. I'm old enough, Dad. Kaya ko na sarili ko. And besides, diba you want me to get a woman for a wife."

"Oo. Pero hindi yun kung saan ka lang pupulot ng babae. I want someone like Luisa. Hindi yun nadadampot lang sa tabi-tabi. And I thought nangangailangan lang ng tulong? Bakit asawa agad?"

"Dad, let's talk later. I will tell you who she is. Basta let me be muna. You will know it later."

"Promise me."

"I will. But for now, we have a party to attend to."

Humiwalay na ako kay Dad. Nilapitan si Kuya pati ang asawa nitong si Alexis.

After ay nilapitan ko na ang mga tauhan ko. Pati na ang iba pang bisita na naroon.

"Senator, congratulations!" Sigaw ng lahat.

Masaya ako pero di rin ako makali. Knowing Dad, alam kong di siya papayag na hindi  malalaman kung anong totoo. So I kept my straight face on. Ayokong makahalata ang ibang tauhan ko na may naganap kanina.

As soon as makaupo ako sa presidential table  ay bumulong sa akin si Kuya.

"RJ, guess what."

"Ano?"

"Luisa is here. "

"Luisa?"

"Kanina pa siya dumating. And we asked her to grace the party. I bet nandito na siya."

Napanganga ako. Bakit ngayon pa? Kung kailan tinapos ko na sa isip ko ang tungkol sa amin. Paano ito? May asawa na ako.

Nagbago ang timpla ko. Naguluhan. Hindi ko malaman kung anong gagawin. Si Luisa, ang 5 year girlfriend ko. Ang ex- fianceè ko. Ang kamuntik ko ng pakasalan.

How about my legal wife? Pwede ba in one day, magpa-annul? Parang tanga lang diba. Kunsabagay, the marriage won't be consumed muna. Ang asawa ko na mailap pa sa akin.

Si Luisa? Paano kung malaman niya? Matatanggap ba niya? Makakapaghintay ba siya agad kung malaman niya ang tungkol kay Dei? Bakit ngayon siya dumating? Bakit di kahapon? Mahal pa kaya niya ako?

E ako? Mahal ko pa ba si Luisa? Sa tagal na naming magkahiwalay, sa dami ng beses ko siyang pinakiusapan na bumalik, bakit ngayon lang siya bumalik? Anong pakay niya? Dati, ang sabi niya hindi na siya kailanman babalik sa akin. Bakit ngayon, bumalik siya?

Ang gulo! Labu-labo na.

A/N Later po ulit. Magluluto lang ako. Alam na naman ninyo ang takbo e. May pa-ganito talaga.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon