Rj's
Wala pang 30 minutes ay natunton ko na ang pangalan ng babaeng iyon.
"Senator, naka-check in siya dito. Bawal po na ipagsabi ang names at location ng guest for security. Pero dahil senator kayo, bigyan ko po kayo ng exception. Pero sa atin lang po ha. Baka mawalan ako ng trabaho." Sabi ng manager na si Mr. Bayola.
"Okay. I assure you Mr. Bayola."
"Here po, she's Miss Nicomaine Dei C. Mendoza. 2 days na siya dito. And currently she's in room 207. Sa other side ng hallway from here."
"Good!" Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya at mabilis akong lumabas agad para hanapin ang room 207.
As soon as matapat ako sa room niya, kumatok agad ako.
Matagal bago niyang buksan ang pinto. Baka tulog o kung anong ginagawa. Excited ako. Giddy pa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Nakakabaliw mang isipin pero tinamaan ako ng kidlat ng ganun kabilis.
When she opened the door, nagulat ako. Bukod sa magandang mukha niya na bumungad sa pinto na lalo pang gumanda noong nagtataray siya ay di ko mapigilan makaramdam ng kakaiba dahil naka-malaking tshirt lang siya at naka-panty. Halos gusto ko na siyang dambahin at paghahalikan pero naisip ko na baka matakot.
"What the hell do you want?" Sigaw niya habang binubuksan ang pintuan.
Nagulat pa siya.
"Ikaw?"
"Yes, I am."
"Sorry, pero paano mong nalaman na dito ang room ko?"
"By the way, I'm Richard James Faulkerson."
"I know na, Senator! No need to introduce yourself."
"So you mean to say, inistalk mo na ako sa net?"
"So what?"
"Pwede ba muna pumasok? Mamaya pagkaguluhan ako dito."
"E bakit ba kase nandito ka? Kilala ba kita? Friends ba tayo? As far as I know, di tayo magkakilala at lalong di tayo close."
"I know. Pero papasukin mo muna ako."
"Teka, kahit senador ka, mamaya rape-in mo ako. Bakit naman kita papasukin?"
"As far as I know din Miss, nakasunod yun cameraman ng GMA para humingi ng interview. Ngayon kung gusto mong makita sa TV, pwede naman. Para isipin nila na ikaw ang babae ko." Pananakot ko.
"Ay leche!" Hinila niya ako ng bigla. Sabay sarado sa pinto.
"Bakit parang takot ka? May tinataguan ka ba?"
"Wala ka na roon! Basta bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo?"
"Respeto naman. Senator here."
"Senator, uulitin ko, bakit ka nandito? Anong kailangan mo sa akin?"
"Bago ko sagutin yan tanong mo, pwede bang magpalit ka muna ng damit. Naka t-shirt at panty ka lang." Sabay tumawa ako.
"Hayup!" Nanakbo siya agad papunta sa CR.
"Tumalikod ka! Kukuha lang ako ng pamalit. Nakakainis ka!" Sigaw niya mula sa CR.
"Yes, madame!" Tinakpan ko ang mata ko. Hinintay kong siya ang magsabi na nakapagpalit na siya. Mahirap ng hindi maging maganda ang una naming pagkikilala.
"So what brings you here, Senator Pokerson?" Tanong niyang bigla kahit nakapikit pa ako. Kaya minulat ko ang aking mata.
"It's Faulkerson. Call me RJ."
"Bakit nga?" Nakatayo pa rin siya sa harap ko habang nakapamewang. Na lalong nagpasexy sa kanya.
"Miss Nicomaine, okay lang bang magsabi ng totoo?"
"Kilala mo na ako?
"Inistalk na din kita."
"Anong drama yan?"
"Wala ng paliguy-ligoy pa, I like you. Love at first sight!"
"Ano raw? Baliw ka ba?"
"Ngayon lang. Sayo lang."
Alam kong nabigla siya. Pero iyon talaga ang naramdaman ko e.
"Teka ha, Senator, baka naka-drugs ka? Lumabas ka na. Hindi ako nakikipagbiruan sayo."
"And I am also serious."
"Really?"
"Really!"
Tinitigan niya ako. Tinaasan ng kilay. Ngumiti naman ako sa kanya. Pinakita ko talaga ang makalaglag panty na dimple ko. Baka kase mahumaling siya doon.
"You know what? Nagpapatawa ka! Saan ka nakakita na na-love at first sight ka sa isang tao? Imposible naman yun!"
"Possible po. Kase iyon nararamdaman ko ngayon." Sagot ko.
"Pwes, Senator, di ako nagpapauto. Bumalik ka na sa kwarto mo!"
"Ayoko, unless papayag ka."
"Papayag saan?"
"Makipagdinner-date sa akin mamaya."
"Excuse me?"
"Oo. Kung di ka papayag, dito lang ako. I'm serious." Ngumingiti pa ako.
"Di ako nakukuha sa pagpapalalim niyang dimples mo! Itsura neto!"
"Kunwari ka pa. Alam ko naman na kinikilig ka!"
"Aba! Aba! Senator, makapal ang mukha mo!"
"Oo. Lalo na sayo."
"Seriously? Napaka-childish." Umiiling pa siya.
"Kung di ka naniniwala, dito lang ako."
"E di diyan ka lang. Aalis ako."
"Tawagan ko nga yun security ko, mapapunta yun cameraman ng GMA, papakilala kitang girlfriend." Akmang bubunutin ko na yun cellphone ko sa bulsa ng lumapit siya at nakipag-unahan sa pagkuha. Halos maidikit na niya ang dibdib niya sa mukha ko. Ang bago sobra!
"Huwag mong gawin yan! Papayag na ako. Basta walang camera!"
"Bakit takot ka sa camera?"
"Wala ka na roon!"
"Okay. So payag ka na?"
"May magagawa pa ba ako? Blinack mail mo na ako."
"Sige, sunduin kita dito. Huwag kang tatakas kase pabantayan ko lahat ng exit ng resort." Tumayo na ako at akmang lalabas ng magsalita siya.
"Nakakainis ka! Kapal mo!"
"Okay. Pero magready ka baby. I'll be back." At tuluyan na akong lumabas. Naririnig ko pa ang padyak at dabog niya. Pakacute ng baby ko. Baby talaga. And aaminin ko sa inyo, sa sandaling oras, nahook na ako. Wala ng atrasan ito.
A/N Tomorrow na po ulit. Will try to update din kase ang Mi Corazon. Pero bukas na. Salamat sa mga tumangkilik na at tatangkilik pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/118099636-288-k571721.jpg)
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
Fiksi PenggemarA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.