21

2.9K 211 14
                                    

Rj's

I was already on my way to Taguig when I remembered na nalimutan ko ang cellphone ko. Nailapag ko kase sa mesa when I was talking to the Senate President, Senator Julian San Jose.

Binibigyan niya ako ng ilang tips kung saan ako papanig. Kung sa minority ba o sa majority. Currently, dahil I'm new in the position, wala pa akong grupo na kinabibilangan. At dahil doon nalimutan kong inilapag ko pala ang phone ko sa mesa at nalimutan ko ng kunin pa hanggang sa makaalis kami.

Kaya pinabalik ko si Kris para kunin. I'm hoping na itatago iyon ng kung sino man naroon.

Pagdating sa bahay ko, I waited for Kris' update kung nakuha niya yun phone ko.

After an hour and a half, nag-riring na yun phone ng isa sa tauhan ko. Inabot naman nito sa akin ng makitang si Kris ang tumatawag.

"Hello. Kris, o ano nakuha mo ba yun Phone ko?"

"Sir, opo!"

"Bakit ang tagal mo naman? May tatawagan ako. Nandyan yun phonebook ko. Kailangan ko na ngayon. Importante yun!"

"Sir, sandali lang po."

"Wala ng sandali. Ngayon na bumalik ka na dito."

"Sir natagpuan ko na ang asawa ninyo. Si Mam Dei nakita ko na. Pero parang di niya ako nakilala."

"Ano? Si Dei? Paano? Saan? Kasama mo ba siya?" Sunud-sunod ang tanong ko. Hindi ako makali. Nalimutan ko ang tatawagan ko. Mas mahalaga si Dei. Baka hindi ko na siya makita kung di ko pa siya pupuntahan ngayon.

"Sige, isend mo kung nasaan ka. Pupuntahan kita diyan. Huwag mo siyang papaalisin. Huwag mo munang sabihin na kilala mo ako."

"Sige Sir. Sa Makati kami. Itext ko na lang diyan yun address. Inimbitahan kase ako nung kasama ni Miss Dei na kumain sa labas, pasasalamat para sa pagliligtas ko sa kanya."

Bakit parang nainis ako na may kasama siyang iba. Sino yun? Baka wala na akong pag-asa kay Dei? Kailangan kong malaman ang sagot sa mga tanong ko.

Bumiyahe kaming muli papunta sa isang foodpark sa Makati.

"Sir, paano ka bababa? Pagkakaguluhan ka sa loob."

"Hayaan mo na. Pakisabihan ang mga tauhan natin, kailangan ko ng back up. Stand by lang kayo."

"Sir, di ka ba natatakot. Mamaya may ambush diyan."

"Basta kayo na bahala. Be vigilant. Kailangan kong makita si Dei."

Napailing na lang ang tauhan ko pero bakas sa kanya ang pag-aalala.

"Don't worry, nasa loob na si Kris."

Pinagbukas na ako ng isa sa tauhan ko. Buti na lang nakapagpalit na ako ng khaki pants at light blue button down polo na tiniklop ko hanggang siko. It was open kase I'm wearing a white v-neck shirt under. Malayo sa get up ko kapag nasa opisina ako. Naka-white chucks lang. Ayoko naman na agaw eksena. I wore my Nike shortpit, para di halata na ako'y senador.

Natanaw ko na si Kris. Napatingin ito sa akin. Nakatalikod si Dei sa akin kaya di niya alam na ako yun nasa likod niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa puso ko kase parang gustong kumawala nito sa dibdib ko.

Paglapit ko sa kanila, Kris automatically stood up.

"Senator. Magandang gabi."

Dahan-dahan siyang tumalikod. Napanganga ng makita ako.

"Hi, babe." Bati ko sa kanya na akala mo ay kahapon lang kami huling nagkita.

Nagulat yun kasama niyang babae.

"Dei, Babe daw? Paano?"

Natameme siya. Hindi nakatayo. Samantalang si Kris at yun kasama niya ay nakatayo na.

Lumuhod ako upang magpantay kami.

Nakatitig pa rin siya sa akin.

Lahat na ay nakatingin sa amin. Pati ang mga tao na naroon sa food park.

"Babe,tagal kita hinanap. Bakit ka umalis? Alam mo bang muntik na akong mabaliw sa kaiisip kung saan ka hahanapin?"

"Ha?" Yun lang ang sagot niya. Nakahawak sa bibig niya na akala mo ay nakakita ng multo.

"Babe, magsalita ka naman. Ang tagal kitang hinanap. Di na kita papakawalan."

Naluluha na siya. Kaya niyakap ko siya. Hinalikan sa noo. Maraming beses. Namiss ko ang amoy niya. Ayoko ng bumitaw. Gusto ko ng iuwi ito.

Di ko na alintana na nakuha na namin ang atensiyon ng lahat. May ilang lumapit na at napapalibutan kami. Kung may kumukuha man ng litrato o video, pero wala na akong pakialam.

Ang ginawa ni Kris ay hinila na niya kami, pati yun kasama ni Dei palabas sa Food park para hindi na kami pagkaguluhan ng tao.

Nang makalabas na kami sa food park ay saka lang siya nakapag salita.

"Senator, bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Mamaya na tayo mag-usap. Sumama ka muna sa akin."

"Hep! Kahit senador ka, ako kasama ni Dei. Mamaya gagawan mo lang siya ng masama. Di siya sasama sayo!" Sabi nung kasama ni Dei.

"Kilala niya ako. Ako ang asawa niya. Diba, babe?"

"Hindi." Sagot niya.

"Please babe. Listen to me muna. Miss sumama ka sa amin kung gusto mo. Kris ikaw na magdrive ng kotse niya. Yun sasakyang dala mo, hayaan mong si Rogelio ang magdrive." Utos ko sa kanila.

"Tara na Patty. Malalaman mo mamaya. Pero sa ngayon, umalis na tayo dito. Sumusunod na mga tao o " Sabi ni Kris dun sa Patty daw.

"Sige. Kundi lang tiwala na ako sayo." Sagot naman ng babae.

"Babe, tara na. Mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako."

Ayaw man niyang sumama kaya lang sumama na yun Patty kay Kris kaya nagpahila na siya sa akin. Actually ayaw ko siyang bitiwan. Hawak ko na siya sa beywang, ay hawak ko pa siya kamay. Wala na itong kawala. Hindi ko na siya hahayaan. Kahit anong mangyari.

And masaya ako kase nakita ko na siya. Sana nga lang, wala ng maging hadlang. May takot man ako, pero alam ko, malakas ang kutob ko, akin na ang puso niya. Sa luha pa lang na tumulo mula sa mga mata niya nung sabihin kong hinanap ko siya at muntik na akong mabaliw sa kahahanap sa kanya, alam ko, mahal na rin niya ako.

A/N Pahinga po muna. Pumipikit na mata ko. May binabasa rin po kase akong ibang story.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon