34

2.7K 176 4
                                    

Dei's

Two weeks into the marriage, masasabi kong smooth naman ang pagsasama namin. Minsan lang naiisip ko yun mga nakaraan niya, tulad na lang nung Luisa. Although wala naman siyang ginagawa pero kapag naiisip ko na ikakasal na sila dapat dati, naiirita ako. Kaya minsan inaaway ko ng walang dahilan. Gustung-gusto ko na inaamo niya ako kapag nagtatampo ako. May pagtatago pa akong nalalaman kapag nagtatampo, pumupunta ako kay Patty na nagiging dahilan kaya may pa-manhunt siya dahil nawawala ako bigla.

"Girl, baliw ka!" Sabi ni Patty sa akin isang beses na nagtago ako sa condo niya.

"Naiinis kase ako."

"Saan? Sa sarili mong kalokohan? Di naman ino-open ang topic, ikaw itong makulit. Isinisingit mo pa. Tapos ano? Ikaw nag-iinarte at may paglayas ka pang nalalaman! Two weeks pa lang kayong nagsasama, baka manawa sayo yang asawa mo! Wala ka sa hulog, Dei!"

"Eh kase, di ko mapigil na magselos talaga e! Tapos nakita ko pa sa isang function ng mga Metro Manila Businessmen's Club na dumalo iyon Luisa na yun kasama yun hipag ni RJ na akala mo bangganda-ganda! Mukha namang pusit sa sobrang itim ng labi!"

"Loka ka talaga! Teka bakit? Saang function ba yan?"

"Gala night para sa mga businessmen. Nakita ko lang sa TV."

"Huwag ka ng magselos at huwag mong ikumpara ang sarili mo doon. Mas maganda ka at mas matalino. Ikaw ang pinakasalan! Bakit ka nagdududa? Ikaw ang asawa!"

"Oo na! Eto na! Uuwi na ako. Miss ko na ang asawa ko."

"Sige na! Maloloka ako sayo!"

Palabas pa lang ako ng condo unit ni Pat, nakita ko na ang asawa ko na nakaupo sa  carpeted floor ng hallway na parang tanga na naka-suit pa ng pang-Senador tapos kawawang-kawawa. Nakakalat pa ang mga tauhan niya na nakatingin lang sa kawalan. Natatakot sigurong mapagalitan kung papakialaman ang among nag-papacute sa sahig. Kakatawa ang eksenang dinatnan ko pero nanaig ang awa at habag sa asawa kong nagpapakita ng kahinaan dahil sa pagmamahal sa akin.

Di ko na kinaya ang  nakita ko. Tinakbo ko siya at lumuhod sa harap niya. Naluluha sa kalokohan ko.

"Sorry, Babe! Di na ako aalis ng walang paalam." Sabay halik sa labi niya.

"Huwag mo ng ulitin iyon ha, Babe. Maloloko ako kapag umalis ka ulit. Di ko na alam kung saan ka hahanapin."

"Di na, promise." Naluluha kami sa usapan namin.

"Tara na uwi na tayo?"

Tumango ako. Tumayo na akong una. Inalalayan kona lang siyang makatayo at hapit ang slacks na suot niya. Baka mapunit.

Bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal. Inihilig ko ang ulo ko sa leeg niya at niyapos ko ang 2 kong braso sa leeg niya.

Ipinagbukas kami ng elevator ng mga tauhan niya. Diretso sa sasakyan ay di niya ako ibinaba. Halos lahat nga ng nakasalubong namin ay hindi maiwasang mapatingin. Ang karamihan ay kinikilig at ang iba ay nagtataka. Pero wala akong pakialam, basta nasa bisig ako ng lalaking mahal na mahal ko, wala akong nakikitang tao sa paligid ko, so RJ ko lang. Walang  iba.

Narealize ko na hulog na hulog na rin ako sa kanya. Pero kailangan kong bawasan ang pagseselos at lalong turuan ang sarili kong magtiwala sa sarili dahil iyon ang kumakain sa tiwala ko sa asawa ko. Yun takot na baka magising na lang siya isang araw na di na niya ako mahal. Kaya dapat kong pag-ingatan ang pagmamahal niya, so ipinapangako ko na magbabago na ako. Tutal, kita naman na mahal na mahal ako ng asawa ko.

A/N Bukas po ulit!





Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon