10

2.9K 196 7
                                    

Rj's

Alam kong nabibilisan kayo sa mga pangyayari. Sa ngayon ayoko munang mag-isip. Kung anong nararamdaman ako, iyon na yun.

Hinayaan ko muna siyang mag-isa. Alam kong naguguluhan din siya pero alam ko din na makikita niya na kahit patagalin pa namin ito, sa kasal din mapupunta.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari. Ako yun tipo ng lalaki na kalkulado ang bawat galaw. May plano sa bawat gagawin, pero ngayon iba. Hindi ko muna inisip ang sasabihin at mangyayari. Inuna ko muna yun nararamdaman ko. And alam ko sa sarili ko na mahirap paniwalaan at lalong mahirap intindihin, pero hindi ko mapigil ang sarili ko na maging wreckless. All my life, matino ako. Sa kanya lang ako nagkaganito. Saka ko na pro-problemahin ang sasabihin ng iba, basta ang asawa ko muna ang uunahin ko. Tutal naman may dalawang buwan pa bago ako manumpa sa Senado. Ibubuhos ko muna ang lahat ng lakas ko sa pag-papaibig sa asawa ko. Siya muna. Bago ang iba. Bago ang sarili ko.

Nagambala ang pagmumuni ko ng bigla siyang lumabas at lumapit sa akin.

"Mr. Senator, nakakahiya man pero may itatanong ako sayo?"

"Ano yun baby?"

"Gusto kitang bigyan ng chance pero hindi pa rin nagsink in sa akin na mag-asawa na tayo. Pwede ba, dahan-dahan naman muna. Dinaan mo ko sa Santong Bilisan e."

"Okay. So.."

"I'll try. Let's get to know each other. Paano kita mamahalin kung di ko alam ang tungkol sayo and same with you. Paano kita papaniwalaan na gusto mo ako kahit 8 oras pa lang tayong nagkikita at nagkakakilala. Hindi mo nga alam kung baka terorista ako."

"Okay."

"Okay lang?"

"Sige simulan mo na baby.."

"Tell me about yourself.."

"Interview ba ito?

"Sort of.."

"Well, ako si Richard James Faulkerson. RJ for short. Pangalawang anak na lalaki ng tatay kong si Richard Faulkerson Sr. Ang nanay ko naman na si Rosario Reyes Faulkerson ay patay na. Ang kuya ko, siya ang Junior pero di niya ginagamit. Richard Daniel ang ginagamit niya. May kapatid akong babae si Rizalyn, siya yun bunso namin. Ikaw?"

"Nicomaine Dei Capili Mendoza, now Faulkerson, hirap bigkasin ng apelyido mo ha! Call me Dei, 4th child sa limang magkakapatid. Anak ako ni Theodore Mendoza at Mary Ann Capili. Ang panganay namin ay si Nicolette Anne asawa ni John Carlos Catalan. 2nd si kuya Nicodynn. 3rd si Nicoleen Dyan  at bunso namin si Nicodeim Dean."

"Puro kayo Nico?"

"Oo. Kakatawa Tatay at Nanay ko diba?"

"Bakit ka nagtatago sa Tatay mo?"

"They want me to manage one of our business. Ayoko. Gusto kong maging chef. Yun ang dream ko. To have my own restos."

"Okay. Yun lang?"

"They want me to marry the son of their wealthy amigo."

"So ayaw mo? Pero pumayag ka sa akin?"

"Teka bawiin ko na kaya!"

"Hindi! Joke lang, baby. Go on.."

"Ayun, ayoko. Bakit ako? Bakit di si Coleen?"

"Bakit nga ba?"

"Di ko alam. Pero ayokong magpakasal sa kanya! Nakita ko na kase si Frankie Arinoli, mukha siyang langka na  tinadtad ng tigidig sa mukha niya."

"So ang gusto mo kasing-gwapo ko?"

"Kapal mo! Pero mas maaatim kitang halikan kaysa sa kanya!"

"So papayag ka ng magpahalik?"

"Diba sabi ko, hayaan mo muna akong mahalin ka. Kapag mahal na kita, pwede na."

"Okay. So pwede na ba ngayon simulan?"

"Ang alin?"

"Pagpapaibig ko sayo!"

"Ikaw ang bahala."

"Okay." Ngumiti na ako ng ubod tamis. Pero naiinis ako sa sinabi niya na pinipilit siya ng Tatay niya na magpakasal sa isang mukhang langkang tigidig.

Akin  lang siya. Kaya gagawin ko ang lahat, mapaibig ko lang siya.

"Magbihis ka!"

"Saan tayo pupunta?"

"Magpaprescon ako."

"Ayan na naman tayo. May camera na naman."

"Kailangan."

"Para saan?"

"Para di ka na guluhin nung tigidig na yun! Ipagkakalat ko ng asawa na kita."

"Ayos ka lang? Baka nabibigla ka?"

"Sure ako."

"Teka, huwag muna. Saka na. Gusto ko if in case na ipakilala mo na ako, dapat mahal na natin ang isa't-isa."

"Sure ka?"

"Oo bakit? Ayaw mo?"

"Okay. Pero can I hold you and kiss you?"

"Huwag muna ngayon! Ang daming info na pumapasok sa isip ko. Mababaliw na ata ako sa nangyayari. Nakakabigla kase ang nga kilos natin."

"Sige. Pero at least, let me treat you the way a husband treats his wife."

"Okay."

"Yes! Thank you!" Niyakap ko siya. Hinalikan sa noo. Dama ko yun takot at pagdududa niya pero di ko hahayaan na magtagal iyon doon. Gagawin ko ang lahat para matutuhan niya akong mahalin. And ako din sa kanya.

A/N Later po ulit! Maglunch and pahinga ko ang malabo kong mata. Thanks sa comments. Nakakataba po ng puso. Kaya lalo akong ginaganahan magsulat.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon