Rj's
It's been two months..
I still remember the day after she left..
Para akong tanga na tinawagan na lahat ng pwede kong mahingan ng tulong. But not one man lang ang makapagturo kung nasaan si Dei. Halos gusto ko ng pumunta sa magulang niya pero I was contemplating dahil alam kong di uuwi si Dei doon. And baka mas lalong mapasama kung lalapit ako sa kanila. Baka lalo siyang magalit at mawala sa akin. I don't know what to do.
Not a single day na nawala siya sa puso at isip ko. And kahit sabihin pa nilang nababaliw ako para maghabol sa babaeng di ko naman gaanong kilala, wala akong pakialam.
I talked to Dad about Dei. He said I was impossible and out of my mind, buti na lang daw si Kuya ay nakialam. Kundi, ano na lang ang sasabihin ng mga bumoto sa akin? Na wala ako sa katwiran para pakasalan ang isang babaeng di ko man lang kinilala. Who are they to judge me? Buhay ko ito. And I know what's best for me. Para na tuloy akong nawalan ng gana na magtrabaho. Pero siyempre, pinili ko ang maglingkod sa taumbayan, kaya dapat panindigan ko ito. Pero hindi ko pa rin kakalimutan na hanapin si Dei. I missed her and I want to be with her, but this time,mas maayos na. Mas tama na. If ever I see her again, I will make everything right. Di ko na dadaanin sa mabilisan. I'll make her love me, slowly but surely. But for now, yun constituents ko muna. Pagsettled na, I promise, hahanapin ko siya.
Si Kuya Daniel naman, I confronted him. Naanticipate niya na magpapakasal ako that day kaya he interfered. May nagsabi sa kanya. And I know it's Kris. Kaibigan namin mula pagkabata si Kris. Anak siya ng driver ni Dad. Kaya alam ko na sinabihan niya si kuya. Ang sabi ni Kuya, kailangan daw niya akong protektahan. Hindi kay Dei kundi sa mga taong nagtiwala sa akin. At sa mga taong against din sa akin, sa mga hindi believe sa kakayahan ko dahil bata pa raw ako sa posisyon ko. Wala akong pakialam sa kanila. Dei is more important. Nagalit ako kay Kuya dahil wala siyang pakialam sa mga plano ko sa buhay ko. Buhay ko ito afterall. Dad is trying to come between us. Pinagbabati niya kami. Pero I won't let it, unless ibalik niya sa akin ang asawa ko. Until then, saka ko siya mapapatawad.
Si Luisa, she keeps on bugging me. Naiinis na ako. Di ba niya nakikita na ayaw ko na sa kanya. Nagpapasalamat na nga ako at nagkahiwalay kami dati, mabuti na lang, kundi, nakatali na ako sa kanya. Mabuti na lang hindi. At hindi na kami magkakabalikan pa. Never again!
As for me, eto, para akong patay na buhay. Pero I am trying to be good sa work ko. Lalo na at simula na ng session.
May dinner out ang lahat ng Senador sa Dusit tonight. And I don't know, something about this dinner na nagpapakaba sa akin. Di ko alam, pero feeling ko may magaganap. Huwag naman sanang masama, pero sana mabuti iyon.
I missed my Dei. I want to see her. Hanggang ngayon, yun labing natikman ko bago kami naghiwalay ang aking inspirasyon, darating ang panahon, mahahawakan at mahahagkan din kita,Dei. Konting tiis na lang.
A/N Pasulput-sulpot po ako. In between being mommy at writer ako ngayon. Thanks sa votes and comments. I do appreciate it, really!salamat!
BINABASA MO ANG
Akin Ka na Lang (Completed)
FanfictionA MaiChard/AlDub Fanfic. Mr. Senator meets Miss Stokwa. Find out how they will be entangled to love.