7

3K 196 9
                                    

Dei's

Nagpabalik-balik ako sa kwarto ko matapos lumabas ng mayabang na senador na yun. Halu-halo ang nararamdaman. May inis, pagtataka at kilig.

Ngayon lang ako nakarinig ng ganun. Love at first sight? Sinong niloko ng lalaking iyon? Hello? Pwede ba! Di ako ipinanganak kahapon para basta na lang maniwala. Ano kayang balak ng taong iyon? Nakapagtataka talaga.

And hindi ako pwede magpakita sa camera. Alam kong nakasunod lagi sa kanya ang camera dahil bagong panalo ang walanghiya sa senado. Mas lalo kong ipapahamak ang sarili ko kapag sumama ako sa kanya.  Ano ba ito? Anong gulo itong napasok ko? Di ko naman kasalanan, yan hayup na senador na yan ang may pakana!

Wala akong maisagot sa mga tanong ko. Wala rin akong maisip na dahilan kung bakit siya naghahabol sa akin. At isang araw lang inlove na? Impossible!

Tumingin ako sa salamin. Anong maganda sa akin? Ang laki ng bibig ko, pero pang-mowdel naman talaga! Maganda ang mata ko kahit malalaki. Mukhang Indian nga daw. Hindi ako kaputian, pero di ako maitim. Matangos naman ang ilong ko. Pero anong nagustuhan niya? Sakit sa ulong mag-isip ha!

Umupo ako sa couch. Piniga ang utak ko. Kailangang makatakas ako dito para di na ako masundan ng lalaking iyon. Mahirap na baka matunton ako nila Tatay.

Inimpake ko ang mga gamit ko. Sumilip sa pintuan. Kailangan ko ng tumakas.

Tumawag ako sa reception. Sinabing may emergency ako. Nagpapunta naman sila ng tao.

Binayaran ko na ang room ko. And nagsabing ikuha ako ng shuttle na magdadala sa akin sa isang port para pumunta ng Mindoro.

Matagumpay na akong nakalabas sa tulong ng crew ng resort, pero pagsakay ko sa shuttle, ang bumungad sa akin ay ang mukha ni Senator.

"Tatakas ka ba, Miss Nicomaine?"

"What are you doing here? Bakit ba sinusundan mo ako?"

"Alam ko ang gagawin mo. Pinabantayan kita sa mga tao ko. Pati cctv ng hotel pinatignan ko. So eto ako, di ko hahayaan ang babaeng gusto ko na mawala pa sa paningin ko!"

"Mr. Senator, hiyang-hiya ako sa pagiging stalker mo! Diba madaming babae naghahabol sayo? Bakit sa akin ka nagkakaganyan?"

"E sayo lang ako nagkakaganito. Masama ba?"

"Oo masama! Hindi ako naghahanap ng sakit ng ulo. May pinagtataguan ako, tapos eto ka, ibubuko mo ako kung saan ako matatagpuan."

"Sino ba pinagtataguan mo?"

"Bakit ka ba nakikialam?"

"Gusto kitang tulungan. Wala naman akong balak na masama."

"Gustong tulungan? Ipapahamak mo lang ako."

"Hindi kita ipapahamak. Proproteksyunan kita. Remember, Senador na ako. Kaya kitang itago kung sino man yang humahunting sayo."

"Ayoko nga!"

Umiling siya. Inutusan ang driver ng shuttle na nalaman kong isa sa tauhan niya kasama ang isa pa na simulan na ang biyahe.

"Saan ninyo ako dadalhin? I-salvage ninyo ako ano?"

"Grabe ka sa salvage."

"E saan nga tayo pupunta?"

"Isama kita sa secret rest house ko. Doon ka magtago. Para wala ka ng problemahin."

Natahimik ako. Nag-iisip. Mauubos na rin ang resources ko dahil di ko magamit ang mga credit cards ko at debit cards.

"Bakit mo ako tinutulungan?"

"Gusto kita. Mahirap bang paniwalaan iyon?"

"Imposible!"

"Hindi imposible. Totoo. And I'm willing to show you, basta ba papayag ka."

"Anong mahita ko sa pagpayag?"

"Itatago kita sa pinagtataguan mo."

"At?"

"Aalagaan kita hangga't di pa nahuhuli yun pinagtataguan mo."

Natawa ako.  Huhulihin talaga?

"Anong nakakatawa?"

"Alam mo ba kung sino pinagtataguan ko?"

"Sino nga ba?"

Umiling-iling ako. Nangingiti. Makulit itong senador na ito.

"Sino nga?"

"Huwag mo na nga alamin."

"Ex-bf?"

Umiling uli ako.

"Sino ba?"

"Yun parents ko."

Napatango siya.

"Bakit?"

"Long story."

"Kwento mo sa akin pag ready ka na. Pero for now, itatago muna kita. Payag ka na?"

Nagkunwari akong nag-iisip.

"Sige. Pero aalis na ako kapag gusto ko na."

"Papayagan kitang umalis kapag akin ka na. Pero siyempre babalik ka rin."

"What do you mean?"

"Marry me..."

Gusto kong himatayin. Bagsak panga akong tumingin sa bintana at tinignan ang mga nadadaanan namin palabas ng resort.

Ayokong sumagot. Gusto ko lang takasan ang obligasyong pilit ibinibigay ni tatay. Hindi ko sinabing ang pagtakas ko ay may kasamang pag-aasawa. At sa isang gwapo at makapangyarihang senador pa.

A/N Dahil walang pasok, may mga updates po. Marami.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon