35

2.7K 172 3
                                        

Dei's

Six months into the marriage, and the fact that it was a whirlwind romance, masasabi kong we're doing good. Minimal problems but sometimes merong konting misunderstanding but we make sure na mapag-usapan before we go to sleep para maayos agad. We help each other para mabuild yun strong bond between husband and wife. Hindi yun parang kaning isusubo, kapag napaso, iluluwa.  Quoted from the kasabihan ng matatanda.

One thing na lagi naming di pinagkakaunawaan ay ang fact na hindi pa rin sila okay ng Daddy at Kuya niya.

I always tell kase RJ na we need to make amends with his father and Kuya. Kahit ayaw nila sa akin, I want to make it right bago kami magkaroon ng anak. Yes, I want to have a baby na, kase I want to make RJ happy. And anak na lang ang kulang. That will seal our bond. Pero hanggang ngayon, di pa rin pinapalad. Though we're not planning the timing, it just don't occur pa. Maybe I'm just too stressed dahil eversince naging fulltime housewife ako, I see to it na mameet ang expectations ng asawa ko. Kaya nalilimutan ko na rin minsan ang time para sa sarili ko. Maybe that's the problem. But I hope, magmaterialize na yan pregnancy na yan, kase baka isipin ni RJ ay ayaw ko or hindi ko gustong magka-anak. Pero the truth is, gusto ko na. Gustung-gusto ko na talaga. But RJ does not pressure me naman, maybe it's just me and my wild thinking.

☆☆☆

One Saturday morning, sinabi ko kay RJ na I want us to visit his Dad and Kuya. Ayaw niya pero pinilit ko. Kunwari nagtotopak ako para lang mapapayag siya. Basta kase tungkol sa akin, mabilis pa sa alas kwatro ang pagresponde niya.

"Basta, if this does not go well,uuwi tayo agad! I'm telling you, Dei!"

"Opo! This is one way para naman matapos na yang away ninyo. I guess, kailangan tayo ang magpakumbaba. Baka kase gusto na rin ni Daddy mo makipagbati kaya lang ikaw itong ayaw.  Isa pa, sabi mo, they got the project without your connections, so good na yun. I guess, maayos na yun away ninyo."

"Babe, napakabuti mo! And I'm lucky na ikaw ang pinakasalan ko."

"Siyempre! You know naman gusto kitang maging masaya. Lalo na at maganda ang standing mo sa Senate."

"It's because of you, babe! You're my lucky charm!"

"I know right!"

☆☆☆

That same day we went to his Dad's house. Tamang-tama nandoon yun Kuya niyang si Daniel.

At first, nagtitigan ang magkapatid. Not until dumating ang Daddy nila. They tried to be civil after that. Medyo humupa ang angasan nilang magkapatid.

"RJ, what brought you here?"

"You see, Dad ang tatanda na natin para mag-away-away. I guess it's about time na magkasundo tayo bilang pamilya. Isa pa, my Dei here wants me to make amends with you. Gusto ko na rin matapos ang away na ito. Tutal nakuha natin lahat ng gusto natin. Ako napakasalan ko ang babaeng mahal ko and you got the project."

"I guess so. Tama na nga yang away. Magbati-bati na tayo. Kayo rin ni Daniel."

"Dad, nalimutan mo na ba na hindi man lang tumulong yang anak mo sa atin para makuha ang proyekto sa DPWH? I'm just making you remember. Baka nalilimutan mo!"

"Daniel, tama na! Nakuha na natin yun project, and di pa nasira ang pangalan ng kapatid mo. I guess it's about time na tigilan na ang away natin. RJ, son, you're forgiven. Daniel, makipagbati ka sa kapatid mo." Kinuha ng daddy niya ang kamay ng dalawa at pilit na pinahahawak-kamay. I can say na believe ako sa asawa ko kase napakahumble niya para siya mag-initiate na ilapit ang kapatid sa kanya. Lalo ko tuloy minahal ang asawa ko.

Nagyakap sila at nagkamay pa pagkatapos. Sana nga tapos na ang lahat ng ito. Para naman makapamuhay na ang lahat ng matiwasay.

"Come here, Dei. This is Kuya Daniel, and Daddy. Dad, Kuya, si Dei, ang asawa ko."

Akala ko kakamay lang sila sa akin, pero niyakap ako ng Daddy ni RJ and ang kuya niya naman ay ganun din.

"So I guess, welcome to the family, Dei?"

"Salamat po." Sagot ko. Pagkatapos ay inilapit ako ni RJ sa kanya at inakbayan.

"Magpadeliver tayo ng food. Para naman dito na kayo mag-dinner. Tutal it's already five in the afternoon."

"Sige po, Dad. Salamat for accepting my Dei."

"Of course, Son. You know di kita kayang tiisin."

"Thanks Dad."

Walang mapagsisidlan ang saya at tuwa naming mag-asawa dahil finally ay magkasundo na kaming lahat.




















Pero iyon ang akala ko. Hindi pala.

A/N Torn between writing it tonight or reading a new book. Basta!

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon