36

2.8K 168 29
                                    

Dei's

We were a picture of a happy couple. Pati ako ay naging laman na rin ng ilang magazines. Because after being married to the youngest Senator in town, meron perks ang pagiging asawa ng politiko. Not that I'm complaining pero I need to do charity works. And nagamit ko ang aking propesyon to spread good deeds to our kababayans sa pagput-up ng isang training center para sa mga housewives, teaching them how to bake para makatulong sa pagnenegosyo at pinansyal na aspeto ng pamilya.

I can say na masaya ako sa ginagawa ko. I made myself busy para di ko maisip ang pressure na hindi pa rin nagbubuntis. I had myself checked na sa doctor to know if meron akong diperensiya, wala naman daw. Healthy ang  productive system ko. So I asked RJ to go through sperm check para makita kung siya ang may diperensiya, but then wala naman daw problema. Maybe, just maybe di lang namin natitiyempuhan. So instead of dwelling on the fact na di pa rin ako mabubuntis after a year of being together, I finally decided to make myself busy sa training center.

Katulong ko si Patty and si Riza sa adhikaing ito. Kaya medyo nawalay sa isip ko yun pressure. Kapag nakikita ko yun fruit of labor ko, nakakaramdam ako ng satisfaction.

Our love blossomed perfectly. And kahit wala kaming anak, ay nakikita ko naman na walang nagbago sa aming dalawa ni RJ.

Or so I thought...

☆☆☆

Rj's

It's been a year na mag-asawa kami pero hindi kami pinapalad na magka-baby. We had ourselves checked but the result showed, wala ni isa man sa amin ang may diperensiya. Maybe the timing is'nt right. Pero siyempre gusto ko ng magkaanak. I've been very envious of Kuya Daniel and Ate Alexis kase she's on her way to their second child. Though di naman kami iniinggit, pero di ko talaga maiwasan na mainggit sa luck nila sa anak. Kelan kaya kami magkaroon ng sa amin?

"RJ, kelan kaya ako magka-apo sayo?" Tanong ni Daddy isang araw na nandoon kami ni Dei.

Napayuko ang asawa ko. Alam kong nahihiya siya at di pa rin siya nabubuntis.

"Dad, baka mapressure naman ang asawa ko. Di lang talaga pa kami sinusuwerte. And besides, plano talaga namin na huwag muna to at least enjoy our being mag-asawa." Palusot ko pero medyo may konting inis na hindi ko pinahalata.

"Naku, ang sarap ng may baby. Kaya kung ako sa inyo, dapat talaga magbuntis ka na Dei. Tignan mo kami ni Daniel, masaya kami." Sabat ni Ate Alexis.

"Don't worry ate, plaplanuhin na namin yan ni Dei. Diba babe?"

Iniba ko na ang usapan kase alam kong nahihiya na ang asawa ko at restless na siya sa upuan niya.

After our dinner sa bahay nila Dad, we went home sa bahay naming mag-asawa.

And simula rin ng usapan sa kala Dad, napansin kong tahimik ang asawa ko na parang nag-iisip.

"What's wrong?"

"Wala lang. Napagod lang."

"Saan? Nakaupo lang tayo doon ah?"

"Napagod nga ako!"

"Why do I sense na naiinis ka?"

"Hindi ako naiinis!"

"Tell me, Dei! Is it because naprepressure ka sa baby thing na yan? Di naman kita minamadali ah! Kahit gusto ko nang magka-anak."

"So ibig sabihin, gusto mo talaga? At dahil hindi ko maibigay sayo, naiinis ka?"

Tumaas na rin ang boses niya.

"Sinabi ko bang naiinis ako?"

"Sa tono ng pananalita mo, oo!"

"May magagawa ba ako kung ayaw mo pa? Wala diba? Katawan mo yan e!" Lumabas na sa bibig ko ang mga hinalang matagal ko ng kinikimkim.

"Gusto ko naman ah! Di lang sinusuwerte."

"I don't think so. Malay ko ba if you're just saying na gusto mo pero sa totoo lang, hindi mo talaga gusto. So tell me?"

"How dare you, accuse me! Anong gusto mong palabasin? Na gumagawa ako ng way para di ako mabuntis? Nakikita mo ba akong may iniinom na pills?"

"Malay ko."

"You're impossible! I hate you, Rj!" Nilayasan ako ni Dei. Alam kong pareho kaming wala sa mood at naprepressure sa usaping anak na yan. Kahit pa sinasabi namin sa  ibang tao na hindi kami nagmamadali, deep inside, gusto ko. And hindi ko alam kung gusto niya.

I let her walk away. Alam kong di kami magkakaindindihan. Bukas ko na siya kakausapin. And sa ngayon, hahayaan ko muna siya. Kaya I asked my staff na samahan akong umalis muna para magpalipas ng sama ng loob.

And through the duration of my being away from Dei, kahit naman 3 hours lang iyon, I realized, na mali yun ibang sinabi ko sa kanya. I need to apologize kase kahit bali-baligtarin ko ang mundo, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa asawa ko. Makakapaghintay ang anak. Tutal healthy naman daw kami. Isa pa, iisang taon pa lang naman kaming mag-asawa. Mahaba pa ang panahon!

Kaya as soon na maisip ko iyon, I went home to my Dei. Promise kase namin na hindi namin papatagalin ang away bago matulog ang isa. Kailangang masettle iyon bago kami matulog. And it's past twelve na ng madaling araw, alam kong hinihintay ako ng asawa ko.

I went home immediately, only to find an empty bed. Wala si Dei, pati ang ilang damit niya sa cabinet.

What have I done?

I called on my security, pina-manhunt ko siya. 

Pero five in the morning na, wala pa rin si Dei.

Wala rin kala Patty.

Ayokong tumawag sa Bulacan kase malalaman pa ng parents niya na nag-away kami.

Saan ko siya hahanapin?

Wala pa rin akong tulog.

Where are you, Babe? I'm sorry nasaktan kita. I promise not to do that again. Pero sino makakarinig? Dei come back!

A/N Pagod na po! Bukas ulit!

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon