23

2.9K 181 6
                                    

Dei's

Napakabilis ng pangyayari. Eto na naman kami sa kasalan. But I hope this time totoo na ito.

I insisted na gusto ko munang umuwi kami ni Patty sa condo niya. Kahit ayaw pumayag ng lalaking ito ay pinilit ko. Tinakot ko pa na kapag hindi niya ako pinauwi, hindi ko na itutuloy ang kasal. Masunurin naman. Unless lang na pumayag si Tatay, until then, hindi ako uuwi sa bahay ni RJ. Pero I doubt na papayag si Tatay dahil alam kong hindi. Typical Filipino Padre de Familia. And hindi kami allowed sa living-in situations dahil mataas ang moral values ni Tatay. Kasal muna bago pagsasama.

Hayaan ko siyang makipag-usap. I will stay out of the way. Bahala siyang mabugbog. Joke lang. Di naman savage ang Tatay ko.

☆☆☆

He went with us home. Almost one in the morning na nun. Pagod din ako sa trinabaho namin ni Patty. Ayaw pang umuwi ng loko. Baka mawala na naman daw ako. Clingy Senator talaga. And he's so cute. Parang bata na aagawan ng candy.

"RJ, it's late. Umuwi na kayo. Maawa ka naman sa mga tauhan mo."

"Sandali lang naman babe. Hindi makakareklamo yan mga yan."

"Nakakaawa na sila. Pupungas-pungas na o! Tapos bukas maaga mo pa silang gigisingin."

"That's what I paid them for."

"Kahit na! For humanitarian reasons. Umuwi na kayo at ng makapahinga ka na rin. Promise, di na ako tatakas."

Marami na rin naman kaming napag-usapan. Isa na doon yun trabaho ko. I would like to keep it kahit pa maging mag-asawa na kami. And he said yes. So wala na akong problema doon.

"Natatakot akong umuwi. Baka mamaya mawala ka na naman."

"Hindi nga ako mawawala!"

"Masisisi mo ba ako? Kase naman ikaw lagi mo na lang tinatakbuhan ang mga problema."

"Ah ganun? So duwag ako? Yun ba pinalalabas mo?"

"Di naman sa ganun. Kase ano.."

"Kase ano?"

"Gusto pa kitang kasama. Dito na ako matutulog para kasama kita. Tapos pauuwiin ko na sila."

"Ayun.. ayun ang dahilan."

"Sige na please."

"Wala kang damit."

"Meron, papakuha ako sa bahay."

"Huwag na. Papagurin mo sila. Mamiss mo naman ako."

"Matagal na kitang miss."

"Makikita mo ko bukas."

"Ayoko bukas. Gusto ko ngayon na. Itatali ko na sarili ko sayo."

"Hirap kausap ha.."

"Please.."

"Teka nga.. iisipin ko.."

Nagkukulitan pa rin kami ng pumasok si Kris para sabihing nasa news ang ginawa niyang pagluhod sa akin sa FoodPark.

"Sir bad news, ayan na yun ginawa mo kanina, nasa news na. Ang ilan natuwa, pero maraming nadismaya." Habang pinapakita ang cellphone niya.

"Kris, wala akong pakialam. Let it be. "

"Pero Sir, tumawag ang Daddy ninyo. Pupunta siya sa bahay ninyo ngayon din. Kakausapin ka daw."

"Bakit na naman ba?"

"Di ko po alam. Kanina pa daw kayo tinatawagan e."

"Nak ng.."

"RJ, may bukas pa naman. Hindi ako aalis. If ever na mawala ako, alam mo na kung saan mo ako hahanapin. Sige na. Kakausapin ka daw ng Daddy mo."

"Pero magpromise ka muna, hindi na magbabago isip mo.."

"Oo nga! Ang kulit ng amo mo Kris! Sarap ng sapakin."

"Huwag naman babe."

"Paano ka ibinoto ng taumbayan? Kung alam lang nilang ganyan ka ka-childish."

"Nilait mo na naman ako."

"Hindi sa ganun. Ang hirap mo kaseng paliwanagan. Kris, hilahin na ninyo itong senador na ito. Sige na, RJ. Promise hihintayin kita bukas dito. 12 pm pa pasok ko sa Dusit."

"Sige na nga. Promise yan babe ha."

"Oo nga! Kulit-kulit!"

Napilit din namin ni Kris na umuwi. Gusto ko rin naman na maghiwalay muna kami ngayong gabi. Para makapag-isip din ako sa bilis ng mga pangyayari.

"Babe, lock mo yun pintuan ninyo. Mag-ingat ka. I love you." Niyakap ko na at bumeso bago siya umalis para umalis na ngang talaga. Nakita ko kase si Kris na natatawa na at napapailing.

"Ingat kayo." At tuluyan ko na siyang itinulak palabas. At agad kong isinara ang pinto. Naghintay pa ako ng konti at baka bumalik pero hindi na sila bumalik.

Pag-alis niya, nagbalik sa isip ko ang mga naganap sa buong araw. Ang pagsilay ko sa kanya kanina sa hotel, ang halos ikapahamak kong pakikipag-bunong braso sa snatcher, ang muli naming pagkikita at pagbabalikan, at tutuloy na naman kami sa kasal. Lahat ng iyon ay naganap sa isang araw. Pero above all things, masaya ako dahil nalaman kong hinanap niya ako at ako pa rin ang pinili niya kahit sandaling oras lang kami nagkakakilala over sa ex niyang matagal din niyang minahal.

"Ang haba ng hair mo, day." Sita ni Patty.

"Tse!"

"Di mo ikinuwento sa akin yun nangyari ha. Kakatampo ka. Pero, girl, sa tingin ko patay na patay sayo si Senator. Huwag mo ng pakawalan yan. Ang gwapo na, senador pa."

"Pat, magpapakasal na kami."

"Ulit?" Nakwento na ni Kris kase sa kanya.

"Oo. Ulit!"

"Wow! Abay ako ha!"

"Sure. Ikaw pa. Maid of Honor ka!"

"Si Kris ang Bestman?"

"Wow! Crush mo?"

"Slight."

"Yan sinasabi ko e. Paano yun Dominic?"

"Malabo iyon. Dun sa Kris, may chance ako."

"Ay grabe siya. Pero in fairness gwapo at malaki katawan. Bagay nga kayo."

"Pansin mo?"

"Oo. Go for it girl!"

"Yep! O tulog na tayo. May pasok pa bukas."

"Sunod na ako."

"Tulog na ha."

"Yes.."

Akalain mong pati si Patty makakatagpo ng boylet. Amazing nga naman.

I'm looking forward sa colorful and happy ending namin ni Senator. Ang saya lang.

About the news, okay lang. Inggit lang yun iba. Ako nagwagi! Wala lang sanang bigla na lang may humahablot ng buhok ko dahil sa kanya. Alam ko kaseng madami ang may HD kay senator. Well, inggit lang sila. May better half na siya. And that's ME!

A/N Later folks. Happy Sunday!

About Kris, naisip ko pong si GovLloyd ang Kris. Bagay na bodyguard. Si Rogelio ay si Sinon. For imagination purposes po. Patty is still Patty. And pansin ninyo lagi siya sa Story ko, gusto ko po si Patty talaga. She's nice and maganda. Di ako naniniwala sa tsismis na AlPat

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon