Epilogue 1 of 2

3K 172 14
                                    

Actually, Chapter 44 would be the end sana but I decided na huwag na muna.

Dei's

After giving birth, naging busy na ako sa pagiging ina. Ang sabi kase sa akin Nanay, dapat daw maging hands on ako sa baby ko.     At two months we  decided to pursue Richard Dean M. Faulkerson's baptism. We call him Dean. Napakacute ng baby boy ko, just like his dad. Para silang pinagbiyak na bunga. We were a picture of a happy couple.

Pero when Dean is already six months old, many things changed. One is naging cold na yun husband ko sa akin. And I don't know why. Iniisip ko kung anong dahilan pero wala akong matinong maisip na sagot.

Baka due to my pregnancy and giving birth, I gained weight kase. Feeling ko ang pangit-pangit ko na. Lagi pa akong amoy gatas at pawis dahil sa pagpapa-breastfeed kay Dean.
Kapag tumitingin ako sa salamin, naiinis ako. Dumalang na din kase ang paglalambing ng asawa ko sa akin marahil dahil medyo lumaki ako. And I feel sorry for myself. Ganun pa man, I kept it to myself. Although sometimes, if not, most of the time I feel neglected. Dahil hanggang ngayon, hindi pa nangyaayari ang pangako niyang church wedding namin. Maybe he changed his mind. Oo, after I gave birth, he proposed to me and sinabi niyang on our second year anniversary, papakasalan na niya ako sa simbahan. Pero dumaan na ito't lahat, hindi pa rin nangyayari. Nakaka-anim na buwan na si Dean pero hindi na niya kailanman binanggit ang tungkol dito. Hinayaan ko na lang tutal, pinakasalan na niya ako kahit sa huwes lang.

And dahil sa mga alalahaning ganito, I began to drift away from him. Most of the time, doon ako natutulog kay Dean or minsan, itinatabi ko ang baby ko sa aming matulog. Sa gitna namin mismo. Pero funny, he doesn't notice it. No! Hindi niya ako kinukumpronta tungkol doon. He just ignore it. Minsan  he'll be home late dahil sa trabaho. And I learned that he works closely with Speaker San Jose's daughter. Abogado kase ang babae at dahil na- assign itong Secretary ng Department of Labor  at si Rj ang acting chair, maybe, o baka nga attracted ang asawa ko dito. Bukod kase sa sexy, matalino pa ang babae. Malayo sa itsura ko na hindi nag-aayos dahil laging nakabantay at alaga sa baby ko. Iyan yun nagpapalungkot sa akin. Na minsan naiiyak ako kapag mag-isa ako sa kwarto namin dahil nasa yaya niya si Dean. Mag-eemote na ako mag-isa na parang aping-api.

Umaandar na naman ang overthinking skills ko. Especially when I saw them sa news na magkatabi sa isang interview regarding pagtataas ng sweldo para sa mga manggagawa. I was so jealous, I almost throw the remote sa TV mismo. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

Eto na ba yun sinasabi kong iiwan din niya ako kapag nakahanap siya ng iba. O baka wala na siyang pagmamahal sa akin dahil ang pangit ko na? Which ever is his reason para maging cold sa akin, I don't know. Basta nafi-feel kong lumalayo na ang asawa ko sa akin. And I need to do something. Syempre, alam na ninyo yun. My frequent strategy, ang umalis at magtago.

So I called on my agent and booked a flight going to Guam. May US Visa naman ako e. One way lang. Hindi ko rin isasama si Dean, para mapilitan siyang alagaan ang anak niya. Para hindi din niya magawang kumalantare sa babaeng iyon dahil may anak siyang aturgahin.  Tama. I will leave kahit nangako na ako na hindi ko na gagawin iyon, kailangan e. Kailangan kong takasan ang nagbabadyang kalamidad sa buhay ko. Kung anuman ang mangyari, babalikan ko ang baby ko kapag kaya ko na siyang harapin at tanggapin na di na niya ako mahal.

☆☆☆

RJ's

I've been very busy eversince ma-appoint akong Chair of Senate Committee on the  Department of Labor and Industry. Palagi akong pagod dahil sa kaliwa't kanang meeting sa Secretary ng Bureau. Ni hindi na kami nakakapag-usap. Pero sa tingin ko naman okay lang naman siya dahil kita ko ang saya ni Dei kapag inaalagaan niya si Dean. Besides, alam kong di na niya uulitin ang ginawa niya dati. Nagpromise na siya sa akin.

But once na matapos ang  session namin dahil malapit na ang Christmas Season, promise kong siya naman ang iintindihin ko at plaplanuhin na namin ang kasal namin sa simbahan. But for now, titiisin ko muna ang pagod sa pagtratarabaho. As long as nandiyan si Dei sa tabi ko, kakayanin ko.

☆☆☆

Dei's

I am at NAIA terminal 2 waiting for the boarding time. Nagpaalam ako kay Yaya Fe na magshopping lang ako kase namimiss ko na iyon. Di niya alam ay pasimple ko ng inilagay ang mga gamit ko sa kotse ko pati na ang maleta ko ay nakatago na sa compartment ng kotse matagal na.

Nag-iwan ako ng madaming frozen bottles of breastmilk para kay Dean. Although umiinom naman ang baby ko ng gatas mula sa lata. I kissed my Dean goodbye. Naiiyak nga ako pero tinitiis ko lang. Nakailang halik ako at yakap sa baby ko na masayang naglalaro ng building blocks niya.

Nakaalis ako sa bahay ng walang security na sumusunod sa akin. Naniniwala  naman silang hindi na ako aalis at maglalayas. Pero sorry na lang sa kanila, style ko na kaya ito. Hahaha. Naisahan ko na naman ang mga iyon!

I was disrupted from my thoughts when my flight was called.

Attention, Flight J757 going to Guam via Philippine Airlines, please proceed to Gate 2 of the departure area.

Narinig ko na ang flight ko na  tinatawag. Medyo urung-sulong ako sa paglapit sa departure area. Teka, tama ba itong gagawin ko? Baka mali na naman ang desisyon ko. Bakit ngayon ko pa naisip na gawin ito? Anu bang nangyayari sa akin? Porke malamig na sa akin ang asawa ko at may babaeng umaaligid sa kanya ay hahayaan ko na lang siyang makuha ng iba? Teka nga, kaya ko bang malayo sa baby ko? Naiisip ko pa lang na wala sa tabi ko si Dean ay hindi na ako mapalagay.

Pero, naisip ko, kakayanin ko rin kaya na marinig mula sa bibig ni RJ na hindi na niya ako mahal? Natatakot ako! Ayoko sa lahat ng rejection. Lagi kong nararanasan iyon nung bata ako dahil middle child kaya di ako naiintindi nila Tatay. Kaya nga naging ganito ako. Mas kinakaya ko ang problema ko kapag mag-isa ako at umaalis.

Again, passengers for Flight J757 going to Guam, last call, please proceed to Gate 2 of the departure area now.

Dei, make up your mind! Now na.

A/N Hinati ko po sa dalawa ang Epilogue. Sorry. May part 2 pa ang Ending natin.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon