26

2.7K 190 7
                                        

Rj's

Okay, kumpleto na kami. On the way to Batangas, tinawagan ko si Mayor Vicente Sotto. Hindi kilala ni Daddy at lalong di din kaibigan. Ayokong malaman nila ang gagawin ko.

Sabi ni Mayor, he's going to go there asap. It's a pleasure daw na siya ang napili kong magkasal sa akin  at sa babe ko.

"Babe, are you sure about this? Baka naguguluhan ka lang?" Biglang tanong niya.

"No I'm not. True na ito. Di ko na iaasa sa iba ang pagkuha ng magkakasal sa atin. Nadala na ako. Baka bogus na naman. Si Mayor Sotto, incumbent Mayor kaya may karapatan siyang magkasal."

"How about your Dad? Paano kung bigla siyang dumating doon at bigla na lang niya tayong guluhin?"

"He won't know. By the time na malaman niya, kasal na tayo. So stop worrying."

"Bakit? Paano niyang di malalaman."

"Meron akong ka-double. I contacted my friend who is a pilot. Sinabi ko na arkilahin ko siya papunta sa Hongkong. And ang isasakay niya ay ang kadouble ko."

"Ano ka artista? Kadouble? As in parang kambal?"

"Hindi gaano. Pero may hawig kami. Pati built ng katawan. I had him as a double eversince may nagtangka sa akin ng ambush."

"What? So ngayon meron pa rin ba?"

"Wala na. Dati yun nung nalink ako kay Divina Smash. Kase nagalit yun Lola niyang Donya. She wants me dead."

"And?"

"Ayun, nakulong! Yun taong inutusan ba naman niya ay baguhan. Simula ng layuan ko si Divina, tinigilan na niya ako."

"And totoo ba naman yun Divina na yun ang dahilan kaya kayo naghiwalay ni Luisa."

"Yes."

"So tinu-time mo yun dalawa?"

"Hindi. Divina is asking my help para sa boyfriend niya na may death threat. And that time na nakita ako ni Luisa sa hotel is the time na nanghihingi siya ng tulong."

"So napagkamalan kayong nagdedate?"

"Ganun na nga. Pero hindi ko type si Divina. Ayoko sa kanya dahil kapatid lang ang tingin ko sa kanya."

"Okay.. so wala akong dapat pagselosan sakaling bumalik iyon?"

"Wala. Huwag kang magseselos. Sayo lang ako."

"Good." Yumakap ako sa kanya. Masaya ako kase magkasama na kami. At mamaya lang ay mag-asawa na kami. Tulad ng pinapangarap ko matagal na.

☆☆☆

Ng makarating kami sa Batangas ay naroon na si Mayor Vicente.

Hinintay lang namin sila Pat at Kris na makarating at sinimulan na ang kasal.

Eto na. Totoo na.

Sinabi ko kay Kris na kuhanan ng larawan at video ang kasal kase ipapaupload ko iyon sa media. Kailangan malaman nila ang istorya sa pagluhod ko kay Dei sa Foodpark. Para matapos na rin ang hanash at pakikialam nila Dad.

Sandali lang ang kasal. Mabilis lang. Pinapirma na kami ng papeles. Pinirmahan na rin ni Mayor na official na kaming kasal. At dahil Sabado ngayon, sa Lunes pa ma-ifile ang papeles. Na-anticipate ko na yun baka makuha nila ang papel at di maifile sa munisipyo kaya inutusan ko si Kris na kunin kay Mayor ang papel at kami magfile. Gusto kong makasiguro. Inutos kong ipa-xerox ang papeles para maraming kopya sakaling harangin nila. Lahat iyon ay may pirma ni Mayor.

Pagkatapos ng kasal ay inupload ko sa Facebook, Twitter at Instagram ko ang kasal namin. Pati sa Youtube. Ilang sandali lang ay nakahakot agad iyon ng madaming likes at comments. Sari-sari. Merong hindi maganda ang comment pero maraming masaya at naiinggit. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Maya-maya lang ay tumatawag ang Tatay ni Dei.

Sinagot niya ito. Nakikinig lang ako sa usapan nila.

Naririnig kong humihingi siya ng pasensiya. At base sa mga sagot niya, ay nakikini-kinita kong  pinapagalitan siya pero dahil kasal na kami ay tinanggap na nila.

"Babe, kakausapin ka ni Tatay." Pasa niya sa akin.

Kinuha ko naman. Huminga ng malalim bago ko sinagot.

"Hello po, Sir."

"At minadali mo anak kong talaga Senator?"

"Sorry po. Hindi man po ninyo ako kilala ng maige, pero ipinapangako ko po na mamahalin ko ang anak ninyo at hindi sasaktan!"

"Siguraduhin mo yan Senator. Wala na kaming  magagawa, nandiyan na yan. Basta lalaki sa lalaki, mahalin mo anak ko."

"Opo, Sir."

"Tatay na. Manugang na kita."

"Salamat po Tay."

"Sige na. Alam kong may mga aasikasuhin kayo. Ikaw na bahala sa bunsong babae ko. Mahalin mo. Kung di mo kayang alagaan, ibalik mo na lang sa akin."

"Hindi ko na po siya ibabalik. Mahal ko siya at ipaglalaban ko ang asawa ko."

"Sige. Aasahan ko yan." Ibinaba na ni Tatay ang telepono. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Gagawin ko ang lahat para matanggap ako ng pamilya ni Dei. Kase mahal na mahal ko si Dei.

A/N Later na po ulit. May lalakarin lang ako. I hope you did enjoy the chapter.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon