14

2.5K 182 12
                                    

Dei's

Naisipan kong sumunod kung saan pupunta si RJ. Kailangang malaman ko ang mga nagaganap sa kanya. Buti na lang may isa pang sasakyang iniwan dito.

"Kuya, huy! Psst!" Tawag ko sa isa sa bodyguard na iniwan niya.

"Bakit po, Mam?" Lumapit siya sa akin at kakamut-kamot ng ulo.

"Saan nagpunta ang amo mo?"

"Bumalik po siya sa Punta Fuego. Naiwan po kase yun mga kasamahan ko doon at may victory party si senator doon."

"Ah okay. Samahan mo ako."

"Mam, saan po?"

"Doon. Balik tayo. Susunod ako."

"Di po pwede Mam. Kabilin-bilinan po na huwag kayo palabasin."

"Akala ko ba isinasama ako kanina niyang RJ na yan?"

"Kakatawag lang po ni Sir Kris, kung baka maisipan ninyong sumunod, huwag ko daw po kayong sasamahan. Dito na lang daw po kayo."

"Ganun ba? Okay. Sige tulog na ako."

"Sige po Mam."

Pumasok ako kuno sa loob. Pero nag-isip ako ng dahilan. Kailangan malaman ko ang ginagawa ng hudas na pekeng asawa ko.

Di ko malaman kung instinct ba o sadyang malakas lang ang kutob ko na meron siyang itinatago sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit pineke niya ang kasal namin. Pwede namang hindi na nagpakasal mula pa simula. Matatanggap ko rin naman kung sinabing hindi iyon totoo. Bakit pinasakay ako sa ganun? Anong dahilan?

Bumalik ako kay Kuyang Guard. Nagtaka na naman ito.

"Mam ano po ulit ang kailangan ninyo?"

"Kuya, pag-di mo ako sinamahan, sasabihin ko  sa amo mo na tinangka mo akong halayin."

"Mam huwag naman ganyan. Masisisanti ako. Baka mapasalvage pa ako ni Senator."

"Mamili ka, masalvage, makulong, mawalan ng trabaho? Lahat yan dadanasin mo. Pero kung susunod ka sa akin, ako bahala sayo. Mas malakas ang asawa kaysa sa head security, tandaan mo yan."

"Kunsabagay Mam. Sige na nga po. Tara na."

"Very good. Kunin ko lang ang bag ko sa loob." Madali pa lang kausap ang isang ito.

Pagkakuha ko ng bag ay bumiyahe na kami. Malapit lang naman dahil halos dalawang bayan lang ang pagitan ng rest house ni RJ at ng Punta Fuego.

Nagsuot ako ng hoody jacket para hindi ako makilala.

Ng nakarating kami sa venue, kasama ko si Kuyang guard na pumasok. Madaming tao. Nagkakasaya. May ilang mga reporters na nagco-cover ng victory party. Pero nagulat ako ng biglang may tinawag ang emcee. Timing, pagpasok ko.

Medyo lumapit ako para makita ang mukha ng tinawag.

"Ladies and gentlemen, we are proud to announce that the fianceè of Senator Faulkerson is here. Miss Luisa Cruz."

Napahawak ako sa bibig ko. Paano? Akala ko ba nasa Amerika ito? Akala ko hiwalay na sila?

Walang nakapansin sa akin. Busy lahat sa pagsulyap sa fianceè. Kahit yun mga tauhan niya. Pwera na lang ang kasama kong si kuya guard.

"Mam, okay ka lang? Iuwi na ba kita?"

"Okay lang. Sandali lang." Tinignan ko sila na nagyakap at humalik pa sa labi ang Luisa na iyon kay RJ. Bakit may konting kirot akong naramdaman. Ganito ba pakiramdam ng naloko, ng naisahan? Pero may karapatan naman ba ako? Wala naman diba? Peke nga kasal namin. At Diyos ko, isang araw?

Naisip kong umalis na lang. Pero saan ako pupunta? Bahala na. Pagkakataon ko na itong makaalis. Pinadali na nila ang problema ko. Ayokong kaawaan ng mga taong ito. Hindi ako papayag. Bago pa nila ako kaawaan, na hindi naman dapat, aalis na ako.

"Kuya, tara na. Huwag kang mag-alala, di kita isusumbong."

"Sige po, Mam."

Nilisan namin ang lugar. May konting sakit sa loob pero kaya naman. Wala pa ngang isang araw yun lovelife ko e. Lovelife ba talagang maituturing? Imposible!

Habang nasa biyahe, kinausap ko si Kuya.

"Kuya, ngayon, nagbalik na yun tunay na babae ng amo mo, pwede bang pakawalan mo na ako?"

"Mam, di po pwede. Malalaman ni Sir na sinamahan kita sa venue."

"Pero kuya, baka makagulo lang ako sa kanila. Nakita mo naman na hindi naman totoo ang kasal. Peke lang iyon."

"Mam hindi po peke ang kasal ninyo. Totoo yun!"

"Huwag mo na akong lokohin. Isa ka pa e. Sige na kuya. Eto na lang, kapag pinaalis ka sa trabaho, tawagan mo itong numero na ito. Kukunin ka niyang trabahador. Promise, tatanggapin ka niyan, banggitin mo lang na tinulungan kita at ako nagrekomenda sayo."

"Pero Mam..."

"Sige na kuya, hayaan mo na akong makaalis. Kapag nakabalik na tayo sa resthouse, papalabasin natin na drinugs kita at pinatulog. Ako ang mananagot. Promise, kuya gusto ko ng umalis. Ayoko namang maghiwalay pa yun amo mo at girlfriend niya."

"Mam sigurado ka?"

"Oo kuya. Please."

"Sige po. Basta mam, pag pinaalis ako sa trabaho, makakasiguro ako na may lilipatan. Kailangan ko ang trabaho para mabuhay ang nanay ko."

"Walang problema." Tatawagan ko yan tao na yan para sabihan siya. Huwag kang mag-alala."

"Sige Mam, mag-iingat kayo."

"Salamat."

Nanahimik kami. Pagkabalik na pagkabalik, kinuha ko na ang mga gamit ko. Nagprisinta si Kuya na ihatid ako sa sakayan ng bus. Alas dos na rin kase ng madaling araw.

Habang nakasakay sa bus, naisip ko ng umuwi. Hindi ko alam kung bakit lungkot na lungkot ako. Dahil ba kay Senator? O dahil ba sa alam ko na naghihintay sa aking kapahamakan?

Bahala na. Basta gusto ko ng ayusin ang buhay ko. And kahit pilitin ako ni Tatay na magpakasal kay Frankie, hindi mangyayari iyon. Di ako papayag. Papayag akong magtrabaho sa kumpanya, pero ang magpakasal, hinding-hindi.

A/N one last up next.

Akin Ka na Lang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon