Star 4
Malakas ang ulan. Tahimik lang akong pinapanood ang bawat patak nito sa lupa. Katulad ng ulan ang nararamdaman ko kay Reizel, madaling ma fall. Kasi unang kita ko pa lang sa kanya, bumilis agad ang tibok ng puso ko. Tila isang tambol na patuloy lang sa pagpukpok ng drumstick nito. Pero siguro hanggang paghanga lang talaga ang tingin ko kay Reizel sapat na siguro 'yun. Ayokong umasa. Kasi kahit ngayon, hindi ko siya malapitan.
Lagi na lang kami hinahadlangan. Tila ang daming pader na nakaharang sa pagitan namin. Hindi mabitag bitag. Hindi ko naman magawang bitagin kung siya, sa bawat sirang nagagawa ko, siyang ginagawa niya ulit. Sense na rin yun nang hindi ko siya kayang maabot.
Niyaya kami ni Brena na pumunta muna sa bahay niya. Kaya nandito kami ngayon sa bahay niya. Tuwang tuwa naman kasi nakapunta rin daw ako sa bahay niya.
"Hindi ka kakain?" Tanong ni Brena na inuubos na yung isang box nang donuts na binili ko para ibigay sana kay Reizel.
Umilingiling ako sa kanya "Ubusin niyo na ni Ena yan."
"Sus, hindi ka lang nakapagpapicture kay Reizel parang binagsakan na nang langit at lupa yang mukha mo. Umayos ka nga, babae lang yan. Nandito pa 'ko." Matatawa ba ako sa sinabi niya o maaasar.
"Kung type lang kita, bakit hindi." Bigla akong sinamaan ng tingin ni Brena sa sinabi ko kaya umiwas na lang ako nang tingin sa kanya.
Tumayo ako. "Pwedeng makigamit ng banyo?"
"Wala akong banyo dito, magtiis ka diyan." Nagtaray pa ang pucha. Kumain na lang ulit silang dalawa ni Ena. Si Ena kasi nanonood ng tv tapos 'yung palabas ay barbie.
Napangisi na lang ako kay Brena. Tumungo na lang sa banyo nila. Hinanap ko pa kung saan, may kalakihan din kasi ang bahay nito. Malamansyon pero pinaliit lang ng konti.
Nang makita ko ang banyo ay ginamit ko agad ito. Ilang saglit lang ay natapos na ako.
Nadaan ko ang hagdan patungo sa taas patungong sala. Hindi naman magagalit si Brena kung aakyat ako diba saka wala namang tao dito ngayon, mga katulong niya lang dito sa bahay. Dahan dahan akong naglakad paakyat. Sinabi kasi sakin ni Brena na pinagawan siya nang Papa niya ng recording studio pero hindi niya daw ito ginagamit kasi hindi naman daw siya mahilig kumanta.
Sa may bandang dulo daw ito ng second floor nila at may nakalagay sa pinto na g-clefs na palawit. Nakita ko naman agad ito at pumunta ako. Kaharap ko na ang pinto. Hindi naman siguro ito naka lock. Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang itinulak papasok. Madilim ang loob kaya wala pa ako masyadong maaninag. Nang mabuksan ko nang tuluyan ang pinto ay agad kong kinapa ang gilid ng dingding katabi ng pinto para mabuksan ang switch ng ilaw.
Nang pagbukas ko nang ilaw ay namangha ako sa kwartong ito. Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong kwarto. Tila isang pangarap ko ang makapasok sa ganitong kwarto. Ang laki ng espasyo sa loob, hindi lang recording studio ito, music room na rin kumbaga. May mga drum sets, guitars. Pumasok ako nang tuluyan at isinara ang pinto. Nilock ko ito para paniguradong walang makakapasok.
Inenspeksyon ko ang bawat kagamitan dito. Mga bago pa ang gamit, hindi pa nagagamit ang mga ito. Pansin ngang hindi mahilig sa mga ito si Brena, sayang lang ito kung hindi gagamitin kahit isang beses lang.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...