Star 12

414 22 3
                                    

                                                               Star 12

Brianagh's POV

I'm waiting up for Ethan kasi may pupuntahan daw kami. I don't know kung saan pero siguro eh bahala na kung saan man yun. Hindi rin kasi kami nakakapagusap this past few days, hindi ko rin alam. Kusa na atang lumayo ang puso ko sa kanya nang sabihin niyang hindi niya ako kayang magustuhan.

               Dinamdam ko 'yun pero somethings weren't meant to be. Iba kasi si Ethan sa mga nakilala ko. He has the something that everyone don't have. Magaling siyang kumanta, gwapo siya, mabait, matimpiin. And lastly, loyal.

               Hindi sa akin, kundi sa idolo niya. Si Reizel Saavedra. Hindi ko alam kung ano bang nakita niya sa babaeng dakdak naman ng dakdak sa stage. Maganda naman. Oo maganda rin naman boses. Kaya wala akong pantapat.

               I heard doorbells kaya tumayo ako sa kinauupuan ko para makita kung nandiyan na ba si Ethan. Mamaya kasi mga nangtitrip lang 'yan. Naku uupakan ko kaya nahuli ko 'yun.

               Nang makita ko kung sino ang nakatayo na nakatalikod sa may gate. Napakunot ako nang noo nang hindi naman katulad nang likod ni Ethan 'tong taong to? Budul budul kaya 'yan? Oh My Gosh! Napatago agad ako sa pader nang biglang humarap ang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha niya. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, baka mamaya hindi lang kung anong gawin niya dito. Mamaya rape-in pa niyan ako. Naku, wag naman po.

               Napa sign of the cross ako bigla. Pinikit ang mga mata. Mataimtim na nagdasal. Naku Lord, kung sino man po ang lalaking nasa labas sana naman po wala siyang gawing masama sa akin. Nagmamakaawa po ako.

               "Hey! Brena! Let me in!" Nang makarinig ako nang ganung accent. At boses nang lalaki. Napapapikit pikit ako at muli kong pinakinggan ang mga boses nito. "Brena! Yohooo!" Oh My Gosh!

               The Monkey.

               Napalabas agad ako sa pader na kinatataguan at nakita ko ang malapad na ngiti nang unggoy na 'yun. Akala ko kung sino na. Mapapatay pa ata ako nito sa kaba eh. Mukha kasing kriminal kapag nakatalikod. Teka? Diba dapat si Ethan ang pupunta at hindi ang unggoy na 'to?

               Nang makalapit ako sa gate at binuksan ang mga ito. "Hoy! Bakit ka nandito? Diba dapat nasa zoo ka ngayon?!" Bulyaw ko rito at pumeywang ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa akin at nakakunot ang mga noo. "Saka? Nasan si Ethan?"

               Humikab pa ito at pumasok nang tuluyan sa gate. Napabuka ang bibig ko kasi walang paalam man lang. "Ethan is busy." Humalukipkip pa ito.

               "Anong busy?! Sabi niya sakin pupunta siya dito, hindi naman nagsabi na may pupuntang unggoy dito!" Humarap sa akin si Cezar. Napakunot ang mga noo ko nang titigin niya ako sa mga mata ko. Palapit siya nang palapit sa akin. Iniiwas ko ang mga tingin ko sa kanya para lang hindi magtama ang aming mga mata.

               Parang hinuhugatan ang nang hininga nang magtapat ang aming mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila nagmamadaling kumawala ito. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Mabango naman ito hindi katulad nang mga unggoy talaga. Ay ano ba?! Brena, tigilin mo ang unggoy na yan. Oh My Gosh! Umiwas agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ko.

               Pinagpapawisan ako ng todo. Malamig ngayon at hindi pa summer mas lalo na dahil aircondition naman ang bahay ko. Umupo ako at natahimik. Hindi ko alam pero natameme ako bigla nang magtapat ang mukha namin.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon