Star 21

303 20 1
                                    

                                                              Star 21

She will be meeting Nolan. Ano kayang gagawin nila? Hindi ko alam kung anong balak ni Nolan pero I want to know something. Baka naman madatnan namin si Nolan na may kasa kasama na naman na mga babae.

                  Ngayon sa isip isip ko pa lang ay mga conclusions na agad akong naiisip paano na lang kaya kung makita ang nangyayari na. Somethings will be revealed soon. Hindi naman lahat kasi nang sikreto at matatago. Minsan ang sikreto mo pa ang maglalabas sa tunay na ikaw. Conscience will follow.

                  Si Shini ay madaldal sa van. She keeps lot of talking. Natatawa na lang din kaming dalawa ni Rei kasi ang dami niyang kinukwento about sa isang staff daw na nakilala niya.

                  "Hindi kayo maniniwala, he asks me for a date."  Kinikilig nitong sabi sa aming dalawa.

                  "Wow! Date agad? Diba dapat getting to know each other muna?" Pagtatanong naman ni Rei. May point naman siya sinabi niya. Bago makipag date, alamin muna ang background nang isang tao.

                  Ako inalam ko mismo ang background ni Reizel. Ang hindi ko lang alam sa kanya ay ang mga nangyari kanina between her and Millette.

                  "Yes! Ganun na nga rin daw 'yun. Date? Getting to know each other. Nagkakilala na rin naman kami kanina?" Pag iisip pa nito.

                  "Shini, see the difference ha? Date means he ask you for it. Siguro niyaya ka niya to prove something to you pero kilala mo ba siya? Yung story behind what he introduce himself to you. Shini, wag ka magpaloko sa isang tao. Minsan patalikod ka na nitong tinitira hindi mo pa alam."

                  Nilingon ko si Rei. Alam kong medyo pinatama ko sa kanya ang sinabi ko kay Shini. Gusto ko rin kasi na siya na mismo ang maka alam nang totoong nangyayari sa paligid. Para mapatunayan ko rin sa sarili ko na inosenteng tao ako at nagsasabi nang totoo.

                  I'm not a liar but for now my plan is working out, probably I will be the best liar. Hindi naman ito masama nang iniisip niyo, tinatago ko lang ang tunay na ako from them. Ayokong ipaalam ang mga nalalaman ko. Like nung kaninang tinanong ako ni Reizel na idol ko ba siya. I said, dati. Yeah that's a lie. To prove to them na kahit isang fan lang ako may magagawa rin ako to save my princess. Our princess.

                  Mag gagabi na rin nang makarating kami sa private park which is malapit lang sa park. Nagtataka lang ako for Reizel, ang bilis niyang bumigay. Nakikipagkita lang sa kanya umuoo na agad siya. Syempre boyfriend niya si Nolan, she will make up first with her boyfriend. Alam mo naman ang nangyari kanina.

                  "Bye Ethan, Bye Shini! Ipapahatid ko na kayo sa driver." Sabi ni Reizel sa amin ni Shini.

                  "No! Sa akin, malapit na lang ang condo ko rito, nasa kabilang kalye nga lang ang daan. Pero pwede na rin naman lakarin." Sabi ko.

                  "Sure ka? Pwede ka pa rin naman ihatid?" Pagpupumilit niya.

                  "Yeah." Lumabas na rin ako nang van kasabay niya. Si Shini ay hinatid na nang driver. Umalis na rin naman ang van na sinasakyan namin.

                  Nakahalukipkip lang ako at malayo ang tingin. Hindi tinitignan si Reizel. Humnga na rin naman ako nang malalim. I have plan tonight. Siguro naman sa pagistalk ko malalaman ko ang tunay na gagawin nila, gagawin ni Nolan diba.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon