Star 6

592 30 3
                                    

                                                                  Star 6

"Did you ask for her name?" Sabi ni Cezar na ngayon ay nakahilata sa kama ko at naglalaro nang psp. Hindi man lang lumilingon habang kausap ako.

              "Natanong ko naman pero pangalan niya sinabi niya eh."

              "Then! How should we find her?" Abala talaga sa paglalaro ng psp kaya kinuha ko 'yung unan at ibinato sa kanya. "Aw, Bro! You see, I'm playing!" Pailing iling pa 'to. Bakit ba ako nagkaroon nang kaibigan na katulad nito. Noon naman hindi gaanong socialized ang isang 'to. Ngayon lang nang halos nandito na siya pumupunta sa bahay.

              "Kaya nga ako nagtatanong sayo kung may kilala kang Rizza tapos ako pang tatanungin mo." Sabi ko sa kanya. Umayos siya sa pagkakaupo at itinabi ang psp niya.

              "If I know her, then I will tell you." Tss. Napailing iling na lang ako sa kanya.

              "Tara, tara tara!"

              "Huh? Where do we go?"

              "Sa bahay ni Brianagh. Baka siya kilala niya." Lumabas na ako nang kwarto. Sumunod naman siya at sinarado pagkalabas.

              "Who's Brianah?" Si Brena ang tinutukoy ko. Real name niya 'yun. Nick name niya lang ang Brena.

              "Kaibigan ko, H'wag ka na ngang matanong!" Natahimik siya kaya natameme bigla sa sinabi ko.

              Hindi ko man lang kasi natanong kung anong buong pangalan niya. Kahit ako naman kasi ay first name lang din ang sinabi ko. Hindi ko rin naman magawang angkinin ang cd na 'yun kasi siya binalik niya sakin 'yung poster ko. Hindi ko kayang angkinin ang hindi akin na pinaghirapan din ng isang tao makuha. Paano na lang kaya diba, nag ipon siya ng ilang araw para makabili ng new release album ni Reizel tapos aangkinin ng iba.

              Kahit ako hindi ako mapapakali kung mawala man ang bagay na pinaghirapan ko.

              Pagbukas ko nang pinto palabas ng unit ko ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Ate. Napatingin ako kay Ena na hawak hawak niya sa ulo. Nakangiti rin ito. Mukhang alam ko na ang balak ni Ate kaya ganyan ang mga ngiti niya..

              "Bunso, iiwan ko muna sayo si Ena. I know, mababantayan mo naman siya." Siguro sinabi ni Ena na maalaga akong magbantay sa kanya. Pero nung nakaraang araw 'yung bumisita kami sa shooting ni Reizel ay si Brena ang nagbantay.

              "Eh?" Napakamot ako sa batok ko. "Ate kasi aalis din kami eh."

              "Ha? Sinong kasama mo?" Tanong niya sa akin. Sinilip naman niya si Cezar na nasa likuran ko lang. Kung makangiti rin wagas. "Ah, mas mabuti dalawan kayong magbabantay."

              "No way!" Sabay batok ko kay Cezar. Tinaasan lamang siya nang kilay ni Ate. Nag peace sign naman agad siya at biglang yumuko. Nahiya pa.

              "Oh sige, maiwan ko na kayo. Ena be good to your kuya! Bye." Then she left Ena with us.

              "Why did do that?" Bigla niyang hawak sa batok niya. Medyo napalakas ata ang hampas ko kaya natawa ako.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon