Star 14
Isang buwan na ang mga nakalipas nang mangyari sa amin nila Reizel at Nolan. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano siya nagbulag bulagan sa mga panlolokong ginagawa sa kanya ni Nolan. Sa tuwing napapanood ko sila sa tv at iniinterview sila. Naasar na lang ako sa tuwing makikita ko ang mukha ni Nolan.
"Going strong ang relationship namin, simula nang may mga gustong humadlang dito." Panayam sa kanya sa isang telebisyon. Hindi ko nakakaya kung paano niyang lokohin si Reizel sa lahat ng mga tao.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang pag iidolo sa kanya. Hindi man lang niya inintindi at inalam ang mga katotohanan.
Mag isa na naman ako dito sa condo, bumalik na rin si Cezar sa bahay niya kasi tapos na rin naman ang summer class namin. Naalala ko, hindi niya ako kinikibo n'un ng ilang araw dahil sa nakita niya kami ni Brena sa ganoong posisyon. Inalam ko pa talaga kung bakit, it ends up na. Meron nga, may feelings si Cezar kay Brena.
Hayaan na lang natin lumalovelife ang bestfriend ko at mag stick to one sa isang babae.
"Bunso!" I heard continouosly knocks at the door. Lumapit ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang kapatid ko. "Sama ka sakin, samin pala ni Sarena."
"Kuya Ethan!" Masayang bati ni Ena.
"Saan tayo pupunta ate?" Tanong ko.
"Basta samahan mo na lang ako. Malapit na natin makuha!" Excited na sabi ni Ate. Mababaliw na ata eh? Halos araw araw masaya.
"Ang ano ate? Anong malapit nang makuha?"
"Basta, malalaman mo rin. Sa ngayon, kailangan na natin umalis."
"Sige Ate, magbibihis lang ako."
Dali dali naman akong nagbihis ng damit na pang alis. I don't know where to go, I have no idea hanggang sa ngayon, madalang pa rin kami magkausap ni ate. Lagi niya lang pinapabantay sa akin si Ena.
Nang matapos na akong magayos nang sarili ay dali dali naman kaming umalis dinn kaagad. Tahimik lang ako sa buong biyahe. Kalong kalong ko si Brena. Si ate naman busy sa kakatext niya sa phone niya kaya hindi ko rin magawang kausapin kaya hanggang tingin na lang ako sa bintana. Napakunot ako nang noo nang malaman ko kung nasaan kami ngayon. Papunta ata kami sa siyudad.
Napasilip ako sa mga nagtataasang building sa labas. Siguro hanggang fifty ang floor nang isang building na 'yun. Nakakalula naman kung ganun. Siguro meron na ring nagbalak magpakamatay sa ganyang kataas na building. Who would rather to jump into a 50 floor to the ground. Heartbrokens? I don't think so, hindi kailangan magpakamatay kapag nabroken hearted ka lang. May mga malaking problema pa para diyan.
Sa pagiging aliw ko sa mga buildings sa labas dahil sa sobrang taas. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.
Bumaba kami sa isa ring mataas na building. Napatingala ako sa sobrang taas. Hindi ko kakayanin ang umakyat sa ganyang kataas kung hagdanan ang gamit. Sino ba kasi nagsabing aakyat ako?
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...