Rising Star 39
Buhat dito, buhay diyan. Lahat nang makakaya ko ay pinagsasabay ko na para isahan na lang. Wala namang ako kailangang dalhin dito na sofa, kama o mga cabinet. Mga personal uses ko lang naman at mga sarili kong gamit parang ganun din naman 'yun.
Habang nagliligpit kami nang mga gamit ay nagtext si Reizel at nakikipagkita sa akin bandang hapon. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot kaya nireplayan ko na lang siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kay Reizel kung bakit naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. She's not the girl I used to know. Siguro mamaya malalaman ko kung bakit siya ganun.
Mga ilang minuto na ang nakakalipas na naligpit na namin ni Ate ang mga gamit ko at gamit niya at ilalagay na sa truck na pagdadalhan sa bago naming bahay.
"Ate, gaano kalaki 'yung bahay?" Sabi. Magkasabay kaming dalawa pababa nang hagdan dala dala ang mga gamit namin. Si Sarena naman ay may backpack na dala.
"Half of a mansion." Halos matigil ako sa sinabi I ate at manlaki ang mata sa kanya. Di nga? Toto nga?
"What?"
"Totoo bunso, tara na at para makapag ayos na tayo nang gamit." Ngumiti ako kay Ate.
Dali dali rin naman agad kami nakarating sa truck na inarkila namin para dalhin kami sa bago naming bahay. Siguro pwede rin akong magpagawa nang studio doon kaya kapag magpapractice ako diba? Hindi na hassle sa akin na pupunta pa ng GNV para lang mag practice.
Napapakunot na lamang ako nang noo na parang parehas lang ang dinadaanan namin patungo sa subdivision nila Reizel. At hindi nga ako nagkakamali dahil dito nga at dito rin kami titira. Mas maganda 'to dahil magkalapit na lang kaming dalawa ni Reizel ng bahay hindi ko na kailangan pang sumakay papunta sa kanila, its a walk lang makakarating na agad sa kanila.
Namangha ako sa bahay na pinaghintuan namin. Halos hindi ako makapaniwala na sobrang laki ng bahay na titirahan namin. Tama nga si Ate at half of mansion nga ang bahay. Kulay cream ang building at maaliwalas sa mata. Hindi rin ako makapaniwalaa na sobrang yaman din pala namin. Hindi naman kasi sinabi sa amin nila mama at papa na mmay ganito pala kaming bahay.
Pinagtulu-tulungan namin ipasok sa loob ng bahay ang mga maleta namin na ang mga laman ay mga damit at ang mga box na laman ay ibang mga gamit namin. Natapos ipasok ang mga gamit, hindi na rin pala namin kailangan bumili ng mga gamit sa bahay dahil mukhang kumpleto na naman. May mga sofa na at carpets, mamahalin ang mga gamit. May tv na halos 2/4 sa laki nang isang sinehan.
"Ethan, this is the hardwork of our parents." Ngiting sabi ni Ate. Nagyakapan namin kaming dalawa.
"I can't believe that is ours. Ate, kahit hindi mo sinabi sa akin 'to. I'm happy that you make this things happen." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.
Maluha luha si Ate na nakatingin sa akin at bigla na lang siyang niyakap ni Ena. Nakakatuwa ang isipan na, kahit iniwan na kami nina mama at papa may iniwan pa rin pala silang ikakasaya namin. Kahit na minsan ay nangungulila kami sa kanila, lalo na ako dahil mag isa lang ako at umuwi lang si Ate mga nakaaraang buwan lang.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...