Star 7

524 28 0
                                    

                                                                 Star 7

Papunta kami ngayon sa mall. Hindi ko alam talaga kay Cezar at pupunta kami dito. Hindi ko siya pinansin n'ung lokohin daw ba ako na magbibigay siya nang regalo sa nanay niya tapos 'yun pala para sa nililigawan niya. Ngayon niya lang ako biniro nang ganun kaya medyo naasar ako sa kanya.

                     I never used my parents name in jokes or anything na pwedeng makasira sa kanila. Wala na nga sila dito, kung ano ano pang sasabihin ko diba? Respeto na lang.

                     Nakarating kami sa mall nang hindi nagkikibuan kahit si Ena ay hindi kumikibo. Papasok kami ng mall nang biglang hatak hatakin ni Ena ang laylayan ng damit ko.

                     "Kuya, birthday nang mama ni kuya Cezar? Oh I wish I could buy some gifts for my real mom too."

                     Ena mis interpreted. Hindi niya siguro narinig kanina ang sinabi ni Cezar. Saka ano naman kasing alam niya sa panliligaw, she's young and she doesn't even know what courting is. Pero nalungkot siya nung sinabi niyang sana nabigyan niya nang regalo ang totong nanay niya.

                     "Ahm, Ena. You have your my Mom. My sister."

                     "Yes kuya..." her voice felt so sad. I could feel it, kasi nga my parents past away at wala akong magawa dun kasi oras na nila siguro 'yun. Kaya nung mga oras na 'yun. Iyak lang ako nang iyak at madalas akong mapag isa. Loner nga kamo.

                     Pumasok kami sa mall. Sinusundan lang namin si Cezar kung saan pumunta. Hindi pa rin namin siya kinikibo, hindi na naman siya nagsasalita kaya pinabayaan na lang namin.

                     Napunta kami sa isang gift shop. Napakibit balikat na lang ako, siguro nga para sa girlfriend niya 'yan kaya hayaan na lang natin. "Ano ba bibilhin mo?" Lumapit ako kay Cezar at ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya.

                     Nilingon ako nito pero bumalik din ang tingin sa pamimili ng gifts. "Something special Bro."

                     "Kuya Cezar, it doesn't matter what will give to that person you love. As long as you know she will be happy for that then its special." Nanosebleed ako sa sinabi ni Ena kaya tikom bibig na lang ako sa kanya.

                     Tinignan ko naman si Cezar na nakanganga siguro hindi mag sink in sa kanya ang sinabi ni Ena. Kahit ako hindi ko agad naintindihan pero it makes sense. Matalinong bata 'to si Ena.

                     "Sige!" Masaya nitong tugon at namili na ulit nang mabibiling gift for his someone. Hindi niya sinabi kung kanino pero siguro special nga talaga sa kanya 'to.

                     Inaliw ko rin naman ang sarili ko sa pagtitingin tingin ng mga bagay bagay dito sa gift shop. Madaming pwedeng pang regalo, kung may girlfriend o boyfriend ka man this is the place where you should buy gifts. Iba iba ang klase, ang ibang gawa ay imported, yun nga lang ay mahal pero ayos din. Astig!

                     Bigla akong hinatak ni Ena papunta sa mga teddy bears. At itinuro ang teddy bear na kulay blue. Inabot naman niya ito. "Kuya, I want this! Its really cute!"

                     Mukhang mapipilitan akong bilhin ito ah. Ngayon lang din naman ako hindi gagastos nang walang kinalaman kay Reizel. Niyakap yakap niya ito, it ends up na binili ko for her. Sisingilin ko na lang si Ate sa pagbili ko ng teddy bear ni Ena.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon