Star 8
Packing up my school things and ready for the hell week. You know, projects lang naman ang ipapagawa sa amin this summer class kasi hindi nga kami nakapasa noon dahil sa hindi kami nakapagprepare and we can't find the perfect singer for the lyrics na ginawa namin.
Ang project namin ay magrecord ng kanta na kami ang gumawa ng lyrics. Ngayon, papasok kami sa summer class para magawa at makapasa sa subject na 'yun. Ang problema lang naman namin ay kaya hindi kami nakapag pasa ay walang kakanta at wala kaming lugar kung saan makakapag record nang matino.
Ayos na ako lahat lahat at ready nang pumasok pero itong si Cezar ay ang sarap pa nang hilata. Kinuha ko ang alarm clock sa tabi niya, sinet ko ito sa susunod na minuto. Hindi pa kaya 'to magigising kung itapat ko mismo sa mga tenga niya. Hindi ko pa nga nagagawa. Natatawa na ako sa mgiging reaksyon ni Cezar.
Itinapat ko sa tenga niya ang alarm clock na sandali na lang at tutunog. "1..2..3.."
And there he goes. Napabangon bigla sa kakahiga at gulat na gulat at ang mas ikinatawa ko pa ang biglang tulo nang laway niya. I can't help stop laughing. Sino nga ba ang hindi matutuwa sa ganoong reaksyon. Napahawak na ako sa ako tiyan ko dahil sa sobrang sakit na kakatawa.
He glared at me pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa. Pinunasan niya na ang mukha niya at ang sahid na natuluan ng laway. "Hahahaha. Sige na! Mag ayos ka na. Papasok pa tayo."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Hindi siguro naalala na may pasok kami at summer class. Gabi na rin kasi pumunta kagabi dito kasi dinaanan niya pa daw 'yung babaeng may gusto sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin pero hindi maaalis sa akin ang masamang titig niya.
Tinaasan ko lamang siya ng mga kilay ko.
"If you wake me up again, don't ever do that again. I. Will. Kill. You." Saka niya kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid at lumabas na nang kwarto ko.
Hindi pa rin maalis yung ngiti ko. Ang lakas din pala ng trip ko. Napailing iling na lang din akong lumabas nang kwarto ko.
Dumiretsyo ako sa sala at umupo muna doon. Hihintayin kko lang si Cezar matapos mag ayos sa sarili niya. Actually, inagahan ko talagang gumising at magbihis kasi alam kong hindi magigising nang tamang oras si Cezar kaya ako ang naging alarm clock niya. Yan napapala nang mga puyat. Sinuot ko ang headphones ko at pinakinggan ang mga new release songs ni Reizel.
Napapikit na lang ako habang nakikinig sa mga kanta niya.
Today I'm inlove and tomorrow I'm in pain. Wala lang, may masabi lang.
Hindi ko namalayan ang oras at ilang minuto na rin pala akong nakikinig sa kanta ni Reizel. Natapos na rin naman si Cezar mag ayos kaya lumabas na rin kami ng unitt ko. Hindi na maalis sa utak ko ang mga kanta niya, tila nag record sa mga utak ko at paulit ulit ko itong naririnig. How only I could wish for na sana marinig ko ulit siyang kumanta. Badtrip talaga nung event. Sayang.
Nag bus na lang kami ni Cezar, kasi kung magtataxi pa kami ay mapapamahal pa kami. Bus na rin naman talaga ang usual transportation ko kapag papasok ako sa school para makatipid.
Pagkapasok namin sa bus ay lahat ay naka standing ovation, I mean wala nang bakanteng upuan at lahat ay nakatayo na. Hindi na naman kami aangal pa kasi matatagalan ang susunod na darating na bus. Kaya okay lang tumayo, may bababa naman.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...