Special Chapter I

286 9 0
                                    

Special Chapter I

Bonfire Heart

Ethan's POV

              'Your love is like a soldier, loyal till you die

              And I've been looking at the stars for a long, long time

              I've been putting out fires all my life'

              From the past and till this day, Reizel and I gets stronger and stronger. I love her, always and forever. I'm planning for a romantic dinner date, I don't have any idea on romantic like that. So, I'm with Brena and Cezar to help me with this idea.

              "So, Ethan? What kind of dinner that you like?" Cezar asked me. I shrugged. I don't have any idea, I always think of any special date with her but its just that, wala akong maisip.

              "Simple but romantic." Tipid kong sagot. Napatango naman si Brena sa sinabi ko. She whisper to Cezar. Napakunot noo na lamang ako ng biglang tumawa silang dalawa.

              "We have a plan." Sabay nilang sabi. Napangisi na lamang ako sa sinabi nilang dalawa.

              "We have 3 days to make it, I will count on you guys." I said. "I'll go first, talk to you later guys." Naglakad na ako paalis sa bahay nilang dalawa.

              Nandito sila ngayon sa pilipinas for some vacations, umuuwi lang sila kapag kailangan o may celebration. Nag-stay na rin kasi sila sa France at doon magpalaki ng pamilya.

              Kahit na kasal na kaming dalawa ni Reizel at natapos na ang honeymoon namin na pumunta kami sa Germany. 3 days din kami doon at syempre umuwi rin pagkatapos, we had so much fun there at hindi namin ni Reizel malilimutan ang pag-visit namin doon. Nagpaplano nga rin kaming dalawa na mag country visit, uunahin namin ang Asia sunod na ang Europe. Basta ngayon, the dinner date ang pagpupuspusan ko ng oras.

              Medyo busy na rin kasi mga nakaraan si Reizel, so I want to give her an another surprise. 5 years na ang nakakaraan pero still the same, walang pagbabago. She's still the star I've been looking for.

              Sumakay na ako sa kotse at pinaandar. Pupuntahan ko na lang si Reizel sa shooting nito dahil may panibago itong music video. Wala akong nakikitang pagbabago kay Reizel, because the way I know her ganun pa rin. Habang tinatahak ko ang daan patungo sa venue, nag-iisip na rin ako ng mga pwedeng pakulo na hindi niya mahahalata.

              Nakarating din naman agad ako sa lugar kung saan ginaganap ang shooting ni Reizel. Pagkababa ko pa lamang ng sasakyan ay marami na agad akong mata na napatingin sa akin. Binigyan ko na lamang sila ng ngiti, marami rami pa rin naman nakakakila sa akin bilang Nicholas Wesley pero dahil kilala na nila ako sa tunay kong pangalan iba na rin syempre ang tingin nila sa akin, syempre may asawa na ako.

              "Hello! Sir Ethan!" Bati sa akin ng isang staff ni Reizel. Ngumiti din naman agad ako sa kanya.

              "Nasan nga pala si Reizel?" Pagtatanong ko sa kanya. Napakunot noo na lamang ako kasi nakatitig ito sa akin kaya nakakatawa lang.

              "Ah! Sorry sir! Si Reizel po? Nasa tent niya po, break po." Agad ko naman tinanguhan siya pero bago ako umalis ay nagpapicture pa ito sa akin. Hindi rin naman kasi ako madalas pumunta sa mga shooting ni Reizel kasi may trabaho rin ako. Ang asawa kasi ng Ate ko ay may-ari ng kilalang business company. Pinasok ako ni Ate sa kumpanyang 'yn para daw may pagkaabalahan ako at for me and Reizel na rin daw.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon