Rising Star 38

253 18 2
                                    

                                                       Rising Star 38

Hindi ko alam kung anong nangyari kay Reizel kahapon kaya hindi na ako pinansin. Wala naman akong masamang nasabi sa kanya kaya na dapat ikagalit niya sa akin. Wala naman akong gagawin ngayon pero may meeting daw kami ni Miss Tamara kaya pupuntahan ko siya ngayon. Meron din naman practice si Reizel ngayon, siguro dadaanan ko na lang siya mamaya kasi bukas lalong hindi ako makakapunta dun dahil maglilipat kaming dalawa ni Ate.

               "Bunso, just make sure na maaga kang uuwi ha? Ayokong mapagod ka bukas." Sabi Ate sa akin.

               Tumango naman ako. "Sure, Ate. Mauuna na ako."

               Lumabas na rin naman ako nang unit ko. Nakapag empake na rin naman ako nang ibang gamit ko kaya hindi masyadong hassle bukas kapag maglilipat na kami. Basta ngayon, ayusin ang mga dapat ayusin. Ang meeting with Miss Tamara sa GNV.

               Sumakay na rin naman ako nang bus patungo doon. Its take a half of thirty minutes bago makarating doon. Habang nasa biyahe ako ay maraming pumapasok sa isip ko at bigla bigla ko na lang na realize. Like the signing of the contract of recording star, para naman sa akin hindi naman labag 'yun saka hindi naman makakasira sa akin 'yun infact mas makakatulog 'yun sa akin to improve my skills.

               Ilang saglit lang din nakarating naman ako sa building. Medyo formal naman ang dating ko, nakakahiya naman kasi kung haharap ako sa meeting na hindi maayos diba. Its just that dagdag appeal na rin diba.

               Pumasok na rin naman ako at tumungo sa receptionist at tinanong kung nasaan si Miss Tamara. Sinabi naman niya na nasa second floor sa meeting room at hinihintay nga daw ako doon. Sakto naman ang dating ko, maaga pa nga eh so hindi pa naman ako masyadong late. Pagkadating ko sa second floor at tumungo na agad ako meeting room. Papasok na sana ako nang saktong lumabas naman si Miss.

               "Ethan, good your here. In any minutes darating na ang mga bosses." Sabi nito. Tinanguan ko naman siya. Iba talaga ang dating ni Miss, maganda ang balat niya sa pagiging matangkad niya. Attractice siya at sabi nga diba black is beauty.

               "Miss, ano po bang pagmimeetingan natin?"

               "Mamaya mo malalaman Ethan," lumingon ito sa iba at natuwa nang makita ang mga bosses nilapitan niya ito at nakipag beso beso. Lumapit naman silang apat sa akin. "Boss Mike, siya po 'yung sinasabi ko sa inyo. Yung galing sa cd?"

               "Ah okay," saka lumingon sa akin si Boss Mike. Matulis ang mga tingin nito na parang kinikilatis ako. May mali ba sakin ngayon? Wala naman diba? "Mabuti naman at pumayag ka sa contract." Saka ako tinapik nito sa balikat at tuluyang pumasok sa loob nang meeting room kasam ang ibang boss.

               Napalunok na lang ako nang laway. Mukhang masusubok ako dito. "Tara na, Ethan." Tumango ako kanya at pumasok na rin naman kaming dalawa.

               Pagkapasok namin ay paupo na silang tatlo. Umupo rin naman ako katabi si Miss Tamara.

               "So let's start," sabi ni Boss Mike. "So your name is Etha?"

               "Opo." Tipid kong sagot.

               "Narinig namin ang boses mo kasi inendorse ka sa amin ni Tamara then we heard that you had the voice. So Tamara offered you a contract ibigsabihin magsisimula ka nang magrecord nang mga kanta mo pero before that kailangan manotice ka muna nang mga tao, so may mga tv guestings kang pupuntahan. Lalo na ang upcoming concert ni Reizel." Tuloy tuloy nitong sabi. "So Ethan, what your status? It would be greats if single para makapag concentrate ka sa new career mo." Aniya.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon