Star 13

383 23 3
                                    

                                                               Star 13

Ethan's POV

Dalawang araw bago maibigay sa kanya ang sulat. Ngayon lang siya nagresponse. Ngayon lang kami magkikita.

            Pumapagaspas ang mga dahon ng mga puno dahil sa malakas na hangin. Sobrang lakas nga talaga, baka nga mamaya may ipu-ipo na. Naku, wag naman po sana mangyari.

            Nakahalukipkip na naglalakad sa daan. Yumuko ako nang masagi na naman sa isip ang ang ginawa ni Nolan. How could he do that to the person who loved him?

            At paano nakakasigurado si Reizel na mahal nga siya ni Nolan?

            Sana nga dumating siya, nanghingi pa ako ng tulong kay Brena at Cezar para maibigay ang mga sulat na 'yun. Makikipagkita lang naman ako sa kanya sa park. Ang lugar kung saan ko siya nakita at nakilala. Hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko didiskartehan kung paano masasabi kay Reizel nna niloloko lang siya ng manloloko niyang boyfriendd na si Nolan.

            Nakadating ako sa park, wala pang tao. Pero may nakita na ako isang babae na nililipad ang buhok sa lakas ng hangin. Nakasuot ng mga mapupulang damit. Kilala ko na ata kung sino siya. Palapit na ako nang saktong may umaligid sa kanyang mga bouncers ata, ang laki kasi ng mga katawan at mga itim ang tshirt nito.

            "Ikaw ba si Christan Wesley?" Tanong nang isang bouncer sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

            Napatulala ako nang humarap sa akin si Reizel. Ito na ba yung oras at pagkakataon na mahahawakan ko siya at mapapasakin na? Ito na ba? Nakangiti itong nakatingin sa akin, ang ganda nang mga labi niya dahil din sa pink nitong lipstick. Matangos ang mga ilong at may mahahabang pilikmata. May pagka kulay brownish ang mga mata nito.

            "Maiwan niyo muna kami." Ani nito sa mga bouncer. Tila nang magsalita siya ay parang kumakanta pa rin siya sa isip ko. Siguro obsessed na talaga ako sa mga kanta niya at sa kanya.

            Lumayo nang kaunti ang mga bouncers nito. Naglakad kami nang kaunti para medyo hindi naman nila marinig ang mga pinag uusapan namin. Finally, after all na paghihirap ko. Naabot ko na ata ang matagal ko nang panagarap.

            "Mabuti naman at pumayag ka na makipagkita sa akin." Namumula na ata ako dito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang ganda nang mga ngiti niya.

            "Hmm, minsan lang akong makipagkita. Wala akong gagawin ngayon, kaya pinagbigyan kita." Hindi nito maalis ang mga ngiti sa labi.

            Kahit ang mga labi ko. Na glue na rin ata at hindi ko na magalaw pa. Nakatitig lang ako sa mukha niya nang mapansin kong nanliit ang mga mata niya at sinusuri ako

            "May problema ba?" Umiling ako sa kanya. At binaling ang tingin sa iba. "Nakalagay sa sulat na may gusto kang sabihin sakin? Ano ba 'yun?"

            Hinarap ko siya. Ang pakay ko naman talaga dito ay sabihin sa kanya na niloloko lang siya ng boyfriend niya.

            "Reizel, kung hindi mo ko paniniwalaan ayos lang pero kung paniniwalaan mo naman ang mga sinasabi ko, mabuti kung ganun." Magsasalita pa sana ako nang putulin niya ito.

            "Ano bang sasabihin mo? Hindi ka naman at manghuhula diba?" Matawa tawa pa nitong tugon sa akin. Reizel, hindi ako nagbibiro lahat ng sasabihin ko. Totoo sana lang paniwalaan mo.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon