Rising Star 31

288 17 1
                                    

                                                  Rising Star 31

Reizel's POV

I'm preparing up myself kasi mamaya ay merong bonfire camp na gaganapin. Pupunta naman kamin except Ate Rizza kasi pagod na daw siya. Gabi gaganapin syempre kasi bonfire nga diba. Nag dinner na rin naman kami kanina, three days lang daw kami dito sabi ni Ate Rizza kaya ienjoy na lang daw namin ang vacation na ito kaso pagbalik namin sa city ay puro trabaho na naman agad ang aasikasuhin ko.

               Nakakapagod pero ayos lang atleast may mga naiinspire ako sa ginagawa ko.

               May kumatok sa kwarto kaya binuksan ko na naman at bumungad naman dito si Ethan na ang gwapo tingnan kahit simple lang siya. Naka white na pants na hanggang tuhod lang at plain white t-shirt lang din at polo na hindi naka butones. Napangiti ako sa kanya at dahan dahan naman na lumabas nang kwarto. Tulog si Ate kaya baka kapag gumawa nang ingay ay magising pa siya.

               Nung kanina ako ang humahawak sa kamay niya pero siya na ang humawak ngayon sa kamay ko. Oo, ngayon hindi ko na rin naman maitatanggi na unti unti na akong nagkakagusto sa kanya. Sino ba naman kasing hindi diba at saka matagal ko na rin siyang natipuhan bago pa si Nolan.

               "Reizel, your simple but pretty." Sabi pa nito.  Natawa na lamang ako nang mahina sa sinabi niya. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Bakit ka tumawa? Hindi naman nakakatawa 'yun ah?" Dagdag na sabi niya.

               Napailing na lamang ako sa kanya at hindi ko na maalis ang mga ngiti sa labi ko. Simula kanina na mag usap kaming dalawa, naging magaan ang loob ko sa kanya. Sa bawat araw din na nagkakausap kaming dalawa, mas lalo rin namin nakikilala ang isa't isa.

               "Alam mo, ang hilig mo mambola." Ngisi ko pa. "Pero infairness, Ethan. Gwapo ka rin!" Siko ko pa sa kanya.

               "Tingnan mo, ikaw nga 'tong nambobola eh." Sabay pisil niya sa pisngi ko. Umaray ako nang matawa tawa at binitawana niya rin naman ang pisngi ko at hinimas ko naman ito. "Tara na nga." Sabi niya saka niya ako inakbayan at naglakad na kami papunta sa bonfire camp.

               Meron daw activities na gaganapin sa bonfire camp na 'yun. Sabi ang masasabihan nang mga hinanakit, loves at kung ano ano pa na pwedeng ilabas sa mga oras na 'yun. Meron din daw marshmallow eating contest. Marami pang iba, hindi ko lang natatandaan 'yung iba.

               "Ano bang gagawin natin 'dun?" Tanong ni Ethan.

               Nagkibit balikat na lang ako sa kanya. "Hindi ko alam, i-enjoy na lang natin kung anong gagawin diba?"

               "Sabagay." Sabi niya.

               Pagkalabas namin nang suit ay natanaw na namin ang agad ang bonfire kasi mga ilang minuto na lang din naman ay magsisimula na rin naman. Nakita rin namin si Brena at Cezar kaya sinabayan na kami sa pagpunta roon. Umalis nga bigla si Ethan sa pagkaka akbay sa akin nang palapit sa amin sila Brena at Cezar. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman dapat ikabahala dun diba?

               Nakarating naman din agad kami sa paligid nang bonfire. Maraming tao dito ngayon, hindi naman siguro ako makikilala dito, madilim naman kaya ayos lang naman 'yan. Ang bonfire ay nasa 5 feet ang taas, at ang mga tao ay nakapaligid sa bonfire ang iba ay maiingay na naguusap ang iba naman ay kumakain sa buffet na nakahanda dito.

               "Reize oh." Napatingin ako kay Ethan at kinuha ang baso na hawak niya. "Pineapple juice."

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon