Last Star 44

248 18 0
                                    

                                                          Last Star 44

Ethan's POV

I will surely okay that Reizel and I will be get better soon. Kaninang napadaan ako sa tulay ay hindi ko iinaasahan na makikita ko siya 'dun. Hindi kasi, bakit naman siya doon dumaan meron naman mas malapit na daan diba. Ako naman kaya ako dumaan doon ay dahil malapit lang doon nakatira si Cezar. May dinaan lang ako sa kanya 'yung playstation games nga.

                 Napaaga rin ang meeting ko ngayon with the bosses. Hinihintay ko na lang din naman sila ngayon, magkakaroon rin daw ako ng isang guesting sa isang mall show. So pinag-iisipan nila kung gusto ko na rin daw bang mag launch ng album ko.

                 I accept, pumayag naman ako. Syempre naman sinong hindi papayag sa in-offer na 'yun. Hindi ko rin in-expect na 'yung mga tao ay mainit ang pagtanggap sa akin. Simula kasi ng ipakilala ako sa isang tv show. Hindi na magkamayaw ang social accounts ko.

                 "Nicholas!" Bungad na bati ng boss ko. Ngumiti naman ako. Tuloy tuloy lang siyang dinaanan ako at pumasok sa loob ng meeting room. Napakibit balikat nalang ako at sumunod pumasok sa loob.

                 Pagkapasok ko ay umupo naman si Boss Mike sa upuan niya. Mahaba ang mesa kaya nasa bandnag dulo ako. Bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon at pumasok si Miss Tamara. She's perfect when you're looking at her.

                 "Sorry, Boss..." sabi nito at umupo rin sa upuan katapat ko naman siya ngayon.

                 "Okay!" Napalingon kaming dalawa kay Boss Mike na tumayo sa kinauupuan niya at hinatak pababa ang itim niyang coat. "As you can see, maraming nahuhumaling sayo Mr. Wesley..." napakunot ako ng noo sa sinabi niya. What's with the deal for that? Huh? "Maraming gustong mag-guest sayo sa tv shows. So pinapayagan naman kita kasi Rising Star nga ika."

                 May inabot itong papel sa akin at tiningnan ko naman.

                 "Para saan po ito?" Pagtutukoy sa papel na binigay niya.

                 "Pipirmahan mo lang 'yan para sa nalalapit mong album. Mag-start ka na rin mag recording para diyan." Tango na lamang ang binigay ko sa kanya.

                 "Excuse Boss, correct me if I'm mistaken. Nicholas will be guesting at Reizel's concert right?" Sabi ni Miss Tamara kay Boss.

                 "Oo," tango pa nito. "Isama mo na 'yun dahil malapit na rin naman ang concert niya. And I heard meron daw kayong duet ni Reizel sa new release album niya for the concert, tama ba ako?"

                 "Opo," tugon ko.

                 "Good," sabi pa nito. May tumunog na ring ng cellphone kaya nagkatitigan kaming tatlo sa loob then it was Boss mike's cellphone. "Excuse me." Sabi ni Boss at sinagot niya ang telepono niya.

                 Lumingon naman ako kay Miss Tamara na nakangiting nakatingin sa akin kaya nahiya ako bigla sa kanya. Si Miss Tamara rin ang naging susi sa pagpasok ko sa industriyang 'to.

                 "Mr. Wesley, Tamara..." lumingon kami kay Boss. "Mauuna na muna ako sa inyo. After you signed those papers pakibigay na lang kay Tamara. Tamara get it okay?" Tumango naman kami kay Boss at naglakad na palabas ng meeting room.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon