Star 9
"Please let me in, we can't start if I'm here." Angal ni Cezar. Hindi pa rin kasi siya pinapasok hanggang ngayon ni Brena.
"Weh?" Natawa kaming apat sa pang aasar ni Brena. "Ethan! Hindi niyo naman siya kailangan diba?" Napalingon ako kay Brena na nakaharap sa amin ngayon. At pinikit pa ang kanang mata. I know what she means.
Tumayo ako. "Oo, kaya na naming apat 'to!" Pinatayo ko naman ang tatlo kong kagrupo.
"What! Bro! I want to pass this subject!" Sigaw nito. Mukhang iiyak na rin kung hindi siya makakapasa.
"Punta na kayo sa music room! Bukas naman 'yun. May babantayan lang akong unggoy dito!" Napangisi pa ito.
Sumunod naman kami sa sinabi niya kaya pumunta na kaming apat sa music room. Hindi pa naman mismo kami magrerecord. We will do somethings para maisayos ang project. Tulad ng mga instruments for the background. Kailangan din maayos 'yun at mahasa namin at makabisado ang lyrics para hindi paputol putol ang pagpapraktis namin.
Pagdating namin sa music room ay agad silang nagsipwesto sa kanila kanilang mga posisyon. Nagbrainstorming pa kami para mas lalong maipaganda ang magiging kalabasan ng project namin. May kailangan din pang isa ayos sa. Mga lyrics at palitan ng ibang usage of words kasi medyo hindi nagcocompliment at tumutugma sa tono.
"Sa tingin mo, Wesley. Magiging maganda ang kakalabasan kung pati ako kakanta?" Sabi ni Gelay. Ang nag iisang babae sa grupo namin.
"Wala kang tiwala? Try to give some shots."
"Huh? Di ako marunong uminom." Bigla nitong pagtanggi.
"Haha! No, I mean give us a sample." Sabi ko. Hindi maiwasan hindi matawa sa sinabi niya. Iba ang interpretasyon niya dun.
"Oo nga, para masanay ka na rin." Dagdag ng editor namin sa grupo.
"Eh anong kakantahin ko?" napapangiwi nitong sabi.
"Try Reizel songs."
"Huh? Wala akong alam sa mga kanta niya." Hmm, nakakapagtaka. Wala siyang alam, siguro iba iba kasi ang tipo ng mga tao pagdating sa singers.
"Kahit ano na lang!" Sabi ng guitarist namin.
"Sige na nga." Umubo pa siya para maging maayos ang pagkanta niya at walang sagabal. Ibubuka na sana nito ang bibig nito pero muli itong natikom. "I can't."
Pansin naming hindi siya tiwala sa sarili niya.
"Hindi ka na nga namin pipilitin, basta give the best pag nagrecord na tayo ha?" Ang tagal nito bago tumugon sa akin. Tango na lamang ang ibinigay nito.
Ang iba kong kagrupo ay pinagpraktisan na ang kanilang mga instruments.
Kinabisa ko naman agad ito. Medyo nalilito nga ako sa ibang usage of words pa at kailangan pang palitan. Nakukuha ko naman, nawawala nga lang ako sa tono.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...