Star 29

345 18 2
                                    

                                                          Star 29

Ethan's POV

Lumabas si Reizel nang cafeteria kaya sinundan ko na lamang. Hindi rin naman ako pinigilan nang kapatid nito. I know kaya nga nandito kami at summer vacation for Reizel na rin. Para naman makalimutan niya si Nolan nang ilang araw at hindi na mabalik ang nararamdaman nito kay Nolan. Masakit naman kasi talaga kapag naloko ka nang isang tao at ginagamit lang ang kasikataan mo para amdamay din siya. Hindi patas para sa totoong nagmamahal.

                   Mukhang hindi pa masyadong makakapag enjoy dito si Reizel na nandito nga daw si Millette. Ang bestfriend turn rival niya. Mababaw ang dahilan ni Millette pero ganun talaga ang nangyayari, may magbabago at magbabago talaga sa friendships.

                   Hinabol ko si Reizel. Hindi naman siya mabilis maglakad kaya nahabol ko naman siya. Nakayuko lang siyang maglakad, ano kayang iniisip niya? Iniisip na naman ba niya si Nolan?

                   "Iniisip mo pa rin ba siya?" Napahalukipkip kong tanong sa kanya. Nakikita ko lamang siya sa gilid nang mata ko. Nakayuko lang ito at nakacrossed arms. Napansin ko rin na nagbuntong hininga siya.

                   "Ethan," sabi nito sa pangalan ko. "Mahirap naman kasing magmove on sa isang tao na kapag alam mo nang minahal mo nang sobra." Sa sinabi niya. Nalulungkot na naman ako.

                   "Reizel, this is the place where you can find peace of mind. Kahit ilang araw lang, makalimutan mo ang ginawa sayo ni Nolan. You can find yourself here." Sabi ko sa kanya.

                   "What if, I can't?"

                   "Reizel, merong nilaan sa atin na tao. Minsan sasaktan tayo at lolokohin. Minsan din kasi nandiyan lang sa paligid mo ang tunay namamahalin ka." Kagaya ko Reizel. Kaya kitang mahalin. Dati rati, hanggang kaway lang tayo. Hi-hello's lang ang usapan pero umabot sa ganito at nagulo ang sitwasyon niya nang dumating ako.

                   Pero I'm not the one who will ruined everything, I'm the one to make this things clear. Yung walang nasasaktan at naloloko.

                   "Ethan, maraming pwedeng magbago. Isa na ako doon, nasaktan kasi ako." Napansin kong pinunasan niya ang luha niya na pumatak.

                   Hindi ko na siya kinibo sa sinabi niya. Nakarating kami sa dulo nang beach nang naglalakad lang. Dito mas feel mo yung lamig nang hangin na nanggagaling sa dagat. Hindi rin amoy polusyon ang amoy dito, sariwa mula sa dagat. Umupo si Reizel sa may buhanginan at tumabi naman ako sa kanya.

                   Tiningnan ko si Reizel at nakapikit ang mga mata nito at hinahangin ang buhok gawa nang hangin. Malakas din naman ang hangin kasi nga nasa tabing dagat din. Hindi rin naman kasikatan ang araw kaya hindi kami naiinitan.

                   Nagdo-drawing lang ako sa buhanginan at nakapangalumbaba. Nahihiya ako kung ako na naman magsasalita. Hihintayin ko na lang ulit siya kumibo.

                   Ilang minuto rin ang nakakaraan at ganoon pa rin kami walang kibuan at pinapakiramdaman lang namin ang lamig nang paligid. Nang lingunin ko si Reizel ay laking gulat ko na lang na nakatitig ito sa akin kaya bigla akong napaiwas nang tingin sa kanya.

                   "Ethan," Mahina nitong sabi pero sapat na para marinig ko. Tumingin naman ako sa kanya at siya naman ang umiwas nang tingin. "Nagmahal ka na ba?" Tanong niya.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon