Star 18
Hindi ako kumikibo dito. Seriously not talking to everyone inside the van. Ang awkward din naman nang seatiing arrangement dito sa van. Si Ate si Rizza ay nasa unahan, busy sa cellphone niya. Always naman 'yan. Ako dito sa likod niya tapos katabi ko si Ethan sa left side ko. May pagitan sa amin malaking space kaya hindi kami magdidikit. Ang make up artist ko naman na si Shini ay nasa likod pa namin.
Si Ethan ay nakatingin lang sa window niya. Nakatingin lang ito sa buong biyahe. Hindi rin naman siya kumikibo, nahihiya ako sa inasal ko sa kanya kanina. Hindi naman ako masama katulad nang mga inaasahan niyo, pero kasi nagiguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Naasar siguro siya sa akin o nainis dahil sa ginawa ko.
Dahil ang tahimik nga dito sa van ay nakatingin lang din ako sa bintana ko sa left side ko lang. Ewan ko ba kung bakit ako inatake nang hiya ngayon. May VTR ako at TVC din daw kaya hindi pwedeng ganyan.
Hindi ko namalayan na nagdidikit na pala ang mga kamay namin ni Ethan. Kaya napapalingon ako sa kanya at tititigan ang mga kamay namin na magkadikit at iiiwas. Halos ilang beses pa nangyari pero hindi na ako tumitingin sa kanya kundi inaalis ko na lang biglaan ang mga kamay ko. Malamig ang kamay niya, hindi ko alam kung malambot din ba. Ay! Bakit ganyan ang iniisip ko.
Nakarating na rin kami sa venue kung saan gaganapin ang VTR at TVC ko. Nauna na akong bumaba nang van at sumunod na kay ate. Sila Ethan naman at si Shini ang make up artist ko ay. dinala ang mga bags ko. Nakasunod lang ako kay ate papasok sa building. May mga tumatawag sa akin at kumakaway at gustong magpapicture pero tumatanggi ako. Ayoko kasing magpakuha nang litrato, okay lang naman kung importante pero for thats? Hindi.
Nang makapasok na kami sa building ay sinalubong kami nang staff ng project na 'to. Dinala kami sa isang room kung saan gaganapin muna daw ang VTR. Tinawag ni Ate ang dalawa na dala dala ang bags ko ate pinatabi sa akin. Si Ethan ay parang ngayon lang nakapunta sa lugar na ganito. Kanina pa kasi siya palinga linga.
"Ethan!" Tawag ni ate sa kanya. Lumapit naman ito sa amin. Nakangiti ang mga labi nito.
"Ano 'yun miss?" Tanong niya sa ate ko. Tinitignan ko na lamang silang dalawa.
"Ethan, aalis kasi ako may pupuntahan lang ako, so tinawag kita para mabantay mo pa lalo si Reizel." Sabi nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Iiwan niya ako dito tapos kay Ethan pa? Naku naman.
"Sure po." Napatingin ako kay Ethan na malaki ang mga ngiti sa labi. Anong ibigsabihin n'un pero nang lumingo siya sa akin ay nawala ito. May ibigsabihin din ba 'yun? Galit kaya siya?
Tumingin naman ako kay ate. "P-Pero ate..."
"No words, Reizel. May tiwala naman ako kay Ethan. I know mababantayan ka naman niya."
"H-Ha?" hindi ko magets si ate. Ang busy person din kasi nang isang 'to. Kala mo siya ang may career. Manager ko kasi siya, nag volunteer eh. Siya ang nag aasikaso sa akin sa mga events and others. Siya rin ang naghahanap nang mga nagmemake up at body guards sa akin. Ginagawa niya 'yun kasi sabi niya sa akin. Hindi niya daw naranasan alagaan nang mga magulang namin.
Ang parents ko ay nasa new york. Nagtatatrabaho sila dun, pero parang nag stay na rin ata sila doon. Umuwi lang sila dito gaya nang pinanganak daw si ate at ako. Ang papa kasi ay american (Leonardo Marty) at si mama ay filipina (Nelia Saavedra). Minsan lang sila umuwi after 3 years. Then paulit ulit na 'yun minsan pa nga 4 days lang sila dito at babalik na kaagad sila doon. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga. Oo kung nagtataka kayo, hindi namin ginagamit ang apelyido ng papa ko. Surname ng mama namin ang gamit namin. Hindi ko alam pero 'yun ang nasa birth certificates namin. Wala rin kaming middle name. Napapahaba na ata.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...