E P I L O G U E

525 21 6
                                    

                                                       E P I L O G U E

'I can't reach you before but now I'm taking your hand and holding it tight to say 'Your always a part of my life.'

                      "I'm ready, Bro!" Cezar said. Inaayos ko na lang naman ang neck tie ko at ang coat ko. Ewan ko pero sobrang nakakaexcited din ang mangyayari ngayon. Natatawa na lang din ako sa nangyari, I can't believe what they had to be.

                      "Easy, Bro! Relax!" Tapik ko sa kanya sa balikat. Hindi rin kasi mapakali si Cezar sa kung anong gagawin niya. Well, ang gwapo nga ng bestfriend kong 'to sa porma niya ngayo. Bagay na bagay sa magiging soon-to-be-wife niya.

                      Cezar's wedding is today. Biglaan din ang pag-imbita ni Cezar at Brena sa kasalang magaganap. Umuwi silang dalawa sa pilipinas para dito gawin ang wedding nila. Church wedding ang ganap nila, akalain mo 'yun sa tinagal ba naman ng panahon ikinasala pa ang dalawa.

                      Five years na ang nakalipas pero parang wala naman nagbago sakin. Ganun pa rin naman ako, walang pinagbago. Sa five years na nakalipas stay strong pa rin kami ni Reizel at siya rin ang kinuhang brides maid ni Brena at ako naman syempre ang best man ni Cezar. Syempre bestfriend niya ako, hindi pwedeng mawala ako dito.

                      Si Reizel Saavedra, isa paring sikat na mang-aawit sa bansa. Inibintahan na rin siya sa ibat ibang bansa upang mag-guest sa mga kilalang talk shows. Mas naging proud pa ako sa kanya si hindi siya mapagmataas, lumilingon sa pinanggalingan at down to earth na tao at higit sa lahat. Humble person na mas kinagusto ko sa kanya. Nagkaroon na din ng laman ang photo album na binili ko na halos mapupuno na rin namin ni Reizel, Mapupuno lang kaya kapag kami na ang kinisal. Sana kami na rin susunod ni Reizel ang sumunod sa yapak ng mga bestfriends ko.

                      "I'm happy for you, Cezar. Congrats!" Niyakap ko ito at tinapik tapik ang likod.

                      "Don't cry." Sarscatic indeed. Nang-asar pa, kahit kailan talaga hindi kumukupas si Cezar. Kasi kahit na hindi ko siya nakasama sa loob ng limang taon, hindi rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Syempre naging magkaklase kami at naging magbestfriend pa syempre, walang kalimutan 'yun.

                      "Prepare yourself too, Cezar." Ngisi ko sa kanya. Muli naman namin inayos ang mga damit namin at pinagso-suot na namin ang mga coat namin. Blue at pink ang motif na napili nila Cezar at Brena, bagay naman ang kulay kasi mukhang nagcocompliment naman.

                      Lumabas na rin naman kaming dalawa sa hotel na pinag-stayan namin ni Cezar. Pagkababa naman namin ay tumuloy na rin naman kami sa sasakyan namin at tumungon naman agad ito sa simbahan. Ramdam na ramdam ko ang kaba at excite ni Cezar, siguro kapag kaming dalawa ni Reizel ang kinasal mas kakabahan din siguro ako kasi sikat si Reizel. Maraming nag-eexpeect na mga tao na syempre engrande ang magiging kasal pero para sa akin. Mas maganda 'yun medyo simple lang, yung mala beach wedding ang dating. Ang astig lang n'un.

                      Madali naman kaming nakarating sa simbahan at sinalubong ng ibang inbidato sa kasal. Ang laki ng simbahan na pagdadaluhan ng kasal at mas astig daw kapag nasa reception na kasi nasa five star hotel daw 'yun gaganapin. Ang ibang imbitado ay galing pang mga taga Paris na pumunta lang dito para umattend sa kasal ng dalawa.

                      Iba naman kasi talag ang relasyon ng dalawa.

                      Nakita ko si Reizel at nilapitan ito. Nabihag na naman niya ang puso ko. Iba ang ganda nito, nakasuot siya ng blue dress kasi ito nga ang motif. Bagay naman sa kanya kasi maputi naman siya at bagay na bagay sa kanya. Niyakap ko ng mahigpit si Reizel ng magkalapit kaming dalawa.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon