Star 10

447 24 1
                                    

                                                             Star 10

"Bro! Focus please?" Iritang sabi ni Cezar sa akin.

            Nakailang ulit na kami pero hindi pa rin kami makatapos tapos dahil hindi ako makapag concetrate at bigla bigla na lang ako nawawala sa tono at sa lyrics. Hindi kasi mawala saisip ko 'yung nakita ko noong nakaraang araw eh. Si Nolan ba talaga 'yun? Bakit ko naman kasi iispin ang isang bagay na walang kasiguraduhan, pero it keeps on bugging me. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko.

            Paano na lang kaya kapag niloko niya si Reizel? Sana nandun ako at mag ala Knight-in-shining-armor niya.

            Umupo ako sa couch. Hindi rin kami matatapos kung ganito ako ngayon, walang focus sa sarili. Bukas na din ang pasahan ng project at ngayon kami magrerecord dahil pagkatapos ay ieedit pa ng editor namin ang nirecord.

            "Ethan, what's bothering you?" Tanong nitong naka kunot ang mga noo.

            "Just don't mind me. Tara na! Ulitin na natin."

            Nagsibalikan naman kami sa mga posisyon namin kanina. Nagpakawala ako ng malakas ng buntong hininga at ilang ulit na napailing. Napapatingin sa akin ang mga kagrupo ko, naguguluhan sila sa akin. Parang ang laki daw nang problema ko. Pero tingin ko, wala naman akong magagawa eh.

            I'm not a part of their lives. But yeah, I'm still part of her career life as a fan.

            "Ehem." Huminga muli ako at inilabas ito sa ilong.

            Tinignan ko ang editor na nagsenyas na mag uumpisa ako sa tatlong bilang niya. Pagpitik nito ay nagsimula na ring tumunog ang intro. Si Cezar ay nagboluntaryong mag papiano na lang daw siya kesa mag back up sa akin. Umokay naman kami sa kanya kasi may konting alam naman daw siya doon eh.

            'There's a shop down the street,

            where they sell plastic rings,

            for a quarter a piece, I swear it.

            Yeah, I know that it's cheap,

            not like gold in your dreams,

            but I hope that you'll still wear it.'

            Sana maging okay ang kakalabasan ng project na 'to. Sana makapasa kami sa subject na ito. Nasulat ko ang kantang ito, before ako maging fan ni Reizel. Dahil nga sa wala akong magawa dati ay napagtripan kong gumawa nang kanta at lapatan ito ng tono. Ngayon, inayos ko ang mga salita at ibinagay sa tono.

            '..and there's no guarantee,

            that this will be easy.

            It's not a miracle ya need, believe me.

            Yeah, I'm no angel, I'm just me,

            but I will love you endlessly.

            Wings aren't what you need, you need me.'

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon