Rising Star 30
Hindi mapigil si Reizel sa kakatawa niya. Masaya ako para sa kanya. Mabilis siyang nakamove on. Siguro dahil na rin pinarealize ko sa kanya ang mga bagay bagay na dapat na naman talagang wakasan na. Hindi naman din kasi nakakaganda ang isang bagay na wala namang patutunguhan, so what's th point kung mag i-stick pa rin sa isang sitwasyon na kahit kailan mararamdaman mo pa rin yung sakit.
Magkahawak kaming dalawa ni Reizel nang mga kamay. Hindi ko rin inaasahan na hindi siya aalis sa pagkakahalik ko sa kanya. Ang dami naming pinagdaanan. Mas masaya kung laging magkasama, pero diba masaya kung mahal niyo ang isat isa. That's the more precious feeling na makukuha mo kapag nagmamahal ka.
"Gusto mo pumunta nang Paris?" Napalingon ako kay Reizel. Napakibit balikat na lamang ako sa sinabi niya. "Ayaw mo n'un? City love?" Saka ako kiniliti ni Reizel.
Nagkagantihan kaming dalawa hangga't sa mapahiga na naman kami sa buhanginan. Hindi kami maaawat na dalawa, patuloy lang siya sa pagkiliti kaya hindi rin ako tumitigil sa kanya.
"Kasi naman! Hahahaha! Ethan!" Tumigil na rin naman ako sa pagkikiliti sa kanya at siya rin naman. Nakahawak pa siya sa tiyan niya dahil sa sobrang kakatawa. Inayos ko na rin naman siya sa pagkakaupo. "Hindi nga Ethan? Gusto mo?"
Muli akong napakibit balikat sa sinabi niya at tumingin sa kanya. "Kung babantayan kita dun, why not diba?" Ngisi ko pa.
Bigla niya rin akong pinalo sa braso ko. Hindi ko. Alam kung bakit pero tumatawa tawa siya. "Hindi ka magsisilbing body guard ko." Mahinhin niyang sabi.
"Edi ano?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.
"Bilang boyfriend ko." Nakangiti nitong tugon sa akin. Ang lapag nang mga ngiti niya na may gusto talagang iparating ang mga ito. Napangiti rin tuloy ako sa kanya. Yung mga ngiti niya na as in wala na talagang problema.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Galing mismo sa bibig niya 'yun ha? Siya na mismo ang nasabi nang mga salitang 'yun. Wala naman akong sinabi sa kanya na gusto ko sita maging girlfriend, basta ang sinabi ko lang sa kanya ay gusto ko siya. Syempre kasama na doon ang mahal ko siya.
"Sigurado ka?" Pagtatanong ko pa sa kanya. "Alam mo Reizel, hindi naman minamadali ang lahat." Ngisi ko pa sa kanya. Syempre may time para sa lahat pero darating din kasi minsan 'yung point na, sige na tayong dalawa na kahit anong mangyari.
"Hindi ko naman minamadali Ethan," suminghap ito at tumayo na siya. Hinigit naman niya ang kamay ko kaya naakatayo na rin naman ako. "Basta, sasama ka sakin sa Paris." Ngiti nito.
Tumango na lamang ako sa kanya at napakamot nang ulo. Hinawakan na niya lang ang kamay ko at naglakad pabalik sa suit na tinutuluyan namin. Pabalik na sana kami nang makasalubong namin sina Brene at Cezar na magkahawak din ang kamay at kung makapaglambingan ay parang walang nakakakita sa kanilang dalawa.
"Bro!" Tawag ni Cezar at lumapit sa aming dalawa ni Reizel. "Why so wet?" Nakanoot noo pang tanong nito sa aming dalawa ni Reizel.
Tinapik ko na lamang ito sa balikat niya. "Naanod kami nang alon, Cezar."
"As in?" Singit ni Brena. "Bakit? Ano bang ginagawa niyo at inanod kayo?" Napaisip pa itong si Brena at maya maya lang ay parang henyo na may naisip agad. "Hindi kaya?"
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...