One Last Star 50

390 18 5
                                    

                                                  One Last Star 50

Ilang buwan na simula nang mag-quit ako bilang isang recording star. Hindi naman naging sagabal sa akin ang pag-alis ko sa larangan ko. Lumipas ang panahon at mas lalong tinangkilik ng mga fans si Reizel. Mas naging malapit na kami ni Reizel, may mga ilang alitan na nagagawang ayusin naman kaagad.

                  "Sure ka, diyan ka lang sa backstage? Ayaw mong pumunta sa audience at makinood?" Sabi ni Reizel sa akin. May tv show guesting kasi siya ngayon at ang naging daan patungo sa pagiging sikat niyang singer. Siya ang featured ngayon.

                  I nodded. "Oo, okay lang ako, pwede naman kitang panoorin dito." Pagtutukoy ko sa tv na nasa loob ng dressing room.

                  "Sige," saka niya ako hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit nag-init ang mukha ko sa sinabi ginawa niya. "I love you." Bulong nito sa akin. Napangisi na lamang ako sa sinabi niya at ngumuso ito bigla na natawa naman ako.

                  "Reizel! Reizel! Ready na!" Aligagang sabi ng staff na naghahandle sa mga guests. Sumunod na rin naman si Reizel sa staff. Ewan ko ba pero parang hindi nawawala sa min ni Reizel 'yung kilig ba. Nung unang magkakilala kami, hindi na nawala 'yun. Yung tama namin sa isa't isa, hindi nagbago.

                  Bumalik naman ako sa dressing room, binuksan ko ang tv. Hindi pa naman nagsisimula at mamaya maya pa naman lalabas din si Reizel. She will perfom a song later, hindi ko lang alam kung ano 'yun. Surprise ata. After kasi ng concert niya, kaliwa't kanan ang mga projects nito kaya minsan hindi rin siya napipirmi sa bahay.

                  Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto, pinakinggan ko muli kung sa pintuan nga ng dressing room ko nang-gagalin and it was here. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan siya ng pinto at nakita ko si Nolan Statvon. Nag-init bigla ako ng makita ko siya. Maraming beses ko ng nakabanggaan si Nolan dahil sa mga panlolokong ginawa niya.

                  "Bakit ka nandito?" Matigas kong tanong sa kanya. Diretsyo lang ang tingin ko sa mukha nito at siya ay nakaiwas lang ng tingin sa akin at nakapamulsa. Namimintig ang panga ko sa kanya, akalain mo 'yun may mukha pa pala siyang ihararap sa kin sa mga ginawa niyang kabalastugan. "Kung gagawa ka lang ng gulo, Nolan! Umuwi ka na lang." Pagtitimpi ko lang sa kanya.

                  "Hindi ako naparito para gumawa ng gulo." Tugon nito sa akin. Hindi maalis ang sama ng titig ko sa pagmumukha niya sa lahat ba naman ng ginawa niya, akala niya mapapalampas niya lang lahat nang 'yun? Hindi.

                  "Para ano?! Manloko muli?!" Sigaw ko sa kanya. Umalingawngaw sa hallway ang boses ko, hindi ko na alam kung paano ko pagtitimpihan ng galit 'tong si Nolan.

                  "Nagkakamali ka," Sabi niya, ngisi lamang ang itinugon ko. Ako pa talaga nagkamali ha? "Gusto ko lang makipag-ayos."

                  "Alam mo tarantado ka rin eh!" Saka ko siya sinuntok sa mukha niya gawa para matumba siya. Wala siyang ginawang ganti kundi pinahid na lang ang nagdugong labi. "Nolan, walang makikipag-ayos sa lagay mong 'yan! Gi**go mo kami!"

                  "Let's welcome, Miss Reizel Saavedra!" Napatingin ako sa tv na nilabas na si Reizel. Mas lalong namintig ang panga ko sa kanya.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon