Last Star 48
Ethan's POV
Few days past and now the big day for my girl. Her concert will begin in any minutes. I'm so proud of her, from what she do. She did her best, she believe herself and she forget of all her pain and move forward.
Kasama ako sa concert niya kasi ako din daw ang big surprise niya. Ewan ko kung anong idea niya, wala akong alam sa balak niya pero hindi ko naman dapat ikabahala 'yun. Alam kong wala siyang gagawing trip diba? Concert niya 'to, hindi siya gagawa ng kahihiyan niya.
Si Roley ang nag-aayos sa akin. Siya na rin ang nag-ayos ng maisusuot ko mamaya kasi pasabog daw ang paglabas ko mamaya. So let's see what it is. Wala kaming rehearse rehearse ni Reizel, kung anong magaganap mamaya ay normal yun at dahil sa wala ngang practice, marami siguro kaming failures niyang mamaya pero I think, it was a challenge for us. Kung paano namin masasabay ang bawat isa.
Hanggang dito sa dressing room ay rinig ko ang mga hiyawan at pagchi-cheer ng mga tao kay Reizel. Malaki nga talaga ang suporta ng mga tao kay Reizel, nagsisimula pa lang si Reizel. Kaliwa't kanan na ang naging proyekto nito. Iba si Reizel sa karamihan, may kakaiba siyang talento at may charm siya na siya lang ang nagmamay-ari kaya maraming tumangkilik sa mga awit niya kasi ang astig niya din.
"Matanong ka nga, Nicholas." Roley said. Inaayos na nito ang buhok at nilalagyan ng wax. Tumango naman ako sa kanya. Nakaharap naman kami sa salamin kaya doon ko na lang siya tiningnan. "Ito ha, wag kang magre-react masyado. Hmm! May something ba sa inyo ni Reizel?" Aniya.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Napakunot naman ng noo si Roley sa tawa ko. I couldn't find what to say, sasabihin ko ba or siya na mismo anng umalam. Napangisi na lang ako sa kanya.
"You must find out." I said with a half-smile. Binatukan pa ako ni Roley pero mahina lang naman, natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.
"May pa find out, find out ka pa diyan! Batukan kaya ulit kita!" Pagtataray nito sa akin. Hinawi niya pataas ang buhok ko at sinuklay patagilid. Hinarap naman ako ni Roley at tiningnan ako. "Ayan, perfect! Ang gwapo mo na!"
"Compliment ba 'yan o ano?" Pagbibiro ko pa.
"Tse, 'to talaga! Mabuti na lang talaga at gwapo ka!" Then he pinch my cheeks. Hindi ako naiilang kay Roley kahit tagilid siya. Magaan siyang pakisamahan at hindi mataray.
Lumabas naman na rin ako ng dressing room kahit dito sa hallway ay dumadagundong na ang hiyawan nang mga fans ni Reizel. Isa lang ang ibigsabihinn n'un kahit na may mga issues si Reizel na nai-broadcast public hindi pa rin sila bumibitaw sa pagiging fan ni Reizel. Isang dahilan na rin 'yun kung bakit namamayagpag na ang career ni Reizel ngayon.
Naglakad naman ako sa backstage, mamaya pa naman ako lalabas pero I want to see. Bago ako makarating ay nagkaroon na ng hiyawan at malakas na tugtugan, ibigsabihin nagsisimula na ang concert ni Reizel. Hindi na ako tumuloy sa backstage kasi I want to see her on stage at hindi lang ang likod niya, bumaba ako at nakisama sa mga fans ni Reizel. I'm glad that they didn't notice me.
The crowd goes wild because of watching their idol extreme performing on the stage. Napahalukipkip na lang akong pinapanood siya at hindi maalis ang ngiti ko sa kanya. The way she performed, she deserves it. At dahil sa fan naman niya ako dati ay nakisabay na ako sa rock and roll na tugtugan. This is the perks of being a fan, hinding hindi ka magsasawa.
BINABASA MO ANG
One Last Star (Soon to be published under LIB)
Romance[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga paraan para mas mapalapit sa kanya. Pero sa paglapit mo sa kanya, pwedeng magbago ang buhay niyo. Hind...