Rising Star 37

240 16 3
                                    

                                                     Rising Star 37

And that kissed from the public place makes our love real. Wala nang dapat itago pa. Kasi kung itatago pa namin, para lang namin niloloko ang isat isa na ayaw namin may maka alam. Alam ko naman na masyadong private si Reizel pagdating sa mga ganyan pero siguro naman ay darating ang araw na kakalimutan na lang niya ang lahat at maging masaya.

            Pabalik na kami ngayon sa pilipinas matapos ang three days namin sa Paris. Sobrang naenjoy namin ni Reizel ang pamamalagi doon kahit ganun kaikling araw lang. May naging kaibigan pa kami doon na nagbabalak daw siyang pumunta sa pilipinas. In any minute ay mag te-take off na ang eroplano sa airport.

            "Ethan, masaya ako na nakasama kita." Mahinhin nitong sabi.

            "Paulit ulit ka na," kaya natawa na lamang ako sa kanya. "Kahit ano naman mangyari Reizel, I'm always be with you." Saka umiwas nang tingin si Reizel saka siya tumingin sa bintana sa tabi niya.

            Ilang minuto lang ay naglanding na nga rin ang eroplana. Sa wakas ay nakabalik na rin kami sa pilipinas 'yun nga lang ay puro trabaho na ang aasikasuhin namin. Hindi muna kami pinaba at pinaghintay muna nang ilang minuto bago bumaba. Nag signal na rin naman ilang sandali lang na pwede nang bumaba, kinuha na rin naman ni Reizel ang mga gamit namin.

            Nilagay naman na din namin sa baggage scanner at hinintay na lang namin sa dulo nito. Syempre dito sa airport ay marami ng nakakakilala sa amin dahil syempre pilipinas na ito at sikat si Reizel. Hindi pwedeng hindi siya mapansin. Nakadisguise na lahat lahat si Reizel pero nakikilala pa rin siya kaya kapag may lumalapit sa amin at gustong magpapicture sa kanya agad naman nami na binibitawan ang magkahawakan naming kamay at tinatanggihan naman ni Reizel ang mga tao na gusto magpapicture sa kanya.

            Nakuha na rin naman namin ang mga bagahe namin. Nagmadali na rin naman kaming dalawa na maglakad kasi kung hindi maraming mas magpapapicture sa kanya.

            "Totoo nga talaga 'yung rumors na maarte sa picture si Reizel 'no?" Rinig kong sabi nang isang babae sa kausap niya na sinusundan din kami sa paglalakad.

            "Tama ka nga diyan, akala mo kung sino famous kung makatanggi. Ang yabang niya, nakakaasar." Iritang sabi 'nung sabi nang isang babae na kausap din niya. Hindi na lamang namin pinansin ni Reizel ang dalawa. Mas binilisan pa namin ang paglalakad namin pero mas mukhang hindi ata sia titigi hanggat hindi kami naasar sa kanila, kasi sinusundan pa daw ba kami.

            "Hahaha! Nabalitaan ko rin may upcoming concert 'yan. May pupunta pa kaya?" Then they laugh in chorus. Napaigting na ang panga ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko na rin matiis kung paano nila bastusin si Reizel.

            Tumigil kami sa paglalakad at lumapit ako sa dalawang babae na sinusundan kami. Tiningnan ko sa mga mata ang dalawa at napalunok na lamang sila nang laway. "Kung lalaitin niyo niya din si Reizel, sana naman alam niyo rin kung anong kalait lait meron kayo." I left her dumbfounded. Napangisi na lamang ako sa kanila.

            They making my day ruined. Nilapitan ko na lang muli si Reizel at lumabas na rin kaming dalawa. Naka akbay ako sa kanya, para malaman nilang pagmamay-ari ko ang babaeng katabi ko.

            "Wag mo na lang silang pansinin, Reizel." Makaka apekto lamang 'yan sa upcoming concert niya.

            Nang makalabas naman kami nang airport ay sinalubong kami ni Rizza. Kumakaway kaway pa itong palapit sa amin. Niyakap niya agad si Reizel nang magkalapit silang dalawa. Sisters relationship ay kakaiba kaya siguro rin nataguyod nila ang isat isa.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon