Rising Star 35

270 17 2
                                    

                                                     Rising Star 35

Reizel and I had the right to write our own lovestory.

              Nauna akong magising kay Reizel. Mahimbing pa rin ang tulog niya at yakap ang mga unan. Nagtimpla ako nang kape para panlaban sa lamig nang panahon ngayon. Magwiwinter na ba bakit ang sobrang lamig. Well, ganito naman kasi sa europe eh. Madalas nga ang mgaa tao dito ay hindi naliligo dahil sa sobrang lamig nang tubig kaya nagpapabango na lang para fresh pa rin kung aamuyin. Nasagap ko lang din ya.

              I sip the cup of my coffee. Napaso pa ang dila ko kaya naaray ako bigla. Uminom agad ako nang malamig na tubig, ang baliw ko rin minsan ayan tuloy at gininaw ako. Second day na rin namin ngayon sa Paris. Nag enjoy kaming dalawa kahapon ni Reizel sa mga lugar na pinuntahan namin. Ngayon ay nagbabalak kaming pumunta sa Musée d'Orsay at The Louvre.

              Yung mga pupuntahan namin ay mga tourist attractions dito sa Paris. Mga museums ang dalawang 'yun. Mas marami kaming malalaman sa history nang Paris kapag pumunta kami doon.

              Nang maubos ko na ang coffee ko ay lumapit na naman ako kay Reizel. Tumabi sa tabi niya. Mahimbing pa rin talaga ang tulog niya. "Reizel?" Tawag ko sa kanya.

              "Oh?" Gumalaw ito si Reizel pero nakapikit pa rin siya. May napansin ako sa kaya hinipo ko ang leeg niyaa. Napaso ako sa sobrang init nito.

              "Reizel! Mainit ka!" Nag aligaga na agad ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Wala naman kaming dalang gamot na kahit ano. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit siya nagkasakit. "Thermometer! Thermometer!" Nagpapanic na ako.

              "Steady ka lang, Ethan!" Napahinto sa pagsasalita niya kaya napatingin na lang ako sa kanya. "Mainit lang ako okay?" She rolled her eyes at nagtalukbong nang kumot.

              Napabuntong hininga akong lumapit sa akin at umupo sa tabi niya. "Reizel, may sakit ka." Pag uulit ko pa sa kanya.

              "Wag mo kong alalahanin, Ethan. Aalis tayo mamaya." Protesta niya. Mas lalo naman akong nag alala sa kanya.

              "Teka lang Reizel! Hihiram lang ako nang thermometer." Sabi ko sa kanya. Hindi kami pwedeng umalis nang may sakit siya at baka lumala lang kung ganun. Hindi ako papayag sa sinabi niya nandito ako sa tabi niya para alagaan ko siya hindi para lang magkasakit.

              Lumabas naman ako nang kwarto namin at pumunta sa tabing kwarto namin. Kumatok ako sa pintuan at huminga nang malalim. Sana lang ay hindi lang french ang mga language nang nandito dahil mahirap intindin eh. Kumatok muli ako sa pintuan dahil hindi pa binubuksan ang pintuan. Narinig ko naman na binuksan na ang pinto at dahan dahan itong binuksan.

              Halos mapaiwas ako nang tingin sa bumungad sa akin. Isang babae at lalaki na white towels lamang ang nakasaplot sa kanilang dalawa. Napalunok ako nang laway. Mali ata ako nang kwarto na kinatukan.

              "De quoi avez-vous besoin?" Napakunot ako bigla nang noo sa itinugon nito. Hindi ko naintindihan kaya umiling na lang ako. (What do you need?)

              "No! Sir, thank you." Napangiwi ko ang sabi. Ang hirap pala makipag usap sa mga french lalo na kapag hindi mo alam ang ibigsabihin nang mga salita nila.

              "Allez-vous-en! Vous déranger notre session!" Saka nito binagsak ang pintuan. Nakahinga rin ako nang maluwag na walang ginawa sa akin kahit na wala akong kaalam alam sa mga sinasabi nila. (Go away! You disturbed our session!)

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon