Rising Star 34

248 18 0
                                    

                                                      Rising Star 34

"Ethan, wake up!" Inalog alog ako nito at minulat ko ang isang mata ko. Napangiti na lang ako nang makita ko siya masigla hindi katulad nang kagabi na matamlay siya. "This is our first day! Sulitin natin 'to!" Hinigit niya ako patayo kaya biglang nagtama ang mga labi namin.

               Agad naman namin inalis ang mga labi namin at nag iwasan nang tingin. Ewan ko ba, kung bakit naging awkward 'yun.

               Tumayo na naman din ako. Nag asikaso nang sarili ko. Were ready to take the first here in Paris, pero pumunta kami dito nang walang plano kung saan kami pupunta so bahala na kung saan kami maligaw. Basta, ang huling destination namin ang Eiffel Tower that's the most romantic place kapag pupunta ka talaga dito sa europe.

               "So Reizel, where do we go first?" Pagtatanong ko sa kanya. Inabot ko na rin naman sa kanya ang sweater na dala dala kong. Makapal 'yun at mabalahibo ito. Agad naman sinuot ni Reizel ito. Malamig na rin naman ito sa Paris siguro negative ang temperature dito.

               "Could we just try first the Arc de triomphe." Suggest niya na sinang ayunan ko naman agad.

               "That's good. Tara na?" Mabilis naman sumagot si Reizel sa akin at lumabas na rin naman kami nang tinutuluyan namin dito.

               Sumakay kami sa taxi o mas kilala ditong cab. Mabilis din naman kaming nakarating sa lugar at halos mamangha kami sa nakita namin. Its the very first time na makita ko ang arko na 'to. Dati rati lang kasi ay sa pictures o tv ko lang naman ito nakikita pero ngayon, as in personal na siya.

               May kinuha si Reizel sa bag niya at nilabas nito ang slr nito. Napatingin na lamang ako sa camera na 'yun. So dinala niya 'yun for taking picture of the views, magaganda naman halos ang paligid nang Paris. Well discsipline ang lahat nang nandito, yun nga lang ay hindi ko naiintidihan ang sinasabi nila. Ang alam ko lang ay bonjour o bati sa isang tao.

               "Take a picture with me, Ethan." Sabi nito. Napatitig na lang ako sa mata nito at hindi agad nag sink ang sinabi niya sa akin. So she wants me to had a picture with her? Totoo ba 'yun?

               "Pipicturan na lang kita." Sabi ko pa sa kanya pero nagpumilit siya kaya nagpicture na kaming dalawa. Nakailang shots din kami sa arkong 'yun. I though I would never had a picture with her, that's my dream. I bought the photo album na nagbabakasakali na isang araw ay meron kaming litrato pero it turns out na isang araw nangyari rin ang lahat.

               "Hello?" As she wave her hand in front of my face. "Are you okay? Baka ikaw naman ang pagod diyan?" Pagtatanong pa niya sa akin.

               Niyakap ko na lang siya bigla. Well, that's a achievement for me kasi sa haba man nang panahon sa wakas nagkaroon na rin kaming dalawa nang picture. "I'm glad that you take a picture with me, Reizel." Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.

               "Syempre naman, remembrance na rin natin 'to. Ano kain muna tayo?" Tumango naman ako sa kanya.

               Naglakad na lang din naman kami sa may natanaw na rin naman kaming french restaurant dun. Hindi na kami nakapagbreakfast kasi mas gusto rin daw niyang sa labas na kumain para matikman ang mga frech cousines. Pagkapasok pa lang namin sa stores ay iba na ang ambiance nang lugar, maaliwalas sa mata ang paligid. Maingay pero iba ang dating, naamoy din namin ni Reizel ang pizza.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon