Star 5

554 31 7
                                    

                                                                  Star 5

"April 12, 5pm, Activity Center. Album launching of Reizel Saavedra entitled COMPLICATED." Inulit ulit kong basahin ang tinype ko sa memo ng cellphone ko. Paulit ulit ulit din ang tingin ko sa activity center ng mall. Binasa ko pa ulit 'to. Nasa tamang lugar at mall naman ako, pero bakit walang katao tao dito sa activity center tila mga namamasyal lang ang nandito.

                      Hindi ba ako pinagloloko ng tinype ko? Tama naman ang kinuha kong details sa official page ni Reizel. Excited pa naman akong pumunta dito tapos madadatnan kong walang event dito. Ngayong araw din naman ang album launching. Napanood ko pa nga siya sa mga tv guestings niya at binabanggit niya na may album launching nga siya sa iilang malls. Anong nangyari? Mauuwi na naman ba akong bigo dito.

                       Lumapit ako sa isang guard na palakad lakad lang dito. Siguro naman may alam 'to sa event ngayon. Kasi kung wala, wala siyang kwenta. Di biro lang. Pagkalapit ko ay agad ko siyang tinanong.

                       "Kuya, may event po ba dito kanina-nina lang?" Napakunot ang noo nang guard sa akin.

                      "Walang event ngayon dito sa activity center." Bumagsak ang balikat ko sa sobrang disappointment. "Yung Album launching ba ang tintukoy mong event?"

               

                      Nang marinig ko mismo sa bibig niya ang album launching ay agad akong napatango. "Opo, 'yun nga po!" Natutuwa ako nang malaman na hindi pala ako naloko ng page na 'yun.

                      "Ah, Yung Reizel Saavedra ba?" Pinapatagal pa guard? Tumango muli ako. "Nasa cinema lobby ang event niya, doon gaganapin para hindi masyadong crowded kaya nilipat doon."

                      Tila nabuhayan ako nang sabihin sa akin ng guard ang detalye.

                      "Salamat po!" Tumango na lamang ito sa akin at itinuro sa akin ang direksyon patungo sa cinema lobby.

                      Akala ko talaga hindi na naman matutuloy ito. Akala ko naloko ako. Matawa tawa na lang ako habang nagmamadali akong maglakad patungo sa cinema lobby. Kung hindi ako nagtanong sa guard siguro uuwi talaga akong luhaan ngayon. Ngayon lang kasi magkakaroon ulit ng mall show, simula nang irelease niya ang last album niya.

                      Pagkadating ko sa may cinema lobby ay hindi na magkamayaw ang rami ng tao dito. Mukhang matatagalan pa ako para makapasok sa loob. Nagtutulukan ang mga tao dito. Nahihirapan tuloy ako kung paano ako makakapasok agad.

                      Pumunta ako sa may bandang cashier, pero hindi na ako natuloy dahil sa hindi rin ako makasingit gawa nga nang nagtutulukan ang mga tao dito. Ang wild din pala minsan nang mga fans ni Reizel. Pansin ko tao na nandito ay may mga hawak silang poster at kung ano ano pang merchandise lalo na ang cd.

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon