Star 19

327 20 0
                                    

                                                               Star 19

She hit me hardly on my face. Masakit kasi ramdam na ramdam ko. Hindi ko maatim kasi sa binitawan niyang salita, hindi ko kinayang hindi maiyak. Yeah, she help me to be in what I am right now. Masakit kasi pinamukha niya talaga sa akin. Nagbago siya at hindi na siya ang nakilala kong Millette.

               Dinala ako ni Ethan sa may garden. He saved me from that witch. Alam kong may dahilan ang mga pagbabago sa amin ni Millette pero tinadhana 'yun. Hindi naman alam na malalamangan ko pala siya. Niyakap ako ni Ethan kanina, ramdam ko ang mabilis na tibok sa kaliwang dibdib ni Ethan. I heard his heartbeats. Sa ngayon, masasabi kong personal body guard ko nga anng isang 'to. Nagulat na lang din ako nang bigla akong higitin kanina.

               Akala ko ba galit siya sa akin? Pinunasan ko ang mga luha ko at bumuntong hininga ako. Napansin nang mga gilid nang mata ko tumingin siya sa akin. Why he had so serious faces? I couldn't find his dimples.

             Tumakbo ako sa may mga damuhan na pwedeng mahigaan at doon ako umupo. Sumunod naman sa akin si Ethan.

               "Pwede mo na akong iwan." Sabi ko nang hindi ko man lang siya nililingon. Niyakap ko ang mga binti ko at dinagan ang baba ko sa tuhod ko.

               "Body guard mo ako, hindi kita pwedeng iwan." Sabi nito. Umupo rin naman ito, naka extend ang mga kamay sa likod pasandal tapos diretsyo ang mga binti.

               Nang bahagyang tignan ko siya ay tinignan niya rin ako. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Bakit parang mas gwapo siya kapag seryoso. Kahit hindi man lang siya ngumiti, ramdam ko naman na sincere siya sa sinabi niya.

               "Ano ba nangyari sa inyo ni Millette?" Napangisi pa itong nagtanong sa akin. Binitawan ko ang pagkakayakap ko sa binti ko inestretch ko rin ito.

               "Nagalit siya kasi sinabihan ko siyang witch. Saka niya hinablot ang buhok ko."

               Natawa pa si Ethan nang sabihin ko 'yun. Napakunot akong tumingin sa kanya bakit kaya siya matatawa? Nasaktann kaya ako sa sabunot ni Millette. Ang lakas nang pagkakahablot niya sa akin.

               "Bakit ka tumatawa? It isn't funny."

               Ngayon nakangiti na siya, may dimples siya sa kaliwang pisngi niya. Ngayon ko lang napansin 'to kasi noong unang pagkikita namin, wala naman. Pero infairness mas gwapo siya kapag nakangiti lalo na kapag masaya siya.

               "Hahaha! Sinabihan mo lang nang ganun? Sinabunutan ka na? Hahahaha! Like what? Ang babaw niya o baka naman she realized kaya bigla ka niyang sinabunutan." Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa.

               "Siguro nga, kasi kanina pa siya sa VTR naniniko, eh malakas ang siko niya sakto pa sa tagiliran ko. Kaya gumanti ako, inapakan ko paa niya." Sabi ko na lang.

               "Pansin ko nga kanina, pero ha. Ang babaw niya talaga." Tumigil na rin siya sa pagtawa. Pero hindi pa rin naaalis 'yung ngiti niya sa mga labi niya.

               "Miss Rei! Ethan!" Napalingon kami sa likod namin at nakita namin si Shini na palapit sa aming dalawa. "Kung saan saan ko kayo hinanap, nandito lang pala kayo." Hinihingal pa nitong sabi.

               "Bakit ba Shini?"

               "Ito muna tubig," kinuha ko naman ang bottle of water at ang isa ay inabot niya kay Ethan. "Nagsabunutan daw kasi kayo ni Millette? Naku 'yung bruhildang 'yun wala talagang kasing sama."

One Last Star (Soon to be published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon