"Boss!" Sigaw ni Leo kay Andrew na seryosong nakatingin sa malayo. Nasa headquarters sila ng Nine Flowers. Ang grupong pinamumunuan ni Andrew. Sa loob ng pitong taon ng pagiging pinuno niya sa grupong ito, hindi siya nabigong palakasin at patatagin pa ang grupong ito. Ang nine flowers na ang kinikilalang pinakamalakas na grupo sa buong Pilipinas na mayroong iba't-ibang dibisyon sa buong Pilipinas.
"Nasa meeting room na ang nine flowers." Saad ni Leo. May meeting ang grupo nila para sa nalalapit nilang anibersaryo. Hanggang ngayon nag-iisip pa siya ng mga bagay na pwedeng gawin para sa anibersaryo nila.
"Susunod na ako." Tumango si Leo kay Andrew. Palabas na sana ito ng pinto ng may maalala si Andrew. "How is she?" Tanong niya kay Leo. Kahit hindi man sabihin ni Andrew ang pangalan ng tinutukoy niya, isang tao lang naman ang palagi niyang kinakamusta kay Leo sa loob ng pitong taon. Ito lamang ang kaisa-isang tao na nakakaalam na pinababantayan at pinasusundan niya ang taong tinutukoy niya.
Napangiti si Leo sa tanong ni Andrew. "They are still silent boss. Wala silang ginagawang kahit na anong hakbang. Tahimik lang din sila kagaya ng grupo natin." Matapos sagutin ang tanong ni Andrew ay lumabas na si Leo ng opisina nito.
Sa nakalipas na mga buwan, tahimik lang ang grupo nila. Wala silang ginagawang hakbang dahil mas gusto nilang sila ang inaatake dahil magkakaroon sila ng rason para gumanti.
Hinanda ni Andrew ang sarili at nagtungo na sa kwarto kung saan magaganap ang pagpupulong ng Nine Flowers. Pagkabukas ni Andrew ng pinto, agad na tumayo ang nine flowers at yumuko bilang paggalang sa kanya na tinuturing na pinuno ng grupo. Bahagyang yumuko si Andrew at dumiretso sa upuan niya.
"Ano ng plano?" Tanong ni Andrew. Pinag-aralan niya ang mga kasama niya sa mesa. Nakakatawa lang isipin na lahat ng kasama nito sa mesa ay may mga kasintahan na o may mga asawa na. Samantalang siya na pinuno, nag-iisa lang sa buhay.
"Boss, may auction na magaganap ang black market sa araw ng anibersaryo natin. Bakit hindi na lang natin daluhan ang auction sa black market?" Suwestiyon ni Leo o mas kilala na ngayon bilang Arthur Dane Pechardo. Isa sa mga legendary nine flowers. Fiance nito ang isa pa sa nine flowers. Si Dane ang namamahala sa mga miyembro ng grupo sa regions one to three.
"Hindi na masama yan pero papupuntahin ba natin ang lahat ng miyembro?" Si Yoon Ei Ra. Ang fiance ni Dane. Wala siyang hinahawakang lugar. Sa Nine Flowers, siya lang ang walang ginagawa. Siya lang kasi ang nag-iisang babae sa grupo. Lahat ng mga kasamahan niya, lalake na.
"Hindi na kailangan. Baka mabulilyaso lang tayo kapag pinapunta natin silang lahat." Lloyd Charles Molina. The tech specialist sa grupo. Kilala bilang Aquarius ng dating grupo na Zodiacs.
"Kung sa bagay, may punto ka." Si James Michael Ibanez o mas kilala bilang Virgo ng zodiacs. Ito ang namamahala sa lahat ng miyembro ng NCR. May-ari ng isa sa pinakamalaking shipping line sa bansa na siyang ginagamit ng grupo para sa mga illegal na pagpasok ng mga bagay sa bansa.
"Sandali. Nasaan sina Martinez, Enriquez at Zuniga? Bakit wala sila dito?" Takang tanong ni Andrew. Bihira lang ang tatlong ito ang mawala sa mga meeting na kagaya nito kaya nag-aalala si Andrew na baka may nangyaring masama sa mga kaibigan.
"Emperor, si Martinez may business trip sa ibang bansa. Si Enriquez, pinuntahan yung lugar kung saan daw diumano huling nakita si David Zachary. Si Zuniga naman hindi nagpasabi kung bakit wala." Sagot ni James kay Andrew.
"Ipatawag silang tatlo bukas. Gusto kong marinig ang paliwanag nila. Ano ng nangyari sa BPS?" Ang BPS ang kalabang grupo nila Andrew. Ang Black Phoenix Society.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...