Athena's POV
Dalawang oras din ang tinagal bago kami nakarating. Pagkadating namin, bumungad sa amin ang mga kaibigan namin ni Andrew na abala sa pagkekwentuhan.
"Hi guys!" Bati ko sa kanila habang tulak-tulak ang stroller ng kambal papasok.
"Yow Athena." James
"Athena!" Steve
"Kamusta na Pinuno?" Ynares
"Miss." Nakasaludo pang bati ni Charles.
"Athena." Nakangiting sabay na bigkas ni Andre at ni Klein.
Tumango lang ako sa kanila saka sila nginitian. Agad namang naglapitan ang mga babae sa kambal.
Kinuha ni Amarie si Antonov. "Waaaah! Grabe ang cute cute mo talaga. Carbon copy ka ni Andrew!" Nanggigil pa ata si Amarie sa anak namin ni Andrew.
Kinuha naman ni Krizza si Napoleon. "Naku naman. Sino ka ba? Si Antonov ka ba?" Natawa ako sa tanong ni Krizza.
"Si Napoleon yang hawak mo Krizza." Pigil ang tawang tugon ko sa kanya.
Magkamukha kasi talaga si Napoleon at Antonov. Wala nga sila masyadong pagkakaiba. Parehas sila sa mga features ng mukha pero hindi sa katawan. Medyo mas mataba si Napoleon kung ikukumpara kay Antonov.
"Athena, pupuntahan mo na ba siya?" Tanong ni James na nakapagpatahimik sa lahat.
Kaarawan ni Andrew ngayon pero binabalot ng kalungkutan ang pagkatao ko. Gustuhin ko mang magsaya, hindi ko magawa.
Oo, dalawang taon na nga mula nang mangyari yun pero hindi sasapat yun para mawala lahat ng sakit.
Tumango ako bilang pagsagot sa tanong ni James. "Ako na lang muna ang papasok. Pasunurin mo na lang yung mga bata pagkatapos ng sampung minuto. Gusto ko muna siyang makausap ng sarilinan."
Tumango naman si James. Tinalikuran ko na sila saka tinahak ang hagdan papunta sa kanya. Naglakad pa ako ng konti at napahinto ako sa isang pinto katapat ng altar.
"Bigyan Niyo po ako ng lakas na harapin siya. Wag nawa ako panghinaan ng loob."
Maikling dasal ko habang nakatingin sa santo na nasa altar bago ko pinihit ang door knob ng silid saka pumasok.
Malamig sa buong kwarto. Nanunuot sa balat ko yung lamig. Nakalimutan ko kasing magjacket.
Humakbang pa ako ng mga limang ulit bago ko siya tuluyang nasilayan.
Hindi ko na ulit napigilang mapangiti kasabay nang pagdaloy ng mga luha ko.
Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang upuan na nasa sulok ng silid hindi kaluyuan sa kinatatayuan ko saka nilipat iyon sa tabi ng kama niya.
Hinawakan ko ang kamay niya saka inilagay sa pisngi ko iyon.
"Dy ..." Pigil ang hikbing pakikipag-usap ko sa kanya. "Kailan ka ba gigising? Ang tagal na naming naghihintay sayo."
Two years nang comatose si Andrew. Noong una akala ko mawawala na talaga siya sa amin. Nairevive siya ng doktor. Maraming naging pinsala sa katawan si Andrew noon.
May mga balang tumama sa internal organs niya nang mabaril siya noon sa rooftop. Dagdag pa ang naging damage sa utak niya dulot noong pambubugbog sa kanya noon.
Sukong-suko na talaga ako noong mga panahong yun. Parang gusto ko siyang sundan sa kung nasaan man siya.
Pero pinilit kong magpakatatag. Hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa mga anak namin.
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. Gangster Boss
Teen Fiction[Book 2 of She's the Boss] Seven years matapos ang nangyari kina Andrew at Athena, parehas na silang kilala sa mga larangang pinasok nila. Andrew as one of the hottest and richest bachelor in Asia. Maraming babae ang nagnanais na makuha ang atensyon...