Special Chapter 1

26.2K 413 6
                                    

Halos mabingi ang mga tao sa opisina ni Andrew habang tinatahak ni Athena ang daan patungo sa opisina ng kabiyak.

Mabigat ang mga hakbang niya kahalintulad ng bigat ng dibdib niya dulot nang napag-alamang kwento sa isang malapit nilang kaibigan.

Kasalukuyang nakikipag-usap si Andrew sa isang potential investor nang padabog na buksan ni Athena ang pinto ng opisina niya. Nagulat si Andrew at ang investor na kameeting niya sa ginawa ni Athena.

"My, what's with the surprise visit?" Tumayo si Andrew at akmang hahalikan sa labi si Athena nang iiwas nito ang mukha sa asawa.

Sa inaasal pa lang na iyon ni Athena ay nakuha na ni Andrew na may problema silang mag-asawa.

Pinaalis muna ni Andrew ang kameeting bago hinarap ang asawa. Nang makalabas na ng kwarto ang investor ...

"Anong dahilan at napunta ka dito Athena?"

"Wow! Noong nandiyan ang investor, MY ang tawag mo sa akin. Ngayong wala na sila, ATHENA na lang?!"

Napahilot si Andrew sa sintido niya. Umiral na naman ang pagkachildish ng asawa niya.

"Wag mong ibahin ang usapan Athena. Bakit ka nga napunta dito? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?"

Napansin ni Andrew ang pamumuo ng luha sa mga mata ng asawa niya. Naguluhan siya lalo. Wala siyang kaide-ideya kung bakit naiiyak ang asawa niya.

Wala naman siyang matandaang matinding atraso sa asawa para sugurin pa siya nito sa opisina. Maaga naman siyang umuuwi. Hindi pa rin naman niya nakakalimutan ang mga obligasyon niya para sa mga anak nila.

"Andrew ... What do you really take me as for? Ano ba talaga ako sa buhay mo?" Naiiyak na saad ni Athena.

Pinipigilan ni Athena na umiyak sa harap ng asawa. Nagdaramdam na talaga siya at hindi na talaga niya kayang itago ang nararamdaman niya.

Nauunawaan naman niyang busy na tao ang asawa niya at wala siyang magagawa patungkol dito.

Pero sana man lang ginawan ng asawa niya ng paraan ang araw na to.

"My, Athena, look. Marami akong ginagawa. Busy ako at may problema pa sa isang company na kailangan kong ayusin. Can we just settle this issues at home?" Hindi na rin maitago ni Andrew ang inis dahil sa inaasal ng asawa. Dumadagdag sa mga problema niya ang pagtatantrums ng asawa niya and it's not helping him. It's stressing him out.

Mas lalong nasaktan si Athena sa sinabi ni Andrew. Pinapalayas na siya ng asawa sa mismong opisina nito.

Mabilis na pinahid ni Athena ang luha sa mga mata niya. "Okey. Fine. I'll leave. What a nice anniversary gift from my husband. Happy anniversary then."

Tumalikod na si Athena tsaka pabalag na sinara ang pinto ng opisina ni Andrew.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Andrew matapos marinig ang sinabi ni Athena. It's their anniversary?!

Mabilis na chineck ni Andrew ang calendar ng iPad niya para malaman kung totoo ngang anniversary nilang mag-asawa.

"SHIT!" Malakas na usal niya nang makitang ngayong araw nga ang anniversary nilang mag-asawa.

Napabuntong-hininga na lamang si Andrew. He admits he's at fault this time. Masyado kasing occupied ang isip niya ng mga problema sa mga kompanyang pinamamahalaan niya. Isa-isa niya pa rin kasing nireresolba ang mga problemang iyon.

"Steve, pumasok ka nga sa opisina ko." Utos ni Andrew kay Steve matapos niyang tawagan iyon sa telepono. Wala pang isang minuto ay pumasok na si Steve sa opisina ni Andrew.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon