Chapter 17: Goodbye Athena

30.1K 496 55
  • Dedicated kay Thessa Santos
                                    

Denice's POV

Napangisi ako habang kinakaladkad ng staffs si Athena papasok ng hotel. Sigurado akong may magwawala mamaya kapag nalaman niyang magmomodel si Athena kasama ni Pierce.

"Are you crazy?"

Napalingon ako sa nagsabi nun. "Of course not!" Sigaw ko sa kanya. Grabe tong lalakeng to. Pasalamat ka gwapo ka.

"Well you look like one." Seryosong saad niya.

"What?! AKO? Mukhang baliw?!"

"Yes. And your also acting like one. You belong with them." Pierce

"YAH! Hindi porket gwapo ka may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan."

"Thank you for acknowledging my charms. Pero sorry miss. Nagsasabi lang ng totoo." Pierce

Ang kapal din ng lalakeng to. Ito ba ang pinagseselosan ni Kuya?! Wala namang kaselos-selos dito!

"Palibhasa may gusto kay Athena." Mahinang bulong ko. Totoo naman. Halatang-halata kayang may gusto siya kay Athena. Sa paraan ng pagtitig niya at pakikitungo kay Athena, obvious kayang may gusto siya kay Athena.

"Anong sabi mo?" Nakangising tanong niya.

"WALA!" Sigaw ko sa kanya. Bakit ba siya nakikinig? Hindi naman siya ang kausap ko. Sarili ko!

"Hahaha! You really think that I like Athena? Well yes. I do like her." Nakangiting sabi ni Pierce.

"KITA MO NA! PLANO MO PANG AGAWAN ANG KUYA KO!"

"Sabihin na nating totoo yang paratang mo. Ang tanong, magpapaagaw ba si Athena?" Pierce

"BAKIT HINDI? WALANG IMPOSSIBLE KUNG IPIPILIT MO!"

"Hindi ko ugali ang mamilit ng babae. Isa pa. Gusto ko si Athena bilang kaibigan dahil kakaiba siya. Hindi gaya ng iniisip niyo. Kayo lang naman tong malisyoso at nilalagyan ng kahulugan yung pagkakaibigan namin." Pierce

Seryoso siya sa sinabi niya. Ibig sabihin wala talaga siyang nararamdaman kay Athena?

"Pero yung-"

"Ako na ang nagsasabi. Wala akong planong masama kay Athena. Wala ding kahulugan yung mga ginagawa namin. Wag malisyoso." Pierce

"Paano ako makakasiguro na totoo yang sinasabi mo?"

Naglakad ito palayo sa akin pero narinig ko ang sinabi niya.

"May mahal na akong iba." Dire-diretso na siyang naglakad papasok ng hotel.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. At least hindi wala siyang planong agawin si Athena kay Kuya.

Pero may kailangan pa akong gawin. Napapangisi ako sa naiisip ko.

Andrew's POV

Hindi mawala-wala sa isip ko yung nangyari kagabi. Hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.

FLASHBACK
Kagabi sa tabing dagat

Mukha na akong tanga dito sa likod nila. Nakatingin ako sa kanila. Nakahilig ang ulo ni Athena sa balikat ni Pierce. Ni minsan hindi ko nagawa yan sa asawa ko. Ang patulugin siya habang nakaunan sa balikat ko.

"Alam kong nandyan ka." Pierce

Napakunot ang noo ko. Sinubukan kong lumingon-lingon. Baka may iba siyang kausap pero wala namang ibang tao dito maliban sa kanila at sa akin.

"Ikaw ang kausap ko kuya. Wag ka na maghanap ng ibang tao diyan. Mukha kang tanga." Pierce

Anak ng! Ang kapal din ng lalakeng to. Ang sarap gulpihin! Timpi lang Andrew. Pagkatapos ng photoshoot, pwede mo ng gulpihin mukha niyan.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon