Chapter 21: His Straggling Heart

34.4K 470 23
                                    

Bart's POV

Ikinasa ko ang baril matapos niyang linisan ito. Naghahanda kami sa pagbabalik namin sa Pilipinas. Matagal na panahon din kaming nagtago. Hindi dahil sa natatakot kami ngunit dahil sa naghahanda kami para sa mas matindi pang laban na kakaharapin namin.

"Done packing your things?" Tanong ni Skye. Si Skye ang bukod tanging babae na miyembro ng grupo namin. Si Skye ay may taglay na kakaibang ganda na hahalina sa lahat ng lalake na siyang kailangan namin para mukuha ang mga taong kailangan namin.

"Yes. How about you? Tapos ka na ba?" Tumango si Skye. Kinuha niya ang mga gamit ko at sabay kaming bumaba sa first floor ng bahay kung nasaan ang iba pang miyembro ng grupo.

Kami ang grupong Codename BLUE o mas tinatawag na CNBLUE. Meron kaming limang miyembro. Si ako, Louie, Ulyseiss, Enrique at si Skye. Isa rin kami sa mga kilalang gangsters sa Pilipinas. Hindi kami ang tipo ng gangsters na puro angas. Talagang may ibubuga kami kaya lahat ng kalaban namin napapatumba namin.

"Boss, yung bloodsuckers gang pinadalhan tayo ng threat. Akala siguro kaya tayo." Natatawang sabi ni Louie. Ang bloodsuckers gang ang isa sa pinakapipitsuging grupo sa Pilipinas. Kaya nga iniwan ng dati nilang pinuno yun. Walang kwenta ang grupong yun.

"Gusto na atang maextinct sa listahan ng mga gangsters." Saad ni Enrique matapos bumuga ng usok matapos humithit nito sa sigarilyo.

"Psh. Just let them be. Their wish is our command." Nakangising saad ni Skye.

"I made monsters in you guys right?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, nakakalokong ngiti lang sinagot ng mga kasama ko. Well I could say that indeed, I made a different kind of monsters in them.

"Bart, ano ba talaga ang totoong rason kung bakit uuwi tayo ng Pilipinas? Alam kong hindi lang dahil sa gusto mong makuha natin muli ang pagkakakilanlan bilang nangungunang gang sa Pilipinas. May mas malalim pa." Tanong ni Ulyseiss.

Meron ngang mas malalim pang dahilan kung bakit gusto kong bumalik na ng Pilipinas. Sisiguraduhin kong magbabayad sa akin ang grupong yun. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nauubos.

"Skye, ano ng status ng BPS?"

"May bago daw silang pinuno pero hindi pa naipapakilala. Hihintayin pa natin yung party para sa pormal na pagpapakilala sa kanya." Skye

Hihintayin ko yang bago nilang pinuno bago ako gumawa ng hakbang. Pupulbusin ko ang grupong yan. Ang grupo nila ang magbabayad sa lahat ng ginawa ng pinuno nila.

Fire Ricafort. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito at sa huli, ikaw pa rin at ang grupo mo ang magbabayad para sa lahat ng pinagdaanan namin.

Third Person's POV

NAGDILIM NA ang paligid at mamaya na ang party ni Pierce pero hindi naman maiwan ni Athena si Eliza na mahimbing pa rin na natutulog sa kama nito. She felt that Eliza is her responsibility even though its not. She wants to enjoy the party together with her friends but she cannot leave her sister in this room.

Nagring ang phone niya at sinagot niya iyon dahil si Pierce ang tumatawag.

"Yes Pierce?"

"Where are you Athena? The party is about to start." Nahahalata naman iyon ni Athena dahil sa ingay ng kabilang linya kung nasaan si Pierce.

"I'm sorry Pierce but I can't leave my sister. Masama kasi ang pakiramdam niya."

"Oh. Okey lang. Gusto mo bang padalhan ko na lang kayo ng pagkain?" Alok ni Pierce sa kanya.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon