Chapter 3: You're Dead!

36.8K 636 12
                                    

Kinabukasan, tanghali nang nagising si Athena. Pagkagising niya ay agad siyang tumingin sa relo sa side table ng kama niya. Alas diyes na ng umaga ng magising siya. Agad siyang bumangon at nag-ayos.

Simple lang ang suot niya. Nakamaong pants lang siya at isang pink na t-shirt. Ang rubber shoes niyang converse na kulay itim ang suot niya. Dinala rin niya ang DSLR niya at nagsuot ng eyeglasses. May kalabuan na ang mata ni Athena. Mas pinili niyang magsuot ng glasses kaysa sa mag contacts pang porma na rin.

Pagkababa niya, nadatnan niya ang mga kaibigan na nasa sala at kumakain ng prutas.

"Oh? Yan lang ang suot mo?" Tanong ni Thalia ng sipatin niya ng tingin ang kabuuan ni Athena.

"Bakit parang magpupunta ka lang sa kanto sa itsura mo? Well, may dala kang DSLR kaya hindi ka mukhang lalabas lang sa kanto pero seriously Athena? Date tapos ganyan ang porma?" Pamumuna naman sa kanya ni Amarie.

Tinignan ni Athena ang sarili bago tinapunan ng tingin ang mga kaibigan.

"What's wrong with my clothes? As long as I am wearing something, it doesn't matter right?" Nakataas ang kilay na sagot ni Athena sa kanila.

Napapailing naman si Krizza sa sinabi ni Athena sa kanila. "Athena, ipapaalala ko lang sayo na CEO ng isang malaking kompanya ang a- ... ang makakasama mo. Sana man lang mag-ayos ka ng kahit konti. Yung appopriate sa estado ng kadate mo?" Alanganing sagot ni Krizza. Muntik na nitong sabihin kay Athena na asawa niya ang makakadate niya. Napapailing naman ang mga kasama niya sa muntik niyang pagdaldal ng katotohanan kay Athena.

"Ayoko. Tinatamad na ako. Tama na to. Alis na ako." Nagdire-diretso na palabas ng bahay si Athena.

"Sira ulo ka talaga. Ilalaglag mo pa kami." Saad ni Amarie matapos niyang batukan si Krizza.

"Makabatok ka naman. Hindi naman natuloy ah!" Pagdedepensa ni Krizza sa sarili.

"Pero yang bibig mo buntis ang magpapahamak sa atin." Napanguso na lang si Krizza matapos pagtulungan ng mga kaibigan dahil sa muntikang kapalpakang nagawa niya.

Habol hininga at nagmamadaling pumasok ng opisina niya si Andrew. Nagkaroon ng emergency sa Nine Flowers. Nawawala ang isa sa mga kasamahan nila. Nawawala si Enriquez.

"Anong nangyari? Bakit ngayon lang nareport to kung tatlong araw na pala siyang nawawala?" Agad na bungad ni Andrew sa mga nine flowers na hindi rin alam ang isasagot sa kanya dahil wala rin silang idea sa nangyari.

Napahawak sa sintido niya si Andrew. May problema na namang dumating. Kakaresolba niya lang ng problema sa mga kompanyang pagmamay-ari niya tapos ngayon may dumating na naman. "What's the report?"

"Tatlong araw na raw nawawala si Enriquez. Huling nakita raw ito sa bar na pagmamay-ari niya sa The Fort. Hindi na daw siya nakauwi ng bahay mula noon." Pagkekwento ni Pechardo. Ito ang kwentong nireport sa kanila kaugnay ng pagkawala niya.

"Pero di ba sabi niyo kahapon pinuntahan niya yung lugar kung saan huling nakita si David Zachary?" Kunot noong tanong ni Andrew ng maalala niya ang pinaalam ng mga ito sa kanya kahapon.

"Oo nga boss. Yun ang natanggap kong text message mula sa kanya. Hindi ko naman alam na nawawala na pala siya." Paliwanag ni Pechardo.

May nabuong kongklusyon sa isip ni Andrew. "Hindi siya nawawala. May dumukot sa kanya. Hindi siya magtetext ng ganun kung nawala siya." Tumayo na sa upuan niya si Andrew. "Hintayin niyong tumawag yung dumukot sa kanya. Kapag tumawag, kunin ang lugar. Agad na magpadala ng tao para makuha si Enriquez. Walang nine flowers na pupunta sa lugar. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes emperor." Sabi nilang lahat.

Lumabas na si Andrew ng meeting room at nagtungo sa opisina niya sa Nine Flowers. Agad niyang tinignan ang phone niya. Nakita niyang may mahigit dalawampung missed calls na ang kapatid niya. Binalot naman ng kaba si Andrew kaya agad agad niyang tinawagan ang kapatid niya.

Mr. and Mrs. Gangster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon